Ethan’s POV
Habang hinihintay namin ang pagdating aming professor sa Calculus ay nakaharap ako sa bintana ng aming classroom. Tanaw ko mula roon ang high school buildings at ang oval shape school grounds na tambayan kapwa ng mga high school at college students ng aming University. Nasa fourth floor ang aming classroom kaya kahit marami akong nakikitang mga tao na nakaupo sa damuhan at sa mga bleachers, imposibleng malaman ko kung sino doon si Katrina.
How I missed seeing her green eyes.
Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Bawal naman kasi talaga na tumawid sa kabilang campus. Minsan lang ako nakakasalisi kapag nalilingat ang mga security guards na nagbabantay sa boundary ng dalawang campus.
Pwede kaming tumambay magkakasama sa school grounds pero hanggang sa Freedom Park lang, no crossing to the other side. Walang mga fences or gates na naghahati sa dalawang campus pero may mga naka-station na mga security guards na mahigpit na nagbabantay...
Malabo din na makasama ko sila sa Freedom Park dahil hindi naman sila doon tumatambay. Madalas na nasa cafeteria ang kambal or sa mga bleacher malapit sa gate ng school. Ayon na rin kay Mary Ann, mas gusto nila ang nakabukod. They don’t have friends in school.
Napangisi ako. Sa tuwing maiisip ko si Katrina ay hindi pwedeng hindi ko rin maalala ang kakambal niya. My memory of our last encounter was still vivid in my mind. Tandang-tanda ko pa pagatataray ni Karina.
Alam na niya kaya ang kahulugan ng sinulat kong tagalong words sa notebook niya? Siguradong susungitian siya nito kapag nagkita silang muli.
“Ethan!”
Nilingon ko ang taong tumawag sa pangalan ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko.
“May naghahanap sa iyo.” Sigaw ni Philip.
Saglit lang akong napatingin kay Philip, natuon kasi agad ang mga mata ko sa taong ‘naghahanap’ sa akin. Papaanong nakapunta ito roon at nalagpasan ang mga nagbabantay na mga guards?
Anong ginagawa ni Katrina dito?
Animo nanonood ako ng isang commercial. Slow motion pa ang paglapit niya sa akin. Nakangiti siya ng napakatamis at talagang nakakabighani. Nakasuot siya ng read trench coat na umabot lang hanggang sa ibabaw ng tuhod. Dinig ko ang maingay na kantiyawan ng mga kaklase kong lalake.
“Hi!” Malambing na bati niya sa akin. Hunminto siya sa mismong tapat ko.
“Hi!” Nakangiti kong sagot.
I’m about to get up but she pushed me down.
“Don’t get up, I won’t stay that long. I just want to say that I miss you.” Her sweet smiles widen.
Mas lumakas ang ingay sa paligid namin.
“How did you get through the guards?” Pag-iiba ko ng usapan. Bigla kasi akong nailang.. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.
Damn him for blushing like a virgin.
“Easy I told them I need to see my brother.” She tilted her head on the side and shrugged her right shoulder which made her looked so innocently sweet.
“Wow, you’re good!” Hangga ko sa pagiging madiskarte niya.
“Nah, I’m the best.” Katrina winked at him. She started to unbutton her coat.
“What brought you here?” I’m seating still. Sobrang pagpipigil ko sa sarili na hindi bumaba ang tingin ko sa ginagawa ng mga kamay niya at manatiling naka-focus ang mga mata ko sa mukha niya.
I noticed a change in her facial expression. From being sweet, her face started to exude seduction.
“I never thought your classroom would be this hot.” She removed her coat and revealed her blue tube dress. “Would you mind I put my coat here?”
Ipinatong nito ang coat sa desk ng aking inuupuan.
Napalunok ako sa nakitang kagandahan ng kutis at hubog ng katawan nito. Kahit na nakalugay ang buhok niya ay kapansin-pansin pa rin ang makinis at maputi niyang balikat at braso. Nagsipulan ang mga kaklase ko.
Nakasimangot na tinignan ko sila ng masama.
Tumayo ako mabilis na ipinatong ko uli sa mga balikat niya ang coat na kanina ay suot niya. Ayaw kong pagpyestahan ng mga kakalase ko ang katawan niya.
“Wait,” she tried to remove it from her shoulders.
“No.” Pigil ko sa pagpiksi niya ng balikat. “If you remove it and you’ll start chaos here. Why did you have to do that anyway? The room is fully air-conditioned. It’s cold in here.”
