CHAPTER 8

1029 Words
MAY POV "Kailangan po ba talaga yun? Kasi medyo nahihiya ako eh, ayos lang sana sa akin kung pipirmi lang ako dito sa bahay," pag tanggi ko. "Hon, wala ka namang dapat na ikatakot kasi nandoon naman ako eh. Hindi kita pababayaan, at tsaka di nangangat ang mga empleyado namin. Sa katunayan nga, mga mababait pa silang lahat kaya magiging okay ka lang." "Tama si Denis, ano ka ba may, isa ka nang parte ng pamilya namin at kung ano ang mga nararanasan namin, dapat ay ma experience mo rin. Lalo ngayon na asawa ka na ng anak ko, kung ano ang respetong binigay nila sa kanya, sure ako na ibibigay din nila sayo. And besides, you are not going to be dressed like that upon facing them. You are going to wear gown or something like my dress." "Mom is right. Pwede kang bumili ng mga damit mo na branded. Of course, kahit naman siguro ako, gusto ko na makita kang nag level up. You are no longer working inside the bar and it would be much better kung susunod ka sa mga uso ngayong damit ng mga mayayaman." Sure akong kapag nag bihis mayaman ako, iisipin lang ng mga tao na social climber ako at isang gold digger kahit na ang totoo, hindi nila nakita yung simpleng naging buhay naming mag asawa sa loob ng ilang linggo. Ito pa naman ang pinaka iniiwasan ko sa lahat, yung husgahan ako ng iba kasi mababang babae lang ako. Sure akong iniisip ng mama niya ngayon na kahit anong bihis ko, wala pa rin akong class at hinding hindi ako magiging kagaya nila. Sa ngayon, sadyang ang galing lang niyang mag panggap na kunwari ay ang bait bait niya sa akin kasi kasama namin ang anak niya. At nagagawa niya itong mauto kasi dahil sa mahal ni Denis ang tatay niya. "Oh siya! Tsaka na natin isipin yan Denis, your birthday is already approaching na pala. I would really like to ask kung saang venue mo gustong i celebrate ang birthday party mo?" "Ma, ayaw ko nang mag celebrate ng birthday party ko ko sa venue. I am already too old for that. Mas gusto ko na lang ng simpleng salo salo kasama kayo ni Dad at asawa ko. Si Tom at ang iba ko pang mga malalapit na kaibigan. You know what my wife taught me? Yung maging isang simpleng lalaki na hindi kinakailangang maging magarbo sa lahat ng okasyon. Yung kahit na simple lang, pero kasama ko kayong lahat-" "Oh my gosh Denis! Alam mo namang mayroon akong pakialam sa sinasabi ng iba sa atin. Ayaw kong isipin nila na nag hihirap tayo kaya di ako papayag na simpleng handaan lang ang magaganap sa birthday mo. You can request better than that! Gusto mo ba sa SMX MOA tayo or magpa concert tayo where in lahat ng mga employees ay a- attend?" Napaka taray naman nung concert at pa SMX MOA, never akong naka ranas maka attend ng ganun. Ang pinaka bonggang napuntahan ko ay yung inuman sa bar. Tapos puro sa bahay na ginanap yung iba. Parang barya lang sa kanila yung ganito, grabe talaga ang problema ng mga mayayaman. Puro kaartehan at ka ek ekan. Samantalang kaming mga mahihirap, kaning tutong ang cake namin na may kandila sa taas. Tapos sila, puro gastos at labas ng pera? Minsan, sana inisip ko, ibang lalaki na lang sana ang napili ko kaya lang obsessed talaga sa akin si Denis at hindi siya papayag na pakawalan ako. Ngayon, damay na ako sa mga problema nila, yung dating peace of mind na hinihiling ko, ngayon ay mananatili na lang itong isang pangarap. "Ma, nag ilang beses na akong birthday sa SMX Convention at ilang beses na rin akong may pa concern sa birthday ko. Nakaka sawa na yung ganun. And besides, we only have limited time para mag handa. Unlike before na isang month ang preparation natin para sa event." "Are you trying to underestimate me huh? Tandaan mo, I have a lot of money and resources. Kayang kaya ko itong i pa rush if I want to. Kaya lang, I am giving you a choice to pick kung ano ang klase ng birthday party na gusto mo. In that case, mas magiging masaya ang birthday party mo." "And Mom, I already told you about this, gusto ko nga ng isang magandang birthday na kasama ko lang kayo at ang asawa ko. At ang mga malalapit na tao sa buhay ko. Kahit lumabas lang sana tayo, that is what I want." Nako, medyo tumaas na ang boses ni Denis at halatang hindi na niya gusto ang nangyayari. Sure akong mas magiging malaking away pa ito kung saka sakali. "I told you Denis, hindi ko nga gusto ang ipinipilit mo sa akin. You are turning 26 this month and you only celebrate your birthday once is a year. So I am not going to allow na magiging isang pucho pucho lang ito. Ah basta, let me work on this one. Sakto at ikaw na ang papalit sa akin sa office, I am gonna make myself busy sa pag handa ng nalalapit mong kaarawan. And I will make sure na mas maganda pa ito kesa sa mga previous birthdays mo. Mahiya ka naman sa asawa mo, sure ako na mag aagree siya sa akin. Tama ako, di ba, May?" Nako po! Dinamay pa talaga niya ako, eh mas gusto ko naman ang sinasabi ng asawa ko kasi simple lang din ang gusto ko sa birthday niya. At sobra kong na aappreciate yung sinabi niya na thankful siya sa akin kasi natuto siyang maging simple. "Ah... tama po tita..." nauutal na sabi ko, natatakot lang ako sa kanya kaya nagawa kong mag sinungaling. "Ma, wag mo namang takutin si May! Dinadaan mo siya sa pag taas ng boses eh," pag tatanggol sa akin ng asawa ko. "Oh my gosh! Di ka pa ba nasanay sa akin, this is how I talk, Denis! Pero wag na tayong mag talo rito, accept your defeat kasi wala ka na ring magagawa, ipipilit ko talaga ang magarbong birthday party mo no matter what you say or do!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD