Tahimik naming binagtas ang elevator. Aakyat pa ako sa production dahil nandoon ang gamit ko pero pinigilan ako ni Eric. "I have your things in my car," malamig na sabi niya. Napasimangot ako. Bakit ba ang weird niya? Pinagseselos niya ba si Jace para lalong maging effective ang pag-arte namin? Dahil mukhang tinatamaan talaga si Jace sa ginagawa niya. Tae. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba akong matuwa. Parang pakiramdam ko kasi ginagawa nila akong kumpitensya. Ganda ko. At talagang pinanindigan ko ang heels na 'to kahit napaka-imposible na. Napayakap ako sa sarili ko habang nasa elevator kami ni Eric. Nakakabingi 'yung katahimikan. Sa sobrang tahimik, pati mga paglunok ko, dinig na dinig. Hindi tuloy ako makatingin sa kaniya. "Here." At saka lang ako napalingon nang maramdaman ko

