-Ryle’s Side-
“ Nang magising ako kinaumagahan, kinuha ko ang Cellphone ko upang icheck kung anong oras. At laking gulat ko nung nakita kong may text message si Ynna sakin. Oo si “Ynna” pano ko nalaman na siya yon? Diba nga hiningi ko yung number niya sa classmate niyang si Risha. At agad ko yung sinave sa contact number ko” - Ryle
Dahil sa tuwa ay agad itong lumabas para mag pa load, yung mas inuna niya pa yon imbis na mag almusal muna hahaha how sweet di ba ? - Author
“ Nag makapag paload ako ay agad kong nireplayan si Ynna. Nireplayan ko siya na parang hindi ko kilala para maitago ang feeling ko sa kanya.”- Ryle
“ Oo baket? Sino to.? - (Reply niya sa text ni Ynna) Ryle
“ Ah okey !” - (agad na reply naman ni ynna) - Ynna
“ sino ba ito.? - (reply niya kay ynna) Ryle
“ Ynna...”- (reply ni ynna kay ryle) Ynna
“ Kanino mo nakuha number ko?”- Ryle
“ kay Risha sabi ni kase itext daw kita”- Ynna
“ Ah ganun ba”- Ryle
Dun na natapos ang first conversation nila, hindi na nagreply si Ynna sa huling text msg ni Ryle sa kanya. Tila parang nagsisinungaling ang mga kaklase nito na may gusto sa kanya si Ryle. Sa mga reply palang sa kanya ni Ryle parang di siya nito kilala.
-Ynna’s Side-
“ 12:47 PM ng umalis ako ng bahay para pumasok sa School. Bigla nalang sumagi sa isip ko na dapat hindi ko nalng tinext si Ryle. Nakakahiya tuloy, pero base on his reply I think he’s don’t know me. So kampante ako” - Ynna
After ng isa nilang subject ay dumeretso ito sa kanilang course room. Habang naglalakad sila papunta sa kanilang course ay bigla nilang nakasabay si Ryle at tropa nito papuntang ibang course. Agad namang nang asar si Vone kay Ryle.
“ Ynnnaaaa..., (binigkas niya ito ng pakilig)- Vone
“ para kang tanga bess haha”- (tugon naman nito kay Vone)
Habang si Ryle naman ay napangiti lang ng tago.
Nang makarating sila sa kanila course ay agad itong umupo at nakinig sa teacher nila. Ang kinuhang course ni Ynna at Vone ay HRM. Habang Electronics naman ang kinuhang course ni Ryle. At dahil magkatapat lang ang room ng HRM at Electronics, tanaw na tanaw ni Ryle si Ynna mula sa kinauupuan nito - Author
-Ryle’s Side-
“ bago mag course time ay nakaabang na ako sa paglabas ni Ynna mula sa classroom nito, patago akong naghihintay kasama yung iba kong tropa. At ng naglalakad na sila papuntang course nito ay agad ako sumabay na parang coincidence lang, agad naman akong inasar ng kaibigan niyang si Vone, ngumiti lang ako para itago ang pag ka kilig ko kay Ynna”
“ Nang makarating ako sa aming course room ay agad akong pwumesto kung saan pwede ko siyang matanaw. Hanggang matapos ang time ng aming course ay magdamag ko din siyang tinitigan” - Ryle
“ tara pre sa canteen?” - Tropa ni Ryle
“ sige una kana.! Sunod nalng ako sayo Pre!” - Ryle
Hinintay niya munang makabalik si Ynna sa room nito bago sumunod sa tropa niyang papuntang Canteen.
-Ynna’s Side-
.. Course Time ..
