MAY POV Masarap tumambay dito sa terris ng kwarto ni Denis. Tanawan ko ang malawak nilang bakuran. Mas gusto ko pa nga ang sariwang hangin dito sa labas kesa sa aircon sa loob. Ganito siguro talaga kapag hindi sanay sa mga pangmamayan na gamit. Gabi na pero manggang mayroong bagoong ang gusto kong kainin ngayon. Na miss ko lang kasi ito lalo na't ito ang madalas kong kainis sa probinsya noong bata pa ako at buhay pa si lola. Kaya lang ngayon, iba na ang panahon, malaki na ako at mag isa sa buhay. Habang naka tingin ako sa kalangitan, nakarinig ako ng yapak ng paa papalapit sa akin. "Oh akala ko matutulog ka na?" Tanong ni Denis na nararamdaman kong papalapit na sa akin. "Di ako makatulog eh. Ilang araw ba naman akong naka hilata sa ospital, parang di pa tinatawag ng kama ang k

