CHAPTER TWO

1428 Words
Habang papalapit si Gabriel, napadako ang tingin ni Samantha sa mahaba at mamasel na binti nito paakyat sa dibdib. Aaminin niya na ang tingin niya sa lalaking ito ay isang mayabang na feeling anak ng langit. Nasa kanya na ang lahat sa mundo na nais ng lahat ng tao. Hitsura, pigura, kalusugan, kayamanan, katayuan, karapatan, atbp. Ngunit gaano man ka suwerte ito, wala itong kinalaman sa kanya. Bagamat nagsisisi siya sa kanyang ikinilos, tumingin pa rin siya ng diretso rito at sinabi, "gagawa ako ng kasulatan na magbabayad ako sa utang ko sa iyo." Lumapit si Gabriel sa kanya at bahagyang siyang itinulak nito sa sofa kaya kaagad siyang nawalan ng panimbang at napahiga. Wala na siyang chance na makaiwas pa rito. At sa kabuting palad, tumigil si Gabriel sa paglapit sa kanya at pinanatili ng isang dangkal na distansiya mula sa katawan niya. Hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang sa baba. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa ginawa nito. Bumakat na kasi sa katawan niya ang damit dahil sa basang-basa iyon ng tubig ulan. Dahil sa pagkabakat ay kita na ang hulma at kurba ng katawan niya. Napadako na naman ang tingin ni Gabriel sa kanyang leeg. Gabriel suppressed the urge to touch the birthmark. He slightly lifted his phoenix eyes, and no one could understand a hint of emotion was concealed within them. The light cast a shadow on Gabriel's face, but it also caused his narrow and long phoenix eyes to become even more amorous. The sharp curve of his eyelashes and the curve of his lips were strangely harmonious and uniform. Gabriel looked at Samantha with a smile that was not really a smile, "oh?" Tinakpan ni Samantha ang kanyang dibdib gamit ang kanyang mga kamay. Hindi niya magawang itulak ito dahil sa nanigas na rin ang kanyang katawan at halos hindi magawang gumalaw. Sa kagustuhang makaiwas sa malagkit na tingin ni Gabriel, ibinaling na lang ni Samatha ang ulo at mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Napangisi si Gabriel habang nakatingin sa postura ni Samantha. Dahan-dahan niyang inayos ang kanyang katawan, lumingon, at umupo sa isang solong sofa na malapit sa kanila. Pagkaupo niya, agad na lumapit ang isang taga lingkod na may dalang tuwalya at tinuyo ang buhok nito gamit ang tuwalya. May isa pang lumapit at lumuhod upang linisan naman ang kanyang mga kuko sa paa. Naghintay si Samantha ng ilang sandali, ngunit hindi nangyari ang kanyang kinakatakutan dahilan para dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nagulat pa siya nang sa pagmulat ng kanyang mata ay wala na pala si Gabriel sa harapan niya. Kaagad siyang bumangon at akmang uupo na sana, ngunit napaigik siya nang naramdaman ang pamamanhid ng binti na halos hindi niya ito maigalaw. When Samantha was seated, Gabriel suddenly opened his mouth and said, "why are you crying so bitterly?" Natigilan siya, biglang nabalot ng kalungkutan ang mukha. Ngunit tanging iling ang ang isinagot rito, ayaw niyang sabihin o ipaliwanag kung anuman ang kayang iniiyakan. Dahan-dahan siyang tumayo at yumuko patungo kay Gabriel. "Salamat, tinitiyak kong mababayaran kita sa utang ko sa iyo." Gusto lang naman niya makahanap ng makakausap pero sa maling tao pala siya napunta. Gayunpaman, pinasalamatan na lang niya ito sa simpleng pamamaraan at umalis agad. Looking at her back view, Gabriel's eyes flashed. Gusto pa sana niyang pahirapan pa ito ngunit nang makita niya ang malungkot na mga mata nito ay tila lumambot naman ang kanyang puso. Hinayaan niyang umuwi ito at dahil sa malakas ang ulan ay inutusan niya ang driver na ihatid na ito. Nang makauwi, pagpasok niya sa bahay nakaabang na ang papa niya sa sala. Tiningnan lang niya ito at sinabi, "magpapahinga na po muna ako." Ngunit akma na sana siyang tatalikod ay may isang galit na boses ang tumunog dahilan para mapatigil siya sa paghakbang. "Samantha!" Unti-unti siyang lumingon sa may-ari ng boses na walang iba kun'di ang kanyang ina. "Hindi mo na ba ako nirerespeto bilang ama, ha? Saan ka galing at ngayon ka lang umuwi?" pasigaw na tanong ng kanyang ama, napatayo pa ito sa kinauupuan. Kumibot ang sulok ng bibig ni Samantha, ngunit wala namang salitang lumabas sa kanyang bibig. Naiinis siya, alam naman ng ama niya kung saan siya galing bakit kailangan pa siya nitong tanungin? Galit rin