Ethan’s POV I turned my phone off. Kanina ko pa hindi pinapansin ang tawag ni Mary Ann. Marahil ay gusto niyang kumuha ng update sa akin. Kung naiinip siya na malaman kung anong nangyayari, ako rin naman ay naiinip sa pagdating ni Karina. One hour thirty-nine minutes na akong naghihintay. “Bakit gusto mo pang makausap si Karina?” Tanong sa akin ni Jaime pagbalik niya sa living room. Iniwan na niya ako kaninang mag-isa. Mas gusto ko nga sanang sa sasakyan na lang maghintay but Katrina insisted I wait here. Pinagsisihan ko na pumayag ako, kukulitin na man kasi ako ni Jaime. “Dahil pag-uusapan namin kung papayag ba ako sa ginawa niyang pagpapalit ng pangalan sa Marriage Certificate namin.” “Anong papayag? Tapos na iyon, napal