“ Bess may nakatitig sayo? (Kinikilig ito) - Vone
“ huh sino namang magkakainterest na tumitig sakin? Baka kamo sayo.”- Ynna
Nasa isip ni Ynna na baka nagkakamali lang ang kanyang kaibigan sa pag sabi ng may nakakatitig sa kanya. Nagtataka siya at di makapaniwala dahil ang ganda ganda ni Vone kumpara sa kanya. Kaya’t ayaw niyang maniwala na may nakatigtig sa kanya. - Author
“ lumingon lingon ako sa paligid ko, para hanapin kung sino yung sinasabi nilang nakatitig sakin. Ngunit wala naman akong makita.” - Ynna
“ Yieeeh tinititigan siya ni Ryle”- (Pang asar ng isa nilang kaklase sa course na si) Beth
“ Kaya nga no? Nakakakilig si Ryle”.- Vone
“ Para kayong baliw, tara na nga balik na tayo sa room natin.”- (pagbabalewala sa mga pang aasar sa kanya ng dalawa) Ynna
Nang makabalik sila sa kanilang room ay napag pasyahan ni Ynna na wag munang lumabas dahil sa pag iisip nito kay Ryle.
Matapos ang ilang minuto ay nag umpisa ng magsimula ang klase sa isang subject nila. After 45 minutes natapos ang kanilang klase. At dahil wala na silang kasunod na klase from other subject ay lumabas muna si Ynna at Vone upang manuod sa mga nagpapraktise ng sayaw dun sa hallway ng kanilang school.
Nang makarating sila doon ay agad silang umupo sa pader na bato na harang sa gilid ng halamanan. At nanuod sa mga 2nd Year Student na nagpapraktise ng sayaw. - Author
-Ryle’s Side-
“ at dahil boring ang huling klase namin ay napagpasyahan kong sumama sa iba kong kaklase para tumambay sa hallway ng school namin. Sa kalayuan ay agad kong nakita si Ynna kasama ni Vone na nanunuod sa mga 2yr student. Agad kong niyaya ang mga kaklase ko na dun umupo kung saan katapat namin sila ynna.”- Ryle
Pasulyap sulyap si Ryle kay Ynna na kung saan kaharap lng ng kinauupuan niya. Habang si Ynna naman ay dinedma lang ito kahit alam niyang nakatingin si Ryle sa kanya. Mga ilang minuto pa ay tumayo na sila Ynna at Vone para bumalik sa kanilang room. Agad naman itong kinalungkot ni Ryle dahil, masayang masaya ito na pinagmamasdan niya ang dalaga na kanina’y nasa harap niya lang.- Author
“ Tara pre dun tayo tambay kila Rolyn”- (Pagyaya nito sa kanyang tropa) Ryle
“ Tara (at agad agad silang nagtayuan)” - Tropa niya
Saktong pag punta nila sa room ni Rolyn ay nakatambay din ang mga ito sa labas ng room nila. Agad naman siyang dumungaw sa loob para hanapin si Ynna. At agad niya itong nakita na nakatungo sa lamesa ng upuan nito.- Author
“ napag pasyahan ko na magtext kay Ynna, dahil muka itong malungkot” - Ryle
“ Hi ?” - (text niya kay Ynna) Ryle
“ Ynna?.”- (text niya ulit kay Ynna) Ryle
“ Uyy,. Bakit?.” - (reply ni ynna sa kanya)
“ Wala lang, bakit ang lungkot mo?.”- Ryle
Lumingon lingon si Ynna bago mag reply at ng makita niya na nasa labas ng room nila si Ryle ay agad niya itong kinagulat.- Author
“ huh,! Hindi ah inaantok lang ako.” - Ynna
“ ayy., kala ko malungkot ka eh hehehe.” - Ryle
... end of their conversation ...
Mga ilang oras lang ay nag si labasan na ang mga studyante dahil uwian na, gustong gustong ihatid ni Ryle si Ynna kaso di niya alam kung paano ito magpapaalam kay Ynna. Ni hindi man lang kase ito nagreply sa huling text niya. Kaya’t napag pasiyahan niyang humingi ng tulong sa isa niya tropa para samahan ito na ihatid si Ynna dahil nahihiya itong sabihin kay Ynna. Inabangan ni Ryle at kanyang tropa si Ynna sa labas ng gate ng school. - Author