ONP 1: Positive Lines
TWO RED LINES.
I blinked faster than usual. My heartbeat seems to join the rhythm. Hindi ko matanggal ang tingin sa hawak ko. I can feel my hands shaking and sweating.
Napapikit ako nang mariin habang pilit na hinahalukay sa isipan ko kung saan nagsimula ang lahat ng ito.
Damn! This can't be!
Hindi ko na namalayan ang mahinang pagkatok sa pinto mula sa labas ng banyo. Hindi ko pa rin nabibitiwan ang hawak ko at bigla akong nag-angat ng tingin kasabay ng pagtulo ng mumunting luha na kanina pa nakatambay sa gilid ng aking mata.
"Blythe, ang tagal mo na d'yan. Please come out, kinakabahan na ako sa 'yo!" Oh, I almost forgot that my best friend is here.
"Hey! Please say something. Ano, okay ka lang ba d'yan?" Hindi na rin nito nilubayan ang pagkatok sa pintuan ng banyo. "Do I need to call a doctor na ba?"
Doon na ako natauhan. I stood up and fixed myself. I wiped my tears and went to the sink. Ipinatong ko muna saglit doon sa gilid ang pregnancy kit na binili mismo ng kaibigan ko sa akin.
I faced the mirror and splashed some water in my face, then toweled dry after.
After I'm done, I picked up the PT and shot it in the pocket of my warmer shorts. Paglabas ko, sinalubong agad ako ng nag-aalalang mukha ni Elisha.
Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso sa kusina. Alam ko na sinusundan niya ako. I don't mind. Kumuha ako ng tubig sa ref saka pinawi ang uhaw ko. I could still feel the trembling in my body, but I choose to ignore it.
"Blythe, ano ba? 'Wag mo na akong iwasan!" Elisha raised her voice a bit.
Hinarap ko naman siya, "I'm not!"
Tinaasan lang niya ako ng kilay saka niya inilahad ang kamay niya sa akin. I know what she wants but I won't give it to her for now.
"One or two?" She earnestly asked me.
I stopped drinking water. I glanced at her, and she still has this serious aura. Wala akong nagawa kundi kunin ang hinihingi niya na nasa bulsa ko. I tossed it towards her.
Nanghihina akong napaupo sa upuan at wala sa sariling pinagmasdan si Elisha at inabangan ang magiging reaksyon niya.
We're childhood best friends. Malapit ang mga pamilya namin at pareho kaming nagtapos sa Florence Design Academy with flying colors. She's now a famous supermodel under IMG Model Agency and the COO of my company.
"OMG . . ." Elisha's eyes got widened.
Nilingon niya ako na winawagayway ang PT. Tila pinipigilan niyang sumigaw dahil napapakagat siya sa labi at namumula ang pisngi.
Tumango lang ako at niyuko ang ulo. Alam ko na maraming katanungan siyang ibabato sa akin tungkol dito, pero kahit ako ay hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
I am pregnant.
A No-Boyfriend-Since-Birth woman like me just got pregnant. How could that be possible, right? The heiress of Montreal Empire, the world-renowned Interior Design millionaire Bachelorette, is pregnant.
Inaasahan ko na iyan ang magiging headlines sa lahat ng newspaper at online forums sa mga susunod na araw.
But damn! Alam ko naman sa sarili ko na katangahan ang nangyari one month ago, pero hindi ko na maibabalik iyon. Ang mahalaga ay ang ngayon. Kung paano ang magiging buhay ko ngayong buntis na ako.
I covered my face with my own hands. Nagsisimula na namang umalpas ang mga luha sa mata ko.
"Hey! I'm here for you . . ." Elisha rubbed her hands at my back. Giving me the comfort I needed the most.
Nilingon ko siya at mabilis na niyakap. Naguguluhan na ako sa mga naiisip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang nagingibabaw sa akin ngayon ay takot. Takot para sa anak ko sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa kanya.
I have my name on the gold-plated frame. My family is a jewel in the business world. Isang iskandalo ang pagbubuntis ko kung malalaman ito ng lahat lalong- lalo na at wala akong boyfriend o asawa.
I can't hold all the mixed emotions anymore. I can't even utter any words. I can't even scream. The only thing I can do is cry.
"Ano na ang . . . ang g-gagawin ko ngayon?"
Ano nga ba? Sa totoo lang ay hindi ko alam. I don't have any idea how to change a baby's diaper, the proper way to let him burp, or how to stop them crying if they are having tantrums.
Ngayon pa lang ay iniisip ko na wala akong kwentang Mommy sa baby ko.
Mas lalo akong napaiyak sa mga naiisip ko.
Lord! Why now?
"Calm yourself." Elisha distance herself and sit in the next chair beside me. "Do not abort the child."
Natigilan ako roon. Unti-unti akong nag-angat ng tingin at nakita ang seryosong mukha ng kaibigan ko.
No way! Ni minsan ay hindi ko inisip na gawin ang bagay na 'yan!
My family raised me with so many manners and traditions to follow. I am a family-oriented woman. Meron akong malaking takot sa Diyos. If I defy one sin before, having s*x without getting married, hindi na ako mangangahas na gumawa pa ulit ng isa pang kasalanan by aborting a poor child.
Besides, the angel inside me has nothing to do with what happened in the past.
It was a blessing for me, masyado lang napaaga at wala sa plano. "I will never do that! Never!"
Sisikapin kong mabigyan ng magandang buhay ang magiging anak ko kahit walang tatayong ama nito.
Hinarap ko si Elisha. I saw how worried she is. Mabuti na lang at nandito siya ngayon para damayan ako.
"I can raise my child alone. I will do everything to give nothing but the best to my child."
"I know. But how about your grandfather and si Bryce . . ." Nandoon ang nag- aalalangang tingin niya sa akin.
I suddenly remember my family. 'Yong natitirang pamilya na meron ako, si Bryce at si Lolo. My brother is doing well in his field as a world-renowned Doctor and having his own hospital with branches all over the world. Si Lolo naman bilang kilalang matinik na businessman sa buong Asya at Europa.
Also, my late parents—Arabella Drevalli Montreal, was a well-known Hollywood actress. At the same time, Dominic Montreal is Asia's Wealthiest Man and even featured in Europe as one of the Pentagon Pillars. Sadly, they both died in a car accident that shocked the whole world.
Hindi ko maiwasan na mag-alala dahil alam ko na maaapektuhan sila kapag lumabas na ang balita tungkol sa pagbubuntis ko.
"Iyan din ang inaalala ko Eli, pero hindi ko naman kasi habambuhay na maitatago 'to." Hinaplos ko ang aking tiyan.
Hindi pa man halata ang umbok ay tila nararamdaman ko na siya. I couldn't help but smile at that thought. Ngayon ay tila nasasabik na akong makita siya. How I wish my baby could be proud of me kahit hindi na ako proud sa sarili ko.
"Hindi naman mahalaga 'yong sasabihin ng ibang tao. Lilipas din ang issue tungkol sa 'yo if that happens."
Napakagat-labi ako. Ganito talaga kung kilala kang tao, daig mo pa ang mga artista na hindi nilulubayan ng kamera at balita. I could still remember when my Mom used to it. Those paparazzi and media men tailing her and Dad.
"Hindi ko alam if anong gagawin ni Kuya sa akin oras na malaman niya ito." Iyan ang kanina ko pa iniisip.
Sa kanilang dalawa ni Lolo, sigurado akong mas maaapektuhan si Bryce oras na malaman niya ang tungkol ditto, at sa kung sino ang ama ng dinadala ko.
I looked up and saw something in Elisha's eyes. Iyon ang mga tingin na gustong maghanap ng kasagutan sa mga tanong na hindi naman naitatanong pa.
Naramdaman ko ang mga kamay niyang pumatong sa mga nanginginig kong kamay.
"That baby was made in Italy, am I right?" she stated. Wala akong naisagot kundi isang tango.
Naaalala ko ang araw na iyon. I was with Elisha in Italy for an exhibit. Kinaumagahan ay umuwi ako sa hotel namin na iba na ang damit kong suot at halos magulo ang buhok.
"Hindi na ako magtatanong kung ano ba talaga ang nangyari sa 'yo ng gabing iyon sa exhibit."
"Elisha . . ." I know how curious Elisha is right now, but I admire her for this.
"What's important is your health. You need to be healthy and stress-free for you and the baby." She smiled at me.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan ay hindi talaga ako iniwan ni Elisha sa lahat ng pinagdaanan ko. Siya 'yong tipo ng kaibigan na one call away. Like what she did today.
Actually, nandito siya para sana sabay naming puntahan ang site ng bagong project ng Solstice, but to her surprise naabutan na niya akong naduduwal sa sink, so she immediately went down to buy some pregnancy test to testify her assumptions about me.
Kampante pa ako sa mga oras na ito dahil nasa New York si Kuya to supervise his newly opened hospital branch there. Si Lolo ay busy naman sa pagpapalago ng Montreal Empire.
Supposedly, si Bryce ang magmamana ng ME since siya ang panganay, but since nagpatayo siya ng mga hospital na kilala na rin naman bilang best hospital sa mundo ay hindi na muna siya pinilit ni Lolo. Ayoko rin naman makisali sa usapin ng pamana at tungkol sa Montreal Empire because I also have my own company–Solstice Design Institute. Interior Design company na kilala na rito sa Asya at sa Europe dahil doon ako nagsimula ng expansion, but I'm planning to expand in the US this year.
"Hey! You're spacing out!" I heard her fingers snapped in front of me.
"Ha? What?"
Napairap siya sa akin saka pinitik ang noo ko. Napahawak naman ko doon at hinimas. Masakit 'yon, ha!
"Kasasabi ko lang kanina na bawal ang stress! Ay nako!"
"Sorry! Saan na ba tayo?" tanong ko na lang.
Masyado akong maraming iniisip at hindi ko namalayan na kanina pa pala nagsasalita si Elisha. I held a hard breath out. Sinikap ko na ibaling sa kanya ang atensyon ko.
"I'm going to call Geordane—"
"What? No!"
Bumalik 'yong takot ko sa binabalak ni Elisha. She can't call Geordane. Not her!
"Damn! Wala na tayong ibang pwedeng lapitan kundi siya lang." She faced me with determination. "Sinong gusto mong tawagan ko? Your brother?"
Oh god! The last thing she said is a dangerous idea.
Mariin akong napapikit. Geordane is our best friend too, and she's a doctor. Pero ang problema ay dahil sa ospital siya ni Kuya nagtatrabaho.
"Mas pipiliin ko ang unang suggestion ko, Blythe. For sure, Geordane won't dare to spill the milk to your brother," saad ni Elisha na may tonong sigurado siya sa sinasabi niya.
"How can you be so s-sure?"
"They are no longer friends, remember? Ano ba, Blythe? Stop overthinking. Ako na ang bahala!"
Well, that's true. Pero hindi ko alam kung bakit hindi na naibalik 'yong pagkakaibigan ng kapatid ko at ni Geordane.
Napailing na lang ako. Masyadong mabilis itong si Elisha makaisip ng mga solusyon pero kadalasan ay hindi rin nagiging maganda ang kinalalabasan.
How I wish this time it will be on my fate.
I saw her fish out her phone and dialed Geordane's number. She put it on the speaker for me to hear everything.
"Hey, Dane! How are you?" Elisha greeted the other line.
"I'm okay, kababalik ko lang sa trabaho. Why?"
Saglit akong sinulyapan ni Elisha bago nagsalitang muli. Para naman akong sinisilaban sa puwet dahil sa kabang namumuo sa dibdib ko.
"That's good! Bisitahin ka namin ni Blythe tomorrow. Is that okay?"
"Wala namang problema. Wala naman akong importanteng meeting bukas."
Oh, I forgot. Geordane is the COO of Medicus Civitas. Aside from being a Neurologist-Surgeon and Ob-gynecologist.
"Alright. Well, see you!"
"O-Okay! See you." And with that, the line went dead.
Masayang ibinaba ni Elisha ang phone niya saka nagkibit-balikat. Umalis na siya sa island counter at nagsimulang magbukas ng mga cabinet at ref. Hinayaan ko na siya.
"Magpahinga ka na muna. Gonna make our lunch here." She smiled at me.
"Okay. Thanks, Eli!" I smiled back.
Umalis na ako sa kusina at nanghihinang pumunta sa kwarto ko. Hindi ko maiwasang mapatigil sa whole body mirror at tingnan ang sarili ko. Wala pa namang umbok ang tiyan ko but I can't help to touch it. Muli kong dinama iyon na tila ba may magre-respond.
Tahimik akong nagdasal para sa kalagayan ko for the nine months' time. Tama si Elisha, I need to stay healthy and stress-free. I need to be well-groom and positive to raise my child even without his father.
Yes. Wala akong balak na ipaalam sa ama ng magiging anak ko na may anak siya sa akin. That, what happened a month ago turned us to be a parents. Wala na akong balak hanapin pa siya o kahit habulin pa para maging ama sa anak ko. Hanggang sa Italy na lang ang namagitan sa amin.
I don't regret what happened one month ago, pero hindi ko itatanggi na mali iyon. Of all the men in the world, why him?
Napabuntonghininga na lang ako kasabay ng pagtunog ng phone ko sa bedside table. Natigilan akon nang makita ang pangalan sa screen. Nagdadalawang-isip ako na sagutin ito. 'Yong kaba ko ay bumabalik na naman and this time, my hands are sweating.
Alam na ba niya? Is he calling to confirm it?
Nakatitig lang ako sa screen habang ang tainga ko ay parang mabibingi na sa tunog ng phone na hawak-hawak ko. The first ring died, but it rings again. This time, I pressed the green button with my fingers shaking badly.
"H-Hello . . . Kuya!"
"Why it took you so long to answer the phone, lady?" Bakas sa tono niya ang pagiging iritado.
Mariin akong napapikit. I gather all my strength to stay calm.
"I'm sorry, Kuya, nasa banyo kasi ako," pagdadahilan ko.
Mukhang nakumbinsi ko naman siya sa pagdadahilan ko. Salamat na lang dahil hindi ako nautal sa pagsisinungaling.
"Hmm . . . How are you then? Medyo matamlay ka yata ngayon?"
I bite my lower lip. Nag-angat ako ng tingin at saktong nakita ko ang portrait namin ni kuya na nasa paanan ko lang.
I can't help myself but feel guilty about lying to my brother.
"I'm okay, K-Kuya. I'm quite busy sa Solstice that's why . . . But I'm not sick," I assured him.
"Y'ah sure? Mukhang laman ka pa rin ng mga Conventions and Expo ah?"
He chuckled from the other line.
My brother never failed to check on me. Kahit pa may kanya-kanya na kaming buhay bilang may-ari ng sarili naming mga kompanya. He always sees me as his baby sister.
"Yes! When there's an opportunity for my company, then I'll grab it! How about you? How's New York?"
Tatlong buwan na kasing namamalagi si Bryce sa New York para matutukan ang progress ng Medicus Civitas branch doon.
"I'm fine . . ."
"Ay, teka! Nasa New York din si Geordane last two weeks ago, ah! Hindi kayo nagkita?"
My other best friend, nagpunta siya roon for a seminar and short vacation na din siguro. Bigla namang naging tahimik ang kabilang linya kaya kumunot ang noo ko. I thought he ended the call.
"Kuya?"
"Ahm . . . gano'n ba? W-We didn't meet here . . ."
"Gano'n ba? Sabagay, sa laki ba naman ng New York."
"Sige, I'll hang up now! May mga aasikasuhin pa ako. Take care there, lady. Don't stress yourself too much," paalala pa niya sa akin.
Biglang akong naging uneasy lalo na nang pinaalalahanan niya ako tungkol sa sarili ko. Mas lalo lang akong kinakain ng konsensya ko.
"I will, Kuya . . . Bye!" Nahahapo akong ibinaba ang tawag at wala sa sariling napasandal sa headboard ng kama ko.
I hope everything will be fine.