Walang gustong magsabi sa 'kin kung paanong nagising ako sa kama ko. Naaalala ko lang na nakatulog na ako sa kotse ni Eric kagabi pero hindi ko matandaan kung nagising ba ako pagkarating. "Anong sabi niya? Pagkahatid? Sino nagbukas ng pinto?" Nagturuan na naman sila sa sagot. Ewan ko, parang may mga tinatagong kung ano ang mga ulupong na 'to. "Bahala na nga kayo! Papasok na 'ko." Natahimik na silang lahat nang tumayo ako sa mesa. 5:15 na rin kasi. Mahirap nang madatnan pa ng traffic. Pagkaiwan ko ng caramel macchiato ni Eric sa desk niya, bumaba na agad ako sa BD para simulan ang trabahong kahapon ko pa dapat gagawin. May kalahating oras pa ako bago magsimula ang business hours. Inaasahan ko nang late ulit si Eric. Ang nakakapagtaka rito, ano ba ang paki ko? Bakit parang lagi akong na