siya rito dahil may kapangyarihan naman ito pero hindi man lang magawang tumulong para hanapin si Anthony. Dahil sa kanyang inasal, pati ina niya ay sinernunan din siya. "Samantha, bakit mo palaging ginagalit ang ama mo? Bilisan mo’t lumapit ka rito at humingi ka ng tawad sa papa mo!" Gusto sanang magsalita ni Samantha at humingi na agad ng pasensya, ngunit tila may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan na hindi magawang ilabas ang boses. Mas lalo namang nagalit ang ama na halos nanginginig na ang buong katawan nito sa galit. Dinuro pa siya nito at sinabi, "Pagsabihan mo nga iyang anak mo, Magda!" Mabilis na pinakalma ni Magda si Ramon. Pagkatapos ay lumingon ito kay Sam sa pagalit na sinabi, "Samantha, maupo ka muna, may mahalagang bagay lang kaming sasabihin sa iyo." Nag-isip sandali si Samantha, pagkatapos hindi na tumuloy sa kanyang silid, umupo siya sa harap ng magulang na ang buong katawan ay basa pa ng ulan, at saka tahimik na naghihintay sa sermon ng mga ito. Pero kahit naiinis siya ay alam naman niyang may mali rin siya sa inasal niya kanina. Nakipagpalitan ng tingin si Magda kay Ramon, pagkatapos ay sinabi, "Samantha, naalala mo pa rin ba kung paano nakabangon ang pamilyang Velasco?” Hindi na hinihintay ni Magda na tumugon si Samantha, muli siyang nagpatuloy. "Ang pamilyang Hender ang dahilang kung bakit nakabangon tayong muli. Upang mabayaran sa naging utang ng pamilya natin sa kanila ay nagkaroon ng kasunduan na kailangan magpakasal ang anak na lalaki ng Hender sa anak na babae mula sa pamilya natin.” Alam ni Samantha ang tungkol sa bagay na iyon. Pero nagtataka siya bakit kailangan pa ‘yong sabihin sa kanya e wala naman siyang kinalaman sa kasunduan na iyon dahil si Althea naman ang nakatakdang magpakasal sa anak ng mga Hender. "Hindi ho ba naitakda na ang petsa para sa kasal ni Althea sa anak ng pamilyang Hender?" Agad na ngumiti si Magda. "Tama ka, matagal ko nang napagpasyahan na ipakasal si Althea sa anak ng pamilyang Hender. Kaya lang, Samantha, may nangyari kay Althea ngayon, hindi siya maaaring magpakasal sa pamilyang Hender" "Bakit hindi? May sakit ba siya at hindi kaya ang katawan para hindi magkapakasal?" "S—Samantha—“ "Anong ho ba gusto ninyo?" agad na pinutol ni Samantha ang iba pang sasabihin ng kanyang ina. "Kung may gusto kayong sabihin, sabihin na ho ninyo." Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Ramon, para matapos na ang usapan ay diretsahan na niya sinabi ang gusto niyang sabihin. "Ikaw ang papalit sa lugar ni Althea!" Biglang nagdilim ang ekspresyon na mukha ni Samantha. Biglang nanigas ang kanyang katawan nang marinig ang sinabi ng ama. "Papa, ano ang ibig sabihin nito?" Nagdilim na rin ang mukha ng kanyang ama. "Samantha, pinanatili at inalagaan ka ng pamilyang Velasco sa loob ng labingwalong taon. At ngayong nasa tamang edad ka na, oras na para bayaran ang pamilya na mga Hender sa pamamagitan ng pagpapakasal mo sa panganay na anak nila. Masyado pang bata ang kapatid mo, hindi pa siya puwedeng magpakasal.!" Pagkatapos magsalita ng ama, ang ina naman niya ang nagsalita. "Samantha, kung walang sinuman mula sa pamilyang Velasco ang magpapakasal sa pamilyang Hender, babawiin nila ang pera na ipinahiram nila sa amin noon, at ang pamilya natin ay magiging mahirap ulit. At kapag nagkataon lahat mawawala sa atin, ang villa, kotse, alahas at ang kumpanya! At kapag wala na tayong pera, sino ang magbabayad sa pagpapagamot kay Marco?" Pakiramdam ni Samantha ay para siyang tinamaan ng kidlat. Yeah, kung maghihirap na ang pamilyang Velasco. Anong magagawa ko? Kayang magmatigasan si Samantha at kung may isang taong puwedeng makapagpabago ng isip niya hindi ang kanyang ina, kun’di ang kanyang kapatid na si Marco. Ngunit paano siya makakapayag na magpakasal sa iba kung si Anthony lang ang nais niyang makasama habang buhay? Biglang nawala sa sarili si Samantha. Dala ng sama ng loob ay agad niyang nilisan ang sala. At habang paakyat siya sa hagdanan ay may isang batang babae na may magandang kasuutan ang dahan-dahang pumanaog. Pagkababa ay patakbo itong lumapit sa ina at yumakap sa leeg. "Ma, ayokong pakasalan ang taong iyon mula sa Hender Family. Ampon lang siya at wala siyang karapatan sa mana. Ayoko sa kanya,” anito na may halong pag-iinarte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD