"Ave, where are you going?" tanong agad sa kanya ni Rina nang makita siya nitong nakabihis pagkapasok nito sa kwarto nila. "I uh..." nang makita niya ang pagdududa sa mga mata nito alam niyang kahit na nakasara ang mind link niya ay malalaman at malalaman pa rin nito na nagsisinungaling siya. Napabuntong-hininga na lang siya bago sinabi dito ang totoo. "Emerson got valuable information on the hybrids whereabouts." "Bumalik na si Emerson?" gulat na tanong ng asawa. "Bumalik na siya but he will accompany us to give us directions.” Sabi niya. Dahil pagkatapos ng katakot-takot na sermon na nakuha nila kay Dr. Rey ay nagawa na nilang makakawala sa kuko ng doctor. “Hindi ba dapat mas mabuti kung dumito na muna siya, isa pa sobrang nag-aalala na sa kanya si Reese.” Untag sa kanya ng asawa

