ONP 14: Memoirs of Italia Damn wine! Damn liquors! Damn everything! Hawak ko ang tila minamartilyo kong ulo habang nakaupo sa kama. Mariin akong napapikit habang iniinda ang sakit no'n. Parang gusto ko tuloy magsisi dahil nagbida-bidahan ako kanina. Muli akong nagmulat at saktong nahagip ng mata ko ang bote ng Cognac sa bedside table. Mukhang bitbit niya ito kanina habang karga ako. Ganoon siya kalakas para mabuhat ako habang hawak 'to! Grabe! Without any hesitations, I grabbed the bottle and dispensed half of it all on my mouth straight down to my stomach. Lulubusin ko na ang paglalasing ko ngayong gabi. Kahit ngayon lang! Napaigik pa ako ng lumatay ang lasa at alab ng likido sa aking lalamunan. Tinatanong ko ang sarili ko na kung bakit kahit ganito kapangit ang lasa ng mga inumin a

