(Miranda POV) " May problema ba Drake? Mula noong isang araw hanggang ngayon parang iniiwasan mo na ako? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo?" tanong ko sa kanya. Nahihirapan na kasi ako. Hindi niya ako kinakausap hindi ko alam kung ano nagawa kong mali. Hindi naman ako anak ni Madam Auring para mahulaan kung ano ang magaganap at lalong hindi ako marunong magbasa ng isip ng tao. " I'm busy right now. I have so many things to do. Could you please stop thinking such stupid things? It's nonsense better do your work. You can get out now" Sabi nito sa inis na boses. Hindi na lang ako nagsalita pero sobrang nasaktan ako sa pinapakita niyang panlalamig sa akin. Lumabas na ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Dumiretso ako ng comfort room para doon ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Nagkulong a

