Chapter 29

1240 Words

Punong-puno ng mga katanungan si Jacob sa kanyang sarili nang pumasok na siya sa silid nilang mag-asawa. Ano nga ba ang dahilan at bakit nagawa niya itong lukuhin. Naihilamos niya ang kanyang mga palad habang pinakatititigan ang mahimbing na natutulog na asawa. Ni hindi niya ito magawang hawakan at amuin sa kabila ng mga nangyari rito. Ramdam niya rin ang pagdurusa ng damdamin nito ngunit hindi niya alam kung paano iyon aalisin sa asawa. "May karapatang nga ba akong magalit sa 'yo, Abby?" bulong niya sa sarili habang namumuo na ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Isa lang naman kasi ang gusto niya. Ang magkaroon na sila ng anak. Ngunit hindi siya pinagbigyan ng asawa. "Hindi ba ako pwede magalit sa 'yo, ha? Hindi ko nga ba pwedeng hanapin sa iba ang pagkukulang mong iyon, ha, Abby?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD