Chapter 15

1192 Words

Tumigil ang lalaki ngunit hindi nito nilingon si Jacob. At nang tapunan ni Jacob ng tingin ang mga kasamahan nito na nasa loob na ng wing van ay lalo siyang naghinala. Hindi na kasi maipinta ang mga itsura ng mga ito at mababakasan rin ng takot. Panay ang senyas nila sa lalaking kausap ni Jacob na bilisan na nito. "Pwede ka bang sumama sa presinto para doon natin ayusin 'to? Ayaw mo bang managot ako dahil sa pagiging walang disiplina ko sa daan?" pagkukunwari ni Jacob. "Ahh…e. H-hindi na po kailangan, Sir," nauutal-utal naman na sagot ng lalaki at suminyas sa mga kasamahan nito na paandarin na ang truck. "Pero—" Magsasalita pa sana si Jacob subalit humarurot na ang truck papunta sa direksyon ng lalaki. Nakabukas na rin ang pinto ng sasakyan nila na halatang handa na para itakas ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD