Matapos makababa ng sasakyan ay humugot muna ng hangin si Abby at saka nagpakawala ng isang malakas na buntonghininga. Pagkatapos ay nagsimula nang igalaw ang mga paa. Subalit hindi pa man siya nakakahakbang ay may tumawag na sa pangalan niya. "Attorney Abby?" Hinanap niya agad ng tingin ang tao iyon. Ang kaibigan pala ni Jacob na si SPO1 Concepcion. "Kayo pala, Sir. Mag-isa ka ata. Nasaan si Jacob? Nariyan ba siya sa loob?" sunod-sunod na tanong ni Abby. Nangatal naman sa tanong ni Abby si Concepcion at napakamot sa ulo. Hindi niya kasi alam kung nasaan ang kaibigan. Bigla na lamang kasi itong umalis kanina at hindi naman nagpaalam sa kanya. "Ah. . .e. Hindi ko alam kung nasaan siya, Attorney. Kanina pa siya wala dito. M-may kailangan ba kayo sa kanya?" garalgal na tanong nito at umiw

