Na-overwhelm na nga ako matapos sabihin ng impaktong si Prince Eric na second in charge ako, nagawa niya pa akong iwan sa mga buwayang 'to. Nakakainis! Puro lalaki ang nandito. Paliwanag naman no'ng isang Australian representative, hindi daw talaga naglalagay si Prince Eric ng babae sa mataas na posisyon kaya nagulat silang babae ang bagong SIC. Pero okay lang naman sa 'kin dito dahil mas nag-eenjoy akong patawanin ang mga napakababaw na mga munggong 'to. Mas okay na 'to kesa naman nagpapakaalila ako kay Prince Eric, ano. "...very little of your time. Just tomorrow arvo," narinig kong sabi no'ng isang Australian. "Unfortunately, I can't join the barbie. I have to do something fairly important tomorrow arvo, mate," sagot ko. Magulo? Oo, magulo. Ang mga Australians or more commonly known

