Marahas at madiin ang bawat halik na ipinupukol ni Abby kay Jacob. Bawat galaw ng labi nito ay nagpapahiwatig na miss na miss niya ang asawa. "I really miss you, Jacob," mahinang bulong nito. Subalit nanatili lang na nakatayo si Jacob habang dinadama ang mainit na halik ng asawa. Aminado rin naman siya na namimiss niya ito. Pero bakit parang nasasaktan siya? Bakit kahit parang gusto niya rin ito ay may kung anong bagay ang ayaw makisama. Ni wala man lang naging reaksyon sa katawan niya habang mainit ang tagpong pinaparamdam ng asawa. Hanggang sa hindi niya na kinaya kaya kusa na lang siyang kumawala sa asawa. "Abby, stop!" madiing utos niya sa asawa. Natigilan at nagulat si Abby sa sinabi ng asawa. Tila bigla siyang napahiya dahil dito. Pakiramdam niya rin ay natuyuan siya bigla ng

