MY HOTTEST STRIPPER-9

2132 Words
POV- LUCIANNE "PAGTATAKSIL" Isang gabing hindi ko makakalimutan sa piling ng isang lalaking hindi ko naman lubusang kilala. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko at nagawa ko ang bagay na iyon! Ang isuko ang lahat ng buong pagkatao ko ng walang pag-aalinlangan na dapat sana ay sa boyfriend ko iyon ibinigay. Litong-lito ang isip ko noon dahil sa pagbalewala sa akin ng boyfriend kong si Walter kahit alam naman niyang iyon ang araw na dapat maging masaya kaming dalawa dahil anniversary namin. Noong mga oras na iyon buo na rin ang disisyon ko na ibigay sa kanya ang matagal na niyang gusto ang matikman ang katawan ko. Subalit nagbago ang lahat ng araw na iyon, dahil sa isang pagkakamali. Iyong din araw na iyon nakilala ko si Marco, at doon na nagsimula ang lahat. Nakaramdam ako ng paghanga sa lalaki. Ibang-iba siya sa boyfriend ko, ang hot niyang tingnan at lalaking lalaki talaga at Ang tikas ng kanyang pangangatawan. I think sa lahat ng oras ay kaya niya akong ipagtanggol. Siguro kaya ganoon na lang ang pagkasabik ko. Kaya nagawa kong angkinin siya, Nang mga oras na iyon wala akong ibang gusto kung hindi makabawi sa boyfriend ko sa pagkukulang niya sa akin. Nang dahil nga sa makalaglag panty niyang itsura at mapang-akit na mga ngiti, bigla akong nakaramdam ng pagkasabik at naglakas loob akong bilhin siya. Para bang takam na takam ako sa katawan ng lalaking iyon. Isa lang ang sinasabi ng demenyo sa isip ko, iyon ay ang matikman ang lalaking bago ko lang nakilala ng mga oras na 'yon, kahit ano pa ang mangyari, mahirap man paniwalaan sa sarili ko ang pangyayari 'yon. Kahit gan'on pa man at mali ang naging disisyon ko na dapat 'di ako nagpatalo sa tukso, ay kakaibang ligaya naman ang dinulot niya sa akin, na kahit ngayon ay hinahanap-hanap pa rin ng katawan ko. Dahil ba sa nagawa kong iyon, makakabawi na ba ako sa boyfriend ko sa pagkukulang niya, mas pinairal ko ang emosyon ko at padalos-dalos ng disisyon, para sa pandaliang sarap---"bulong ko sa aking isipan. "Hoy Lucianne, mukhang tulala ka? At ang lalalim ng iniisip mo riyan, kamusta pala kayo ni Marco, pasensya na kayo kagabi ha, iniwan namin kayong dalawa. Si Rex kasi gusto umisa kaya iyon pinagbigyan ko na. Bigla tuloy akong bumalik sa katinuan ng tapikin ako ni shane sa balikat, at parang hindi ko naririnig ang mga pinagsasabi nito. Nagulat ako at nautal utal nagtanong. "Pasensya ka na Shane masakit kasi ang ulo ko, ano pala yong tanong mo," sambit ko. habang nakatingin sa mga mata niya. "Huyts nako! Lucianne, siguro lasing ka pa, tulala ka eh, parang lumilipad ang isip mo. Tinatanong kita kung kamusta kayo ni Marco, dahil wala na akong balita ng gabing iyon ng iwan namin kayong dalawa. Kaya pasensya. Biglaan eh," paliwanag niya. "Okay lang Shane, Tama lang yong ginawa mo at dahil doon mas nakilala pa namin ang husto ang isa't isa at marami pang nangyari ng gabing iyon, mahirap ipaliwanag pero labis naman akong nasiyahan, feel ko nga parang nasa heaven ako ng mga oras na iyon, tama ka nga nakalimutan ko nga pansamantala ang boyfriend ko habang kasama ko si Marco, kakaiba siya ang lupit," sambit ko sabay kamot ko sa aking ulo, dahil parang napahaba yata ang sinabi ko. "Huh what do you mean Lucianne? may nangyari ba sa inyo ni Marco, ng oras na iyon ng 'di ko nalalaman?" nagtatakang tanong ni Shane. Hindi ka-agad ako sumagot sa tanong niya at nagisip ako ng isasagot. Ano ba ang sasabihin ko magsasabi ba ng totoo o magsisinungaling sa kanya. Pero dapat hindi niya malaman ang totoo nakakahiya ang ginawa ko---" bulong ko sa aking isipan. "Ahmm... W-wala no, kung ano ano yan pumapasok sa isip mo Shane, ang mabuti pa ay tapusin mo na iyan pinapagawa ko sa'yo," sambit ko may halong kasungitan, para hindi na siya mag tanong pa. Okay Lucianne, sabi eh, alam mo bagay kayo ni Marco, alam ko mabait siya saka PANO panalo ka sa kanya. Ang hot kasi parang ang sarap niyang sakmalin," malanding sambit ni Shane na may halong ngiti. "Tigilan mo ako Shane, Hindi ko magagawang magtaksil kay Walter kahit ganoon siya sa akin, pagdadahilan ko kay Shane, pero ang totoo ay nasiyahan tlaga ako ng subra sa ginawa sa akin ni Marco, pagpapaligaya sa kama---" bulong ko. "Saka, nga pala Shane, huwag mo sasabihin sa boyfriend ko na gumimik tayo kagabi ha, kahit wala siyang time sa akin boyfriend ko pa rin siya at alam kong magkakaayos pa kami ni Walter. Sanay na naman ako sa ugali niya eh, kaya pinagpapasensyahan ko na lang," paliwanag ko. "Ahmm! Okay Lucianne, trust me, pero sana maupog ka at makalog ang utak mo para magising ka sa katotohanan na niloloko ka lang ni Walter. Alam ko may dahilan siya kung bakit binabalewala ka na niya," sambit ni Shane, ngunit di niya alam na mas malaki ang nagawa kung kasalanan kay Walter hindi lang ako nagpapahalata kay Shane. "Magigising lang ako sa katotohanan kapag malaman ko na may mali siyang ginawa, sa ngayon ay hindi pa rin nawawala ang tiwala ko sa kanya, ganoon ko ka mahal si Walter. Pero mapapatawad pa kaya niya ako kung malaman niya ang nagawa kong kataksilan na kahit kelan 'di na maibabalik pa," sambit ko sa aking isipin. "Sige Lucianne, ma-iiwan mo na kita, magtxt ka na lang sa akin kapag gusto mo ulit gumimik," nakangiting sambit ni Shane. Nagbigay rin ako sa kanya ng ngiti hanggang tumalikod na siya, pinagmasdan ko ang kanyang unti-unting paglayo habang nakalumbaba ako sa aking kinauupuan na pwesto. Bigla naman sumagi sa isipan ko na kunin sa bag ang cellphone ko at tingnan kung may massage sa akin ang boyfriend ko, subalit nainis lang ako at tumaas lang ang dalawang kilay ko ng wala akong mensahe na natatanggap mula sa kanya, mas lalo tuloy akong nagtataka sa boyfriend ko, dahil simula kahapon ay 'di manlang niya magawang kamustahin ako. Pinalampas ko na nga ang hindi niya pagsipot sa anniversary namin eh, tapos ngayon wala siyang paramdam, bwuesit na talaga ang lalaking iyon. Tama nga si Shane, dapat magising na ako sa katotohanan at kalimutan na lang siya, mas lalo pa akong masasaktan kapag pinagpatuloy ko pa ito," inis kong sambit sa aking isipan. Ano kaya't puntahan ko na lang siya, tutal minsan na rin akong nakapunta sa condo niya, hindi naman siguro siya magagalit at matutuwa pa iyon kapag makita niya ako. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit wala siyang time sa akin, at ano ang pinagkakaabalahan niya, dahil kapag malaman kong may mali siyang ginagawa humanda talaga sa akin ang lalaking iyon. parang may nararamdaman akong hindi maganda eh," bulong ko. Tumayo ako sa aking kinauupuan, pinihit ko ng doorknob at ka-agad akong lumabas sa opisina ko. Mabilis ang paghakbang ko habang tinutungo nga mahabang hallway palabas ng gusali na pagmamayari ng Ama ko na minamanage ko naman. Naglakad ako papunta sa parking lot, papalapit pa lang ako sa kotse ko ay kinuha ko na ang susi sa bag ko, pinapaikot ko ito sa pagitan ng aking daliri. Nang tuluyang makalapit sa kinalalagyan nito ay marahan kong Binuksan ko ang pinto ng driving set at pumasok na ako. Habang nagmamaneho ako patungo sa condo ni Walter sa green hills village, ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko bumibilis rin ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa village, at bago ako pumasok sa malapad na gate ay lumapit sa harapan ko ang security. "Good morning po Mam," bungad niyang pagbati sa akin. Pwede ko po bang makita ang I'd mo Mam," paki-usap niya. Sakto naman at binigyan ako ng I'd ni Walter na dito lang magagamit sa pagpasok ng gate, ginawa niya iyon para kahit gusto ko pumunta ay mabilis akong makakapasok ng village kahit 'di ko siya kasama. Pinakita ko ang I'd sa security ilang saglit nga ay pinagbuksan niya ako ng gate, nagbigay ako ng ngiti sa security at dumiritso na ako sa loob ng village, pinark ko ang kotse ko. Hindi pa rin nagbabago ang pagtibok ng dibdib ko hindi ko alam kung bakit para bang may gusto itong ipahiwatig. Lumabas ako mula sa loob ng kotse ko, at huminga ako ng malalim napatingala pa ako sa itaas dahil nasa 12 floor ang unit ni Walter. Nagdisisyon na akong maglakad, nagtungo ako sa elevetor. Lalong bumilis ang pagtibok ng dibdib ko habang nasa loob ako ng elevetor. Hindi naglaon ay nakarating na ako sa 12 floor tinunggo ko ka-agad ang pinto ng unit ni Walter, excited na ako dahil alam kong matutuwa siya dahil hindi niya inaasahan ang aking pagdating. Hindi na ako kumatok, dahil napansin kung parang bukas naman ang pinto dahil sa maliit na siwang nito. Nagtaka tuloy ako bakit kaya 'di niya sinara ang pinto. Hinawakan ko ang doorknob at maharan kong tinulak ang pinto, para hindi niya malaman na narito ako subalit nang tuluyan na akong makakapasok sa loob ng pinto. May isang bagay na nasulyapan ang aking mata, sa labas ng pintuan ng kwarto ni Walter, kaya naman nilapitan ko ito, sheet puta! Damit ito ng babae ah! may ibang babae ba ang boyfriend ko?" tanong ko sa aking isipan na halong pagtataka. Nanlalamig ang buong katawan ko at nakaramdam ng galit sa aking nakita. Parang gusto kong magwala ng oras na ito, Hindi ako makapaniwala. Pinipigilan ko pa rin ang sarili ko at naging mahinahon, subalit hindi ko na kinaya, ng may marinig akong boses na nagmumula sa loob ng kwarto ni Walter. Halinghing at pag-ungol habang paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ni Walter. "Sheet f**k! Isagad mo pa Walter, I'm coming baby faster, subrang sarap baby," malanding sambit ng babae sa loob ng kwarto. Nang dahil nga doon ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko, sumabog na ang galit na namumuo sa aking dibdib sabay ikom ng dalawang kamao ko. Hindi ko na kayang palampasin ang pagkakataon na ito ang panloloko sa akin ni Walter na kung hindi pa ako nagpunta rito ay di ko pa malalaman. Marahas kong itinulak ang pinto, malas lang nila dahil 'di nila inilock ang pinto bago sila maglampungan dalawa. Gulat na gulat si Walter ng makita niya akong iniluwa ng pinto. Naitulak niya ang babae na nakapatong sa ibabaw ng kanyang katawan. Kitang-kita ko ang kababuyan nilang ginagawa ng babae niya, nanginig ang katawan ko at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. "What are you doing here Lucianne?" gulat niyang tanong sa a'kin at mukhang 'di makapaniwala. "Dapat ako ang magtanong sa'yo nyan, ano ang ginagawa ng babae yan dito sa condo mo?. "Ang akala ko masurprise kita. Pero ako pala itong nagulat. Kaya pala wala ka nang oras sa akin dahil may iba ka na!. "Pasensya kong na abala ko ang pagtatalik ninyong dalawa ng babae mo. Huwag ka mag-alala dahil aalis na rin ako. Gusto ko lang ipaalam sa'yo na tapos na tayo, malaya ka na sa gusto mong gawin sa buhay wala na tayong dapat pagusapan pa!. "Ngayon gising na ako sa katotohanan Walter, ngayon napatunayan ko na ang lahat at nakita mismo ng dalawang mata ko ang kababuyan mong ginawa. Nakapagdisisyon na akong kalimutan ka! Walter," galit kong sabi. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Tumalikod na ako subalit ka-agad akong napatigil ng hawakan ni Walter ang kamay ko . "Sandali lang Lucianne, I need talk to you let me explain," sambit niya, ngunit nang pagharap ko ay malalakas na sampal ang ginawad ko sa kanya. "Walang hiya ka! pinalampas ko ang araw na hindi mo ako sinipot ng anniversary natin, dahil alam kong busy ka sa work mo, inintindi ko iyon, dahil mahal kita! pero dahil sa nagawa mo at nakita ko, hindi ko na alam sa sarili ko kung papatawarin pa kita. "Subrang sakit ng ginawa mo Walter kaya huwag ka na magpaliwanag bitawan mo ang kamay ko. Galit kong utos kay Walter. Ka-agad din niyang binitawan ang braso ko. at wala siyang kibo sa kaniyang kinatatayuan. Paglabas ko ng pinto ay marahas ko itong sinarado at nagtatakbo ako papalapit sa elevetor nagmadali akong pumasok sa loob nito, at nang makapasok ay umupo ako sa loob habang putuloy ang pagbasak ng aking mga luha. Hindi ako makapaniwala na gagawin sa akin ni Walter ang bagay na iyon, siguro dahil hindi ko magawang isuko ang sarili ko sa kanya, kaya naghanap siya ng iba. Masakit para sa akin ang nakita kung iyon. Subalit wala na akong magagawa, kung hindi tanggapin na lang iyon. Alam ko rin naman sa sarili ko may kataksilan akong ginawa. At hindi rin ako mapapatawad ni Walter kapag nalaman niya iyon. Kaya mabuti pang tapusin ko na ang namamagitan sa amin dalawa ni Walter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD