Nanigas ang buong katawan ko nang bigla akong itulak ni Eric para sumandal sa dingding na pinagtataguan niya, at bigla niyang inilapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Imbes na magalit, natagpuan ko na lang ang sarili kong pumipikit rin at dinadama ang halik niya. Tae. Ano ba 'tong ginagawa ko? Natauhan ako nang maisip kong mali ang ginagawa namin. Tinulak ko siya bigla, nagulat kaming pareho. "James?" muling pagtawag ni Naomi na ngayon ko lang napansing nakatingin na pala sa 'min pati ang isang estrangherong lalaki na galing ata sa loob ng bahay. Sa kahihiyan, nasampal ko si Eric na parang hindi na rin naman niya ikinagulat. Hindi ko malaman kung bakit bigla akong naiyak. Dahil dito, tumakbo na ako palayo at iniwan silang lahat sa malawak na bakuran. Inihagis ko na lang basta ang rega

