Ethan’s POV “I don’t know what else to do.” Sabi ko sa kabilang linya. “Let’s start looking for buyers. Iyon na lang ang naiisip kong solusyon ang ibenta na lang ang hotel.” “Baka mayroon pa tayong pwedeng gawin. We need to find Karina, baka ma-convince niya si Don Eduardo na huwag kang gipitin.” Suggestion ni Mary Ann. “Mamaya na lang uli tayo mag-usap. Pupuntahan ko lang ang address na ibinigay sa akin ni Don Eduardo.” Sabi ko bago ko ibinaba sa dashboard ang hawak kong cellphone. Ayaw kong isali pa si Karina sa problema ko sa hotel. Hindi ko naayos ang gulo sa pagitan namin, hihingi pa ako ng pabor sa kanya. Malabong tulungan niya ako after what happened. Nasa parking lot pa rin ako ng hotel ni Don Eduardo. Tinawagan ko agad si Mary

