Sa pinakamalapit na bar sa presinto napunta si Jacob. Nilunod niya ang sarili sa alak at dito niya rin binuhos ang sama ng loob niya. Pakiramdam niya ay sinira ni Abby ang naging papel niya sa pagkakahuli kay Zion Chui. "Bakit, Abby? Bakit ikaw pa ang gumawa sa 'kin nito?" anas niya habang nanlilisik ang mga mata. Pagkatapos ay ibinagsak niya sa table ang bote ng beer na hawak kaya halos mabasag ito dahilan para matuon ang atensyon sa kanya ng ibang naroon. At dahil lasing na siya at may nakasukbit pang baril sa gilid ng baywang ay wala man lang naglakas loob na lumapit at sitahin siya. Sa pagmamadali niya kanina ay nakalimutan niyang iwan ang baril niya sa presinto. Natakot rin sa kanya ang bouncer ng bar kanina nang pumasok siya dahil bakas na bakas sa mukha ang galit. "Matatanggap

