Chapter 1:

1133 Words
Niellezeah Maureen Madrid POV Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nung grumaduate ako sa course na Bachelor of Science in Business Administration major in Management (BSBA-M) at pagkaraan ng ilang araw ay napagpasyahan ko mag apply, pwede naman sana sa kompanya ng mga magulang ko pero hindi ko feel nakipag plastikan sa ate ko lalo na't alam kong aalilain nya lang ako dun. Sya na kasi ngayon ang nagmamanage ng business namin dahil nga sya ang tagapagmana ay pinapractice na nila Dad. Mga ilang linggo din ang lumipas bago ako tinawagan para sa final interview ko ng kompanya na ito. Fortunately natangap naman ako bilang secretary, sakto daw kasi at kareresign lang ng secretary nila kaya nangangailangan daw talaga. Pero hindi ganon kaganda ang mga naririnig ko sa pamilya ko. Bakit daw dun pa ako sa iba nag apply pwede naman daw sa MaDrid Contractors?Isa pa wala daw ako pakinabang sa pamilya namin. Umay na yan ni hindi nga nila pinaramdam saakin na myembro ako ng pamilya eh. Hindi ko nalang pinatulan kasi hahaba pa ang usapan at hindi ko nalang din binanggit sa kanila kung saan akong kompanya nagtatrabaho baka mas lalo silang manggilaiti sa galit. HAHAHA BAHALA SILA. Alasiete ng matapos ako mag asikaso ay umalis narin agad ako ng bahay baka kasi traffic sa daan at malate pa mahirap na, gamit ko ang sasakyan na niregalo saakin ni Dad kinabukasan after ng graduation ko ay mabilis akong nakarating sa lugar. Sabi nya pasensya na daw at hindi sya nakadalo kaya binawi nya nalang sa regalo. Kahit naman papaano ay gumaan ang loob ko, pansin ko din simula ng bata pa ako si Dad lang ang medyo may pakialam saakin dahil minsan naalala nya ang mga okasyon sa buhay ko at binibigyan ako ng mga materyal na bagay yun nga lang hindi ang pagmamahal. Pero yung si Mom at Ate ay wala man lang pakialam saakin. Anyways kabababa ko lang ng kotse at inabot ko sa guard ang susi dahil sila na mismo ang nag papark ng sasakyan. Depende din sa posisyon mo sa kompanya dahil nga secretary ako ay sila na ang mismo ang nag aasikaso ng sasakyan ko. Entrablanco Corporation yan ang pangalan ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Sobrang laki ng building na ito at sobrang taas din ni hindi ko nga alam kung hanggang saan ang floor nito eh. Siguro pag tumagal na ako dito ay makakabisado ko na at hindi lang yun worldwide din itong Entrablanco's Corp. dahil isang angkan ang may ari nito bali bawat lugar siguro ay isang Entrablanco ang nagmamanage, sikat ang kompanya na ito at nangunguna sa business world. Yung saamin masasabi ko naman sikat at kilala pero hindi kagaya ng kasikatan ng Entrablanco Corp. halatang mga business minded talaga ang angkan. Kaya nga hindi ko nalang sinabi sa magulang ko sung saan ako pumapasok baka kung ano pa sabihin nila. Habang nag iintay sa elevator ay may tumabi naman na isang lalaki saakin magugulat pa Sana ako kaso yung boss ko pala. "Good Morning Mr.Entrablanco" bati ko dito. Binalingan lamang ako nito at tinanguan, pagbukas ng elevator ay sabay din kami pumasok ako narin ang pumindot kung saang floor total pareho lang naman kami. Kung tutuusin itong boss ko ay bata pa lamang nasa 25 yrs old, matangkad, matangos ang ilong, may magandang pangangatawan na aakalain mo ay tambay sa gym, tapos yung mga mata nya ay hazel brown, makakapal na kilay at pinkish na labi. Gagi ang gwapo nya kaso sobrang seryoso sa buhay. Bakit? Eh simula nung pumasok ako dito ay hindi ko pa to nakitang ngumiti kala mo ay dala nya ang problema ng sangkalawakan tapos yung mga mata nya mukhang laging pagod at malungkot. Nang makalabas ay dumeretso na sya sa opisina nya ako naman ay sa table ko sa labas lang din ng office ni boss. Boring nga ako dito eh at ako lang mag isa. Umaysss. Malawak itong opisna ni boss kasi isang floor ay sakop nya, sya lang ang nandito at ang secretary nya pero bukod yung table ng secretary kasi nasa labas ito ng pintuan ng pinaka opisina ni boss bali tinawagan nya lang ako pag may kaylangan sya. Maganda ang loob ng office ni boss maaliwalas tignan lalo na at tanaw mo ang buong syudad, may mahaba itong table para pag may meeting or bisita tapos yung table nya na puno ng mga papeles, unti lang din ang mga cabinet na lalagyan ng mga files nya may mga vase den at Yung isang cabinet nya na may mga award ng kompanya at isang cabinet para dun sa mga mahalin nyang laruan mga robot yata yun, meron din tv. Nilapag ko muna ang dala kong bag at pumunta ng pantry para timplahan ng kape si Mr. Entrablanco yun kasi ang turo saakin eh kelangan daw ako ang mag-aasikaso ng pagkain ni boss on time kasi nakalimutan nya to. Pagtapos magtimpla ay dinala ko na ito sa kaniya sinamahan ko narin ng biscuit baka hindi pag nag aalmusal. "Sir your coffee"Turan ko habang nilalagay ito sa coffee table nya. "Thanks Ms. Madrid. Uhm what is my schedule today?" -Boss "Ah Sir meron po kayong board meeting mamayang 10am tapos may visitor po kayo mamayang 1pm. Yun lang po Mr.Entrablanco the rest time po ay wala naman" -Ako. "Ok Ms. Madrid. Nga din pala after work samahan mo ako maybibilhin lang tayo." Seryosong sabi nito. "Ok po Sir." Lumabas na rin ako ng office nya kasi mukhang wala naman ng iuutos. Tsaka ano kaya bibilhin namin mamaya at para saan or kanino? Baka sa jowabells ni boss. Sa totoo lang nahahabaan ako sa surname ni boss, kaya boss nalang ang itatawag ko dun pero secret lang natin yun ah HAHAHA. Habang busy ako sa loptop ay bigla naman lumapit sa akin si Mia isa sa marketing dito sa kompanya. "Ms. Madrid?"-Mia "Yes?" -akesh(Ako) "Pinapaabot po pala ni Sir James pakidala daw po kay CEO. Yan daw po yung mga files na pinahahanap ni Mr. Entrablanco" -Mia "Ah sure sure. Salamat"-Ako "Thank you po Ma'am una narin po ako." Nagpaalam ito at umalis narin agad. Alam ko si Mia ay fresh grad lang din at halos kasabayan ko nag apply dito. Dinala ko naman na kay boss ang files na pinaabot ni Mia pero kumatok muna ako bago pumasok. Mag lalunch na pala hindi ko namalayan ang oras. Tinawagan ko na ang canteen nila dito para madala na sa pantry ang lunch ni boss dahil na rin sa kabusyhan ay hindi na ito makababa sa canteen. Ako naman ay bumababa pa para dun kumain 1hr naman ang break time eh kaya kahit medyo may kalayuan ang canteen dito ay okay lang kasi mahaba naman ang oras ng lunch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD