"Ang tigas talaga ng ulo mo, Astrid!" pumikit ako ng mariin ng sigawan ako ni nanay.
Nasa palengke kasi siya ngaun at naglalako ng kung ano anong kakanin. Ito kasi ang kinabubuhay namin, kaya nga gustong gusto kong maiahon sa hirap si nanay dahil nakikita ko ang hirap niya para sa amin tatlong magkakapatid.
Si kuya Anton at kuya Jigs. Ako kasi ang bunso sa amin magkakapatid. At sa amin tatlo, mukhang ako lang ang pursigido umasenso. Si tatay ay sugarol at panay ang pag-inom. Naawa ako kay nanay dahil sa amin pamilya, ni isa man ay walang responsable. Gustong gusto ko naman sumarap ang buhay ni nanay kaya kahit walang wala kami ay nagsisikap akong mag-aral.
Sa buong pamilya namin ay si nanay lang ang kasundo ko, madalas kasi ay mainit ang ulo sa akin ni tatay at minsan naman ay masungit sa akin and dalawang kuya ko.
Ngumuso ako at hinawakan ang bilao na dala ni nanay. "Nay.. Kung hindi po ako mag-aaral, paano tayo aasenso? Gusto ko naman pong i-ahon kayo sa hirap nila tatay at kuya."
Bumuntong hininga si nanay at ngumiti ng tipid. "Natutuwa ako sa mga pangarap mo para sa atin, anak. Pero.. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang gastos. Kita mo," turo niya sa bilao ng kakanin na hawak ko. "Kung hindi pa ako maglalako niyan ay wala tayong kakainin. Pagkain, Astrid.. Sapat lang ang pera ko para sa pagkain.." hindi ko alam kung galit ba o malungkot si nanay.
Bumagsak ang balikat ko at pilit na ngumiti. Kung sana lang ay pinanganak ako ng mayaman.. Makakapag arala ako... Pero.. Kung pinanganak ako ng mayaman, mangangarap kaya ako ng ganito? Hays!
"Wag napo kayong mag alala nanay.. Ako po bahala sa gastusin." positibong sabi ko. Pero kahit ako man ay hindi alam kung paano ko itataguyod ang pag-aaral ko. I'm just seventeen.. Sanay ako sa hirap pero ayokong maging habang buhay na mahirap. Hindi ko alam kung kakayanin ko itaguyod ang pag-aaral ko. Sabagay.. Hindi ko naman malalaman ang sagot kung hindi ko ito susubukan.
Kailangan ko subukan.. Kailangan kong kayanin.. Para sa akin, para kay nanay.. At para sa pamilya ko.
Nanliit ang mga mata ni nanay habang nakatingin sa akin. "Ang tigas ng ulo mo, Moon Astrid!" huminga siya ng malalim at ngumiti ng tipid.
"Sige, kayanin mo.. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.." umirap ng bahagya si nanay kaya humalakhak ako.
Ibiniba ko saglit ang bilao na dala ko at yumakap sa kanya. "Salamat, Nay.. Pangako, hindi ko kayo bibiguin.." humalik ako sa pisngi ni nanay.. "Ang swerte ko talaga seyo, nay."
Nang maghapon na ay nag-ayos na ako ng sarili. Pupunta ako sa unibersidad dahil ngaun ang schedule para sa interview ng mga nakapasa sa scholarship.
Nagsuot ako ng pantalon at t-shirt na regalo sa akin ni nanay noong nakaraan pasko. Hindi ko nga ito masyado isinusuot dahil ito lang ang pinaka-maayos na damit na meron ako.
"Nay, alis na po ako." paalam ko kay nanay. Sabay na napatingin si kuya Anton at nanay sa akin. Malamig ang mga mata ni kuya Anton na rektang tumingin sa akin. Lumunok ako ng bahagya at nag-iwas ng tingin. Natatakot kasi ako na hindi ko maintindihan sa mga mata niya na para akong kakainin.
"Oh, siya, Astrid.. Mag-iingat ka.." kunot noong sagot ni nanay.
"Saan ka pupunta?" Natigil ako sa paghakbang sa lamig ng boses ni kuya Anton. Natatakot ako na baka pigilan niya ako sa gusto ko.
Gusto din kasi mag kolehiyo ni kuya pero hindi siya pinayagan ni tatay. At bukod doon ay kinailangan niya na magtrabaho para makatulong sa amin.
"Ah, eh.." nagkamot muna ako ng ulo. Halos wala akong masabi sa panginginig.
"Sa unibersidad na papasukan niya, Anton." sagot ni nanay habang patuloy sa pagbabalot ng mga kakanin.
Nag-igting ang panga ni kuya anton kaya lalo akong nanginig. Malamig pa din siyang nakatingin sa akin. Walang bahid ng kahit anong emosyon.
"alis na ako," tatalikod na sana ako ng magsalita ulit si kuya.
"Astrid," napatingin ako sa kanya ng maglahad siya ng dalawang daan piso sa harap ko. Bahagyang umuwang bibig ko sa gulat. Si nanay naman ay lumawak ang ngiti sa amin dalawa.
Nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ito. "Pero, kuya Anton," mahinang salita ko.
Tumikhim si kuya at kinuha ang kamay ko sabay patong ng pera. Sa hindi ko alam na dahilan ay kinilabutan ako. "Para seyo, tanggapin mo yan bago magbago ang isip ko." umiwas siya ng tingin tsaka kami tinalikuran.
Ngumiti ako ng tipid kay nanay kahit ang lakas ng kalabog ng puso ko. Never kasi kami nag-usap ni kuya ng ganyan. Madalas ay parang hangin lang ako sa bahay kapag nandito kami. Tsaka, hindi naman talaga pala salita si kuya.
Gumaan ang loob ko habang nasa byahe ako. Ang malaman na maayos kay kuya na mag-aral ako ng kolehiyo ay nakakataba ng puso. Akala ko masaya na ako na nakapasa ako sa unibersidad na pangarap ko. Mas masaya pala ang malaman na suportado ako ng pamilya.
Isang malaking gate ang bumungad sa akin. Napalunok ako sa mga magagarang sasakyan na nakahilera sa loob ng parking. Ang mga tao naman ay magara din dahil sa kanilang magagandang kasuotan at gamit.
Umusbong ang kaba sa dibdib ko hindi dahil natatakot ako. Nanliliit ako sa sarili ko, nanliliit hindi dahil mahirap kami.. Nanliliit ako at bahagyang naiingit sa kanila.. Sila, nabuhay sa marangyang paraan. Ako, kailangan ko pang dumaan sa butas ng karayom para makamit ko kung anong meron sila.
Alam kong mali ang naiisip at nararamdaman ko. Siguro, pagsubok lang ito ng panginoon sa akin.. Sinusubukan kung kakayanin ko.. Nevertheless, kahinaan ko man ang kakulangan sa pera, ito din naman ang lakas ko para lumaban sa buhay.
Pagpasok ko sa loob na unibersidad ay lalo akong namangha.. Hindi naman kasi basta basta lang ang unibersidad na ito. At hindi rin basta basta ang makapasok dito. Kaya nga isa na din ito sa pinagpapasalamat ko sa panginoon.. Naramdaman ko na kahit wala ako, nandyan pa din siya at hindi ako pinabayaan.
Mahirap? Oo-- pero kakayanin ko ito.
"Geez, can you see her hair? Ang daming split ends." napayuko ako ng madaan ako sa grupo ng mean girls. Oo, ang mean naman talaga nila. Alam ko naman na ako ang sinasabihan nila dahil sa akin sila nakatingin.
Yumuko nalang ako at nagpatuloy sa paghahanap ng office. Ang sabi kasi sa sulat ay doon ako pupunta.
Huminga ako ng malalim habang naglalakad. Siguro, kailangan ko din sanayin ang sarili ko sa pang aalipusta ng mga tao sa paligid ko. Wala din naman akong mapapala kung papansin ko ang panghuhusga nila.
"Dela Fuente ka, but you're here? Pumipila like all these pathetic scholars?" sigaw ng isang babae sa isa pang pababae sa pila. Halatang halata sa babae na iritang irita siya sa kasama niya.
"What should I do? Si lolo John ang may gusto nito." sagot pabalik nung babae. Bahagya pa akong natigilan, ang ganda kasi at ang kinis nung babae. Maamong mukha at pilikmata na mahaba. Ang makintab niyang buhok ay sumasayaw sa bawat pag galaw niya.
Umirap ang dalawang babae na katabi niya at nginiwian yung babaeng maganda. "Such a loser, Bree! We don't want to be friends with you anymore.."
Nalaglag ang panga ko. Bree? Bree? Bree? Ang pangalan niya? Ang pangalan ng bata sa panaginip ko? Pinilig ko ang ulo ko sa kaba at halo halong emosyon na nadadama ko. Bakit kakaiba ang impact sa akin ng pangalan na iyon?
"Fine, I don't want to friends with you two anymore! Kala niyo naman kawalan kayo!" sigaw nung Bree at nagmartya sa gawi ko. Tulala akong nakatanaw sa kanya habang papalapit siya ng papalapit sa akin.
"Lets go!" hila niya sa akin. Gulat man ako ay nagpatianod ako sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko at halos kaladkarin niya ako.
"OMG, Bree! Bumaba na talaga ang standards mo!" sigaw nung dalawang babae na hindi manlang nilingon ni Bree.
Gumawi kami sa auditorium. Hingal na hingal ako at napahawak sa dibdib ko habang si Bree at compose pa din sa sarili. Bahagya pang namula ang maputing balat niya.
"I hate them! Mga users!" halos magpapadyak si Bree sa sobrang inis. Ako naman ay tulalang nakatingin sa kanya. Nang napansin niya siguro ang presensya ko ay umayos siya ng tayo.
Tumingin muna siya sa akin mula ulo hanggang paa tsaka nagpakawala ng buntong hininga. "Sorry ha?" maamong salita niya. Para akong tanga na tumango lang sa kanya.
"Anyway, ako nga pala si Devone Bree Dela Fuente.. And you?" ngumiti siya at nilahad ang kamay sa harap ko.
Somehow.. Natibag niya ang paniniwala ko sa magaganda at rich kid na katulad niya. Hindi man sabihin ay halata naman sa kanya na anak mayaman siya.
Pinunasan ko pa ang kamay ko gamit ang panyo na dala ko. "Moon Astrid Dela Cruz," sabay lahad ko ng kamay ko. Bahagya siyang humalakhak at tinanggap ang kamay ko.
"Silly, bakit kailangan pa punasan ang kamay?" nakangiti pa din siya. Lumukso ng husto ang puso ko sa galak. Hindi naman siguro ako natitibo sa kanya diba? Hays!
Pumunta kami sa cafeteria ng unibersidad. Halos lahat ng kasalubong namin ay nababali ang mga leeg sa pagsulyap sa amin. I mean-- sa kasama ko. Para kasing anghel si Bree na nalaglag sa lupa at nagkatawan tao.
"Ano gusto mo?" tanong niya sa akin. Hanggang ngaun ay hindi pa din ako makapaniwala na ang bait bait niya sa akin.
"Ano e," tanging sagot ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang oorderin ko. Tsaka, mukhang mahal pa ang bilihin dito.
"Wag kang mahiya, Moon. My treat.." nakangiti na naman siya kaya naman tumango nalang ako.
"Sige, ikaw na ang bahala." sagot kong nahihiya.
Panay ang kwento sa akin ni Bree about sa buhay niya. Ako naman ay parang tangan na nakatingin at nakikinig sa kanya.
"I don't know why lolo is so hard on me.. Lahat naman ginagawa ko para ma- please siya.. Pero parang hindi pa din sapat.. " salita niya sabay inom ng juice na hindi ko alam ang tawag.
"My parents are the best parents in the world though. Kaso, palagi nalang nakikialam si lolo." ngumuso siya at inayos ang side ng bangs niya.
Tumango ako pero hindi mawala ang titig sa kanya. Tsaka, hindi ko din alam ang isasagot ko sa kwento niya. Mabuti nga siya kahit hard ang lolo niya sa kanya ay maganda ang buhay niya. Ako? Hard na nga ang mga kasama ko sa bahay paminsan minsan, dukha pa ako.
"Huy!" nag snap siya sa mukha ko kaya napatuwid ako ng upo. "Nakikinig kaba?" ngumiti ulit siya..
"Oo, pasensya na ha?" naguguluhan sagot ko.
"Babe!" masiglang napatayo si Bree kaya naman napatingin ako sa kausap niya. Kung napabilis ni Bree ang t***k ng puso ko ay doble na ito ngaun.
Isang matangkad at gwapong lalaki ang nasa harap ko. Yung tipong sa magazine mo lang makikita. Matangos na ilong at pilikmatang mahaba.. Perpektong panga at at magulong buhok.. Syet! Ang gwapo!
"did you miss me?" umangkla ang mga braso ni Bree sa lalaki. Bahagya akong napalunok at yumuko. God, Moon Astrid! Bakit ba nangangarap ka ng mga bagay na kahit kailan ay hindi mo maabot? Ang hilig mo din, e.
"of course," malamig na sagot ng lalaki na nagpatindig sa balahibo ko.
Napatingin din ako sa lalaki na ngaun ay malamig na nakatingin din sa akin. Malaki ang ngisi ni Bree na tila ba tuwang tuwa sa sagot ng lalaki.
"Hey, Moon.." nabali ang pagtingin ko sa lalaki ng tawagin ako ni Bree. Gustong gusto ko ngang hawakan ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa bilis ng pagtibok.
Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Babe, this is ,Moon," masayang masaya si Bree.
Tumingin ako sa lalaki na nakatingin pa din sa akin. Kung kanina ay malamig ang tingin niya ay kunot na ang noo niya ngaun.
"Moon, this is my boyfriend.. Rajan Duke Esquivel.."
Tumango ako at umiwas ng tingin.. Now I know he's off limits..