CHAPTER 6 — WEIRD

2869 Words
ONP 6: Weird "Where the hell is you?!" Inilayo ko nang kaunti ang cellphone sa tainga ko nang marinig ang sigaw na iyon ni Elisha. Napatingin pa ako kay Khyfer sa gilid na tahimik lang na nagmamaneho. Mabuti na rin at na-discharge ako ngayong araw. "I'm on my way home—" "Kelly told me what happened yesterday. Damn! Nasaan ka ngayon, susunduin na kita . . ." "No! No, no—I'm okay. Pauwi na rin naman ako," pigil ko sa kanya. Hindi niya pwedeng makita si Khyfer. Hindi pa ako handa na malaman ni Elisha o kahit na sino na nandito si Khyfer at siya ang ama ng anak ko. I made sure Elisha won't come on me. Nag-alibi na lang ako ng kung anu-ano basta hindi lang mag-krus ang landas nila ng kasama ko ngayon. Hapo akong naibaba ang cellphone at wala sa sariling napabuntonghininga. "Is that Elisha Aragon? Your garrulous best friend." The man beside me commented. I took a glance at him. "Nag-aalala lang siya . . ." "And you told her you're riding a taxi going home now. Really?" Sumimangot ako. Wala na kasi akong maisip na matinong alibi para hindi na magpumilit si Elisha na sunduin ako. "For sure, she'll rebuke the whole ride if I'm with her. Wala akong oras para doon," I said. I looked outside the window. Kung gaano man kaingay sa labas ay ganoon naman katahimik sa pagitan namin ni Khyfer. Last night, it didn't end well. Wala akong nagawa kundi hayaan siyang manatili sa ospital, and this morning, he made sure everything is settled before I was discharged. He also made sure that my pregnancy is off the headline. I called Kelly and asked if she knew anything. Nakahinga ako nang maluwag nang malaman na matapos pala akong maidala sa ospital ay hindi na siya nagtagal doon dahil na rin sa utos ni Khyfer. She has no idea about my pregnancy, and that is important. "Here we are." I saw the steel-plated name of the skyscraper where my condo unit is located. Nagtataka akong napalingon sa kanya. I never mentioned to him where I am staying. He also didn't bother to ask me. "I have my ways," he said. Parang sinagot niya na ang mga tanong sa isip ko. Nauna na siyang lumabas sa kotse. I tried to stay calm and proper. Inayos ko na lang ang sarili ko saka lumabas nang mapagbuksan niya ako ng pintuan. "Let's go?" Khyfer offered his hand to me. "Okay, na ako rito. I can manage to go alone. Thank you—" "Susulitin ko na ang paghatid sa 'yo. I want to make sure that you're safe," putol niya. Siya na rin mismo ang kumuha ng kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Hindi ko na magawang pumalag dahil sa higpit ng hawak niya. Nagpatianod na lang ako at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Pagod akong makipag-away ngayon. I can't help but ream myself silently because of the thought of flouting my own decision of staying away from him. Ayaw ko umasa o kahit man lang masanay sa ganito. Ang pagiging malapit namin ay hindi talaga magandang ideya lalong-lalo na para kay Kuya. Ayoko na ako ang makadagdag ng hidwaan nilang dalawa ni Khyfer. Ayoko rin na baka dumating ang isang araw na kung saan nasanay na ako na lagi siyang nasa tabi ko at saka siya bigla na lang mawawala. "Stop overthinking things. You should stay away from stress, remember?" I automatically lifted my head to face him. The elevator opened as it made a quick noise. Hindi ko namalayan na nandito na kami sa floor kung saan ang unit ko. "Wala naman akong iniisip masyado . . ." "But your face is telling me otherwise," he replied as he looked at me. Nag-iwas na lang ako ng tingin at naunang lumabas. I lead the way until we reached my unit. Kinuha ko ang card key ko saka ipinasok doon sa scanner. Hinarap ko naman si Khyfer para makapagpasalamat sa pag-alaga't paghatid niya sa akin. "Thank you again . . ." Nanatili ang tingin niya sa akin pero ilang saglit ay umatras siya saka tumango. "Please take care." And with that, he pulled me gently and hugged me. Sa gulat ko ay napayakap din ako sa kanya at bago pa ako makaalis ay naramdaman ko ang