NAKANGITING ibinaba na ni Ave ang kabilang linya nang magawa na niyang sabihin ang pakay kay Rina. Hindi na talaga siya nagtaka sa reaksyon ng kasintahan kahit noon pa man ay ganoon na ito parating tinatakpan ng asar sa kanya ang mga bagay na dapat nitong sabihin. And it seems that he always c***k that facade of hers when he was around. It's been what? Six years? Simula nang pansamantalang iwan niya ito para bumalik sa kanila. Sa ngayon ay hindi muna niya pwedeng sabihin ang dahilan pero sigurado siyang masasabi rin niya ang bagay na 'yon sa tamang panahon. Isang mahinang katok mula sa pintuan ng kwarto niya ang narinig kasunod ng pagpasok ng butler ng pamilya nila na si Rhyce. "What is it?" tanong niya rito. "Your father is summoning you on his study

