Ethan’s POV “Hala, kayo talaga ni Katrina, palagi na lang ninyo akong ginugulat.” Komento ni Nana Aning pagkatapos sakong ipakilala ni Karina. “Sa tuwing umuuwi kayo ay bigla na lang ninyong sasabihin na nag-asawa na kayo.” “Pasensya na po, kasalanan ko kasi hindi ko po naipagpaalam ng maayos sa inyo si Karina.” Inakbayan ko si Karina at hinapit palapit sa akin. Kadarating lang namin. “Pumasok na muna kayo at sa loob na natin ituloy ang kwentuhan.” Tumabi si Nana Aning para mabigyan kami ng daan papasok. Napangiti ako ng makita kong nagmano si Karina sa matandang katiwala. Ganoon din ang aking ginawa. Nai-kwento ni Karina sa akin kanina sa biyahe na naging malapit sialng magkapatid sa mag-asawang katiwala. Halos isang taon din siyang