kanyang malambot na labi sa aking noo. It was gentle yet it was full of kindness. Napapikit ako na dinadama 'yon hanggang sa hindi ko namalayan na sa aking pagmulat ay nakatalikod na siya sa akin at humahakbang palayo. Hindi niya ipinilit ang sarili niya sa akin. Hindi siya nagpumilit pumasok sa unit ko o kahit man lang asarin ako. He respected my decision, and I can't help but smile. Pumasok ako sa unit ko at dumiretso sa kwarto na tila lumulutang. Agad akong humilata sa kama at niyakap ang aking unan. I tried to check my social media and do some stalking to some online forum involving elite and famous people worldwide. After what happened to me, I can't help but have a queasy feeling. I tried to read some trending blind items and recent news involving my brother's upcoming wedding. Nawili ako sa kakabasa at pag-scroll that I didn't notice the doorbell ringing continuously. Ibinaba ko ang aking phone saka nagtungo sa main door. I am not expecting any guests today. Napaatras pa ako nang bumungad sa akin ang nakataas-kilay na si Elisha. She pushed the door and made herself comfortable in my living area. "Pinapabayaan mo ba ang sarili mo kaya ka nasugod sa hospital?" bungad niya. "I had severe nausea yesterday, the reason why I passed out," I explained. For sure, Geordane told her. Siya kasi ang tinawagan ko kagabi para ipaalam ang nangyari. Sinabi ko na rin na 'wag muna sabihin kay Elisha at baka sumugod ito bigla sa ospital at magkrus ang landas nila ni Khyfer. "Himala at nataon na hindi ka sa Medicus Civitas dinala . . ." I bite my lower lip as I started to think of an alibi. "Ahm, nataranta na rin siguro si Kelly kaya instead of MC ay sa St. Lukes ako dinala." She looked at me with a slight doubt, but she chose to ignore it. Tumayo siya saka dumiretso sa kusina kaya sumunod ako. Naupo ako sa high-chair saka pinanuod lang siya. I know she will cook for lunch. Ganyan kasi lagi ang ginagawa niya tuwing nandito sa unit ko. "Wala pa rin bang alam si Kelly?" biglang tanong niya sa akin. Umiling naman ako. I just picked some grapes on the fruit basket as I watched her. "Hindi ba siya ang nagdala sayo sa St. Lukes? Oh, wait—supposedly, you'd be meeting your VIP client yesterday!" Para namang bumara ang ubas na nginunguya ko at mabilis akong napatayo para kumuha ng tubig sa fridge. I saw her stopped from chopping the meat, and she focused on me. "Natuloy ba? How is he?" I can see the excitement in Elisha's eyes when she said that. Oh God! Ito na nga ba ang sinasabi ko. I tell her to wait by a hand sign. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko siya hinarap. "It didn't go well, hindi pa nagsisimula ang meeting nang mahimatay ako." I went back to my chair. "Actually, h-he is the one who brought me to the hospital." "Seriously?" Literal na lumaki ang mata niya, tanda na hindi makapaniwala. Tumango naman ako. ". . .Is he hot? I heard he is a bachelor. Trending sa SDI ang pagdating niya kahapon, eh!" Kapag talaga lalaki at guwapo, mabilis talaga itong si Elisha. Napailing na lang ako dahil sa patuloy niyang pangungulit. "Ewan ko sa 'yo! Tumigil ka nga!" asik ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo at baka mas ulanin pa ako ng mga tanong. Sometimes, Elisha can't help herslef to spill the milk lalo na kapag dinaldal mo. Mabuti nga at itong pagbubuntis ko, nakakayanan niyang hindi sabihin sa iba. Natigil lang siya nang sinabi ko na hindi ko masyadong nakilala ang kliyente dahil sabi ni Kelly ay umalis din ito matapos akong madala sa ospital. She sounds disappointed, but I don't care. The lunch started when I heard my phone beeped. I set aside my spoon to see the message. +63917897*** Eat well. Napakunot ang noo ko sa nabasa. Iginala ko ang paningin sa bawat sulok ng unit ko pero wala naman akong nakitang kahina-hinala. I was about to compose a reply when my phone beeped again. This time I had an idea who it was. +63917897*** Stop looking around because you can't see me. Just resume eating. "You look weird," ani Elisha. Wala sa sariling napalingon ako sa kanya na nakakunot-noo pa rin. "Nothing—" "Sino ba 'yang ka-text mo at parang 'di ka mapakali," putol niya sabay tingin sa phone ko. "Wala. Si Kelly lang. May tinanong na isang document that's why . . ." I smiled a bit. Hindi naman nagduda si Elisha at ibinalik ang atensyon sa pagkain niya gave me enough time to reply to my unknown Textmate. To: +63917897*** I know it's you, Khyfer. Mind your own business, jerk! Hanggang ngayon nagtataka ako kung paano niya nalalaman ang mga galaw ko. He never entered my home at mas lalong hindi ko pa siya nadadala rito. "I have my ways, mia amore . . ." Holy s**t! I made a silent groaned when that line echoed at the back of my head. If my assumptions were true, talagang magkakasubukan kami. He is already invading my privacy. Hindi ko nga alam kung paano niya nakuha ang number ko without asking me personally. Hindi pa rin ako payag sa ideya na magiging malapit kami ulit sa isa't isa dahil lang sa bata. I can perfectly soil my child alone. I can give all he or she needs and wants. I put my phone back on the table and continued my lunch. Elisha and I talk about the upcoming expo next week. I finished my food while still thinking about him and his wicked games on me. Gusto ko nang tawagan ang pinsan ko to ask about him but I decided not to do it. Baka kasi maghinala siya dahil ilang taon na rin ang lumipas na hindi namin napag-uusapan ang tungkol kay Khyfer na para bang isang malaking kasalanan ang pagbanggit lang kahit ng pangalan niya. "Hey! I think we have a little bad news here . . ." Elisha muttered as she walks through my room. I stopped fixing my earrings and took a glance at her. Tonight, we will be going out for dinner together with Geordane. "Why? What's the problem?" "Hindi raw makakapunta si Geordane, no reason stated." Elisha sighed, "Paano 'yan?" Tumingin ako sa relo ko at nakitang alas-siyete na ng gabi. Pareho na rin kaming nakabihis ni Elisha kaya medyo nanghinayang ako na hindi na naman makakapunta si Geordane. Iniabot na lang si Elisha ang phone kaya binasa niya agad ito. "Ano ba sabi?" tanong ko ulit. Inabot naman niya sa akin ang kanyang phone. Geordane: Eli, I can't make it tonight. Tell Blythe na may importanteng lakad ako, babawi ako next time. I'm really sorry! This is not the first time that Geordane canceled our plans. Lately, lagi siyang busy at tila wala nang oras para sa gala. Ibinalik ko kay Elisha ang phone niya saka tumayo. Kami na lang ang tutuloy ulit. Sayang na rin dahil nakapagbihis na rin kaming dalawa. "Is she having graveyard shift at the hospital?" tanong ni Elisha. "I don't know. Lately, napapansin ko na napapadalas ang out of the country trips niya and 'yong hindi niya pagsama sa atin." Napabuntonghininga na lang si Elisha. Narating namin ang carpark at agad na pumasok sa sasakyan ko. "So, saan tayo? Tuloy natin sa Fairmont o may iba kang gusto?" "Uhm, maybe we can try the new restaurant in North." Pinasok ko ang susi sa keyhole bago iminuwestra ang sasakyan. "Oh, the newly opened one?" I nodded. We both settled our seatbelt before leaving the place. The night is vibrant. Medyo hindi mabigat ang traffic though I can't see dots of stars above. Mukhang hindi maganda ang panahon, but I wished it will not rain tonight. Casa Delecioso is a French-German place mixed with a modern American aspect. Black and gray color dominate the place. The walls are made of glass, and the furniture is made of local woods. Pagpasok ay agad kaming binati ng isang babaeng receptionist. We can vibe the European chill at the place as we entered. Naghanap kami ng isang two-seat table sa bandang kaliwa malapit sa glass wall. "Blythe . . . is that Geordane?" Elisha pointed to a woman sitting on the chair alone at parang may pinagkakaabalahan. Sinundan ko ng tingin ang direksyon ng pagkakaturo ni Elisha. Hindi ko iyon makilala dahil nakatalikod sa amin. Napagdesisyunan naming lumapit at nakita ko ang isang babae na naka-ponytail while wearing a simple peach dress. We saw how busy the woman touching her phone. "Geordane?" I saw how she froze in her seat when Elisha uttered the name. Mukhang siya nga ito. Pumunta sa harapang upuan ang katabi ko para kumpirmahin ang hinala. Napangisi pa ito nang makitang gulat na gulat si Geordane. "Hey! Akala ko ba may importanteng lakad ka? Mukhang date lang naman pala ang aatupagin mo ngayon." "I-I'm not here for a d-date," Geordane answered. Bigla siyang naging aligaga. "You know what, we can truly understand naman if you're out for a date," I said while smiling. "May kikitain lang ako na college friend," sagot agad ni Geordane. "By the way, akala ko hindi kayo tutuloy?" dugtong niya na halatang iniiba ang usapan. "We're about to leave when Elisha received your text. We won't dissipate our get-up for nothing, so we decided to come here instead." Hindi na nakasalita si Geordane at alam ko na nagi-guilty siya sa sinagot ko. Nagkatinginan lang kami ni Elisha at nagkibit-balikat. "I'm sorry, but don't worry, I'll treat you next time," pampalubag loob niya lang sa amin. "It's okay. Mukha ngang importante talaga ang lakad mo ngayon . . . You're well-dressed in fact," puna naman ni Elisha na siyang sinang-ayunan ko. Isang ngiti lang din ang ginawad ni Geordane saka agad dinakma ang cellphone nang tumunog iyon. Para siyang hindi mapakali habang pumipindot. Sinulyapan niya pa kami saka pilit na ngumiti. "I have to go, lumipat ng resto 'yong friend ko. May emergency kasi . . ." Agad na tumayo siya at dinampot ang clutch bag. Hindi man lang kami nakapagpaalam sa kanya. "She's acting weird . . ." Sabay pa naming sambit ni Elisha. Lumipat kami sa upuan na nakita namin kanina saka tinawag ang waiter. After a while, Elisha excused herself to go to the comfort room. While waiting, I keep myself busy from reading some online pregnancy forums. Nagulat lang ako nang mag pop-out sa notifs ko ang name ni Lolo sa Viber. DemetriouVMontreal (Online) Your brother is in the Philippines now. I guess you didn't know that hija. For sure, he is with his Jezebel. This is not just an accusation. I have pieces of evidence that your brother is cheating. He will destroy our family . . . Our name. Here we go again. . . I couldn't help but be nervous, though. Kung nagawa ni Lolo na makahanap ng ebidensya tungkol sa cheating issue kay Kuya, hindi malabong gawin din niya iyon sa akin. Instead of replying to my grandfather, I dialed my brother's number. Three more rings before he picked up his phone. "Hello, Blythe!" "Kuya . . ." "What's the matter? Do you have any problem?" he asked. Bakas ang pag- aalala sa boses niya. "No." Umiling agad ako. "I just want to ask something from you." Mas mabuti na siguro na itanong ko iyon at malaman ko ang sagot mula mismo sa kapatid ko. "A-ano naman 'yon—" "Nakauwi ka na ba talaga ng Pilipinas? Is it true that you're cheating over Giselle?" tahasang putol ko sa sasabihin niya. "What? Of course not! I'm still here in N-New York. Sino bang nagsabi sa 'yo na nasa Pilipinas na ako?!" "Si Lolo . . ." mahinang sagot ko. "Seriously, Blythe? What else did he accuse me of?" "That's all. Bakit may dapat pa ba akong malaman kuya?" I raised my brow. This is the first time I heard affected by the accusation my grandfather was throwing at him. "He is just paranoid. Don't mind him, okay? Sige, I have to go. I have some errands to do." And with that, the line went off. The wrath of Demetriou Montreal is hell. I know that well because I witness how he made someone's life miserable after he discovered betrayals. Saktong pagkababa ko ng phone ay ang pagdating ni Elisha. Blangko ang mukha niyang naupo na hindi man lang nagsasalita. She's acting weird. I put my phone back on my clutch bag and focused on her. "You look scary!" I muttered. Doon niya ako sinulyapan at hindi ko maiwasang matakot nang tuluyan nang makita ang malamig pero may galit na tingin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD