S q u a r e T h i r t y - O n e ( S H E )

924 Words

Mainit na naman ang ulo niya. Kahit may sakit naman ako talaga dahil kahapon pa ako nilalagnat, wala rin akong nagawa kundi sumunod kesa naman magtalo pa kami. Alam ko namang hindi ako mananalo. Sumagot pa siya ulit ng isang tawag habang nagda-drive at do'n mas lalong uminit ang ulo niya. Finally, tumigil rin kami dahil pakiramdam ko mamamatay kami sa aksidente sa sasakyan niya sa bilis niyang magmaneho. Pero nakakapagtaka na sa tapat kami ng isang university sa Manila tumigil. Nagmamadali siyang bumaba sa sasakyan. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba na maghintay ako o susundan ko siya. Hindi man lang niya ipaliwanag kung ano ang nangyayari. Bandang huli sumunod din ako. Sa galit na nakikita ko sa mga mata niya kanina, nag-aalala ako na baka bigla siyang mapaaway sa lagay na 'yan. Grrr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD