"Let's go home, Leigh." Dumilat ako at sinapo ang pisngi, kanina pa akong tumahan at nakasubsob sa kaniyang tiyan. Marahan niyang hinahaplos ang likuran ng ulo ko habang malalim na humihinga. My eyes are sore and my throat is aching, I realized what happened and got embarrassed. He just saw me crying. Inabot niya ang tumbler kong nasa dashboard at binuksan. "Drink." Walang reklamo ko siyang sinunod pero kunti lang ang ininom ko. Agad ko ring iniwas ang mukha, sinubukan niyang punasan ang pisngi ko pero tinalikuran ko siya. Hindi pa ako tuluyang kumakalma, masama pa rin ang loob ko kahit na gano'n na ang nangyari. Napabuntong-hininga siya at hindi na rin ako pinilit. Lumapit sa'min ang driver ng SUV na muntik ko ng mabangga at ilang minuto silang nag-usap. "Pasensiya na po, medyo h