Pinalis ni Katrina ang kamay ko sa balikat niya. Dahilan para malaglag ang suot niyang coat sa lapag. She smiled, tiptoed and whispered on my ear.
“I want you to know the difference of piss off and seduction. I am not nang-aakit then. This is how I act if I want to seduce a guy. See how far it is from my last reaction?”
“Karina?” I said in surprise.
“Yes! Who else?” She shrugged again her shoulder before she turned around and started walking away.
Natulala ako at hindi nakapag-react.
Akala ko ay si Katrina ang dumating dahil sa paraan ng pagngiti niya. Iyon ang ngiting nakabighani sa akin. Wala akong kilalang ibang kambal pero ganoon ba talaga ang identical twins? Sa lahat ng bagay magkapareho?
Natigil ang pagmumuni-muni ko ng makita kong may humarang kay Karina bago pa siya makalabas ng classroom.
Ang tigas kasi ng ulo sabi ng isuot ang coat eh.
Dinampot ko ang nahulog na coat at lumakad palapit kay Karina. Muli ay ipinatong ko iyon sa balikat niya.
“Excuse me mga pare, off limits.” Pasintabi ko sa mga nagkakagulo kay Karina.
“Ethan, alam ba ni Mary Ann na may iba ka on the side?” Kantiyaw ng kaklase kong si Edmund.
“Sama mo naman kami sa tambayan mo. Mukhang magagandang isda ang nabibingwit mo eh.” Dagdag na pang-aalaska naman ni Jerome.
Nakatayo ako sa likuran ni Karina at nakapatong pa rin ang kamay ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang pagpiksi niya mul ng balikat pero mas idiniin ko ang mga kamay ko para hindi siya makapumiglas.
“Sige sa susunod. Ihahatid ko muna—“ Sasabihin ko sana na pinsan ko si Karina pero mas kukulitin ako ng mga kaklase ko kaya… “--ang girlfriend ko. Nagseselos na naman kay Mary Ann.” Inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya pero hinawakan ko naman ang isang kamay kamay niya. “Guys, Katrina my girlfriend.” Pagpapakilala ko sa kanila. “Katrina, my classmates, Edmund and Jerome.”
“Hi,” mabilis na inabot ni Jerome ang kamay kay Karina.
Hindi iyon pinansin ni Karina at nanatiling tahimik.
“Mauna na muna kami, hahatid ko lang sa ibaba.” Hinila ko na ang kamay ng walang kibong si Karina.
Nakalabas at nakarating na kami sa dulo ng hallway ng walang nagsasalita sa amin. Kasalukuyang may klase kaya kaming dalawa lang ang naglalakad sa hall. Pagtapat namin sa elevator ay binitiwan ko na ang kamay niya.
Pinindot ko ang going down button.
Inalis ko ang coat sa balikat niya at ipinasuot ko iyon sa kanya ng maayos. Tahimik na sumunod siya sa akin. I saw her cheeks red and she’s avoiding my eyes.
Marahil ay nahihiya siya sa ginawa at sinabi niya kanina sa akin.
“You go straight back to your building and don’t you dare remove your coat."
Tumango lang si Karina.
"Do you want me to accompany you?” Tanong ko.
Iling lang ang naging sagot niya.
The elevator door opened. May mga estudyanteng nakasakay sa loob.
“Down?” Tanong ko.
“No,” sagot sa kanya ng isa sa mga nakasakay. “Up!”
Sumara uli ang elevator at nginitian ko si Karina.
“Why did you introduce me as your girlfriend?” Basag ni Karina sa katahimikan.
“To stop them from hovering you. They were known, playboy.”
Her cheeks blushed more.
The elevator opened again, it’s empty. Sumakay na si Karina.
“Bye.” Nagawa kong sabihin bago magsara ang elevator.
Tumalikod na ako at lalakd na sana pabalik ng akinng classroom ng tawagin ako ni Karina.
“Ethan!”
Nilingon ko siya.
“You know I'm Karina right?” Alanganing tanong niya.
“Yes, I know it’s you.” Tanggo ko.
“Then why?” Karina pressed the open button to prevent the elevator from closing. “Why did you say to your classmates that my name is Katrina?”
I smiled and winked at her.
“Wishful thinking I guess. I am planning to court your sister. I really want Katrina to be my girl. Who knows, she’ll be my girlfriend for real.”
Humakbang siya paatras at nanatili lang na nakatingin sa akin hanggang sa magsara ang elevator. Wala siyang sinabing anuman, blanko maging ang kanyang reaksyon.