ILANG araw din ang lumipas bago siya natawagan ni Jerome na sinasabing parating na ito kasama ang mga magulang niya. Ang sabi rin nito na hindi na masyadong nagulat pa ang mga magulang nang sabihin nito na mgpapakasal na siya kay Aveial. Kaya naman agad na lumipad ang mga ito papunta sa London para ihanda ang kasal nila ng binata Kaya ngayon eto sila at inaantay ang kanyang mga magulang sa labas ng kastilyo. Pero ang sabi sa kanya ni Celine— iyon daw ang gusto nitong itawag niya rito habang hindi pa sila kasal ni Ave— na sa mata ng mga tao ay isang lang iyon malaking masyon at hindi kastilyo. Nasabihan na rin nito ang mga tauhan sa palasyo kaya naman mukhang wala nang problema pa. Mas gusto kasi nila na wag nang ipaalam sa mga magulang niya ang totoo tungkol sa mundong nakasanayan niya n

