MAY POV Monday morning, nag ayos na ako dahil mismong ngayong araw na ako ipapakilala ako ng asawa ko sa mga employees niya. Pumipintig ng malakas ang puso ko sa kaba. Nati tiyak ko na may mga empleyado syang mag uusap usap matapos akong makita at sasabihin ng mga ito na pera lang ang habol ko sa kanya. O kaya ay mayroon akong ginamit na gayuma para lang mapasagot ko ito. Buti na nga lang at 'di kasama ang bruha kong mother in law kase baka mas lalo akong mapahiya nito. Noong una ay sinabi ko sa asawa kong ayaw kong ituloy eto. Ngunit nagalit sya at sinabing kailangan ito for formality. Para in case daw na may mangyari sa kanya ay ako ang papalit sa pwesto nya. Ayoko itong isipan, 'di ko kaya na wala ang asawa ko. Sabi pa nya, tuturuan nya pa akong makapag aral ng business. Ano b an

