Chapter 5

1850 Words
I arched my brows at Edcharl, can't help but scoff. Akala mo naman sinong concern kung pangaralan ako. Hindi naman ako agad mamamatay, Edcharl. Ngumuso siya at tinignan ang bahay ko, lalong umangat ang kilay ko nang napabuntong-hininga siya. Ang laki yata ng problema niya? "Hindi naman siguro ako mamamatay sa gutom, as you can see, isang buwan na akong nag-iisa rito. Buhay pa naman ako," sagot ko at umiling. "And besides, I don't need anyone to accompany me. I'm fine alone, I may not know how to cook but I'll study it. It's easy." "Really?" Agad niyang sabi, duda sa'kin. "If it's easy then why didn't you study it a long time ago? Were you that busy? Busier with men, maybe?" "Maybe, I have assistants so why bother cooking? I can just hang out men and have fun." He prodded his lips and clicked his tongue afterwards, sounding disappointed of me. What now? It's not like I'm impressing anyone. He sighed and glanced back at his car. Why don't he just go inside his zone? "How will you study cooking, anyway?" "I'll watch tutorials, I'm a fast learner so it would be easy." His amused eyes landed at me and the awkward smirk in his lips defined his expression. He don't believe me! Napairap ako, papasok na lang sana ako sa gate nang pigilan niya. "Hindi healthy na palaging fast food kinakain mo, Leigh. Model ka pa naman." "And? Problema ko na 'yan, Edcharl." "Ang suplada talaga. Magluluto ka na ba bukas? Kasi 'di ba, mag-aaral kang magluto." Binalingan ko siya at tinitigang mabuti, mukha siyang stress at pagod sa trabaho kaya hindi ko maintindihan bakit may oras pa siyang asarin ako. Tinabig ko ang kamay niya sa braso ko. "Oo, madali lang naman magluto." "Sure kang madali? Maybe you've forgotten, but let me remind you that cooking was never easy. Especially for you, remember when I taught you how to cook before?" He chuckled out of amusement, I gritted my teeth upon realization that he's really making fun of me. He don't want to believe me because he knew all along that it will be hard for me. That past, I loathe it. "Well, iba na ngayon, Edcharl!" "How different, Leigh? What if you'll burn the whole kitchen?" "I won't, pwede ba? Umalis ka na nga lang bwesit ka." Agad akong pumasok sa gate at ni-lock, hanggang leeg ko ang gate habang hanggang balikat niya lang 'to. Dumungaw siya sa'kin at ngumisi, nang-aasaran. "Pikon ka pa rin." "f**k off, Saldivar. Just f**k off." "Anong oras ka nagigising? Anong oras ka rin magluluto? Baka kapag nagluto ka bukas biglang umamoy 'tong bahay mo, madamay pati bahay ko." "Edi babayaran ko, Edcharl! Babayaran ko, alis na nga nabubwesit ako sa'yo." Teacher ba talaga siya? Bakit sobrang annoying? Nagdadabog akong pumasok at hinain sa mesa ang hapunan. Dinala ko rin sa sala ang tray para roon kumain habang nanunuod ng TV. Bored na bored na talaga ako sa bahay na 'to. I'm bored not because I'm alone, I actually like it. I like being alone rather than being surrounded by people. But I also like adventures. I like exciting things, I love freedom. I love the feeling of being free to do whatever I want without someone limiting me. But sometimes, no matter how hyperactive I may be, I still seek for isolation. And tonight I'm bored because I can't go shopping like I usually do. The next morning, I woke up early to cook my breakfast. I've watched enough tutorials last night to cook an ordinary dish. I wore my apron and washed the veges, chopped up the meat and readied the stove. Sinalang ko ang kawali at pinainit, nang mainit na saka ko nilagyan ng mantika. Sunod ay garlic at onions saka ko hinalo. Para mas mabilis ay nilakasan ko ang apoy, hindi ko makontrol kaya hinayaan ko na lang na lagpas na sa bunganga ng kawali. Tulad ng napanuod ko ay isahang nilagay ko lahat ng karne ng baboy sa kawali. Biglang umusok at mabilis na nag-iba ang kulay ng karne kaya agad kong hinalo. Madali lang naman at sinunod ko naman ang napanuod kagabi, maayos naman sa tingin ko. Kaya napatili ako sa gulat nang biglang pumasok ang apoy sa kawali at lumagablab pa. Napaatras ako at napatili sa kaba, parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko at natataranta akong tumingin sa paligid. Hindi ko alam ang gagawin, mas lumakas at tumaas ang apoy kaya lalo akong kinabahan. Ito na ba 'yon? Iyong masusunog ang bahay? Oh my gosh! I just followed the tutorials! Mga peke naman pala 'yon, bakit hindi naging maayos 'to? "Damn it, stop burning!" Sa init parang nasusunog ang balat ko, binitawan ko ang sandok at aktong lalapit sa stove para patayin 'yon nang may humila sa'kin. Nagulat ako nang makita ang seryusong mukha ni Edcharl. Why is he here? And how did he get here? I locked the door. "Tumabi ka," saad niya at nilagay ako sa likuran. Sobrang lakas pa rin ng t***k ng puso ko dahil sa kaba at hiya na rin, bakit kailangan niyang makita ang kamalasan ko? Nagmalaki pa naman ako sa kaniya kahapon. "Baka mapaso ka," nag-aalalang sabi ko, pero 'di niya ako pinansin. Pinatay niya ang stove at nilagyan ng tubig ang kawali saka tinakpan ng takip ng kaldero. Unti-unting humupa ang apoy at natira ang usok nito. Napabuntong-hininga siya at kagat labing bumaling sa'kin, kinagat ko ang labi nang maramdaman ang lamig ng titig niya. I can almost read the disappointment in his face, perhaps he's laughing in his head right now. He's laughing at me. I gritted my and realized I'm still clinging in his arm. I immediately let him go and averted my gaze at the doorway. Where the hell did he come? "This is what I was saying," pauna niyang sabi. "You should get a formal cooking class, you can't do it alone." "Are you saying I'm not capable of learning cooking?" Bwelta ko, naiinis. "No, what I'm saying is that you need an assistance or you'll get yourself in trouble. Bakit nga ba wala kang kasama at nandito ka? Hindi ba hindi ka sanay sa ganitong simpleng buhay? Ayaw mo nga." Kinunutan ko siya ng nuo at masamang tinignan. "Wala kang pakialam, okay? Kaya ko, nagulat lang ako. Nabigla lang ako kasi hindi naman gano'n ang napanuod ko." "Kasi marunong sila, at baka mali ang pagkakasunod mo," sagot niya. Napairap ako sa inis at hiya, napabuntong-hininga siya ulit at tinignan ang mga kalat ko. Lalo akong nahiya, tapos nakita kong natatawa siya. Ang sarap saktan nitong lalaki na 'to, natatawa pa talaga siya. "Akala ko ba madali lang?" Dagdag niya at dinilaan ang labi. Nanggigigil ko siyang binangga at mabilis niligpit ang kalat. Mamaya ko na lang 'to aayusin, mago-order na lang ulit ako ng pagkain. Nakakaasar, sayang ang karne. Ang dami kong pinanuod kagabi wala naman palang kwenta mga 'yon. Bakit ba nagkagano'n? Maayos ko namang sinunod ang procedure, ah. "Madali lang, nagulat lang ako, okay? Next time I'll do it better." "Kailan ulit at ng makapaghanda ako." "Ewan ko, Edcharl. H'wag mo nga akong pakialam, umuwi ka na!" Singhal ko. "Saan ka pala dumaan? At bakit ba nandito ka?" Tinaasan niya ako ng kilay at dismayado siyang napailing. Hindi ko makuha bakit sobrang disappointed siya. Yes, I'm disappointing in this part but I hate to see it in his face. Like as if I did all the worse thing. "Wala ka talagang character development, Leigh. You can't even say thank you, you can't even lower your pride even when you're in a situation like this. Imbis magpasalamat, ganiyan ka pa." Nagusot ang mukha ko at nairita sa sinabi niya, hindi 'yon ang sagot sa tanong ko pero kung ano-ano pinagsasabi niya. Inis ko siyang hinarap at malamig na tinignan, masama na ang ugali ko kung masama. Sa iba kaya kong magpasalamat pero hindi sa kaniya. Hindi sa taong minamaliit ako, ngayon pa talaga. "You want a thank you?" Hindi siya sumagot at tinignan lang ako, walang emosyon ang mukha. "So you want a thank you, Edcharl? Tell me, tell me and I'll say it." "No need, I don't need it anyway." "Ayan naman pala, so bakit ka nga nandito? Saan ka dumaan? Kung mang-iinsulto ka rin lang sana hindi ka na pumunta rito." "I'm not insulting you, Leigh." "Ah, talaga? Okay, let's say you're not. Pabida!" "May paso ka ba?" Imbis lumaban ay tanong niya. Napairap ako, mukha ba akong may paso? Bakit ba niya iniiba ang usapan? Ayaw niya makibardagulan, gano'n? Fine, mae-stress lang ako niyan. "Saan ka dumaan? Ni-lock ko ang pinto, ah." "Patingin kung may paso ka, kailangan gamutin 'yan." "Wala, Edcharl. Just answer me." "I heard your scream, ang lakas. Nagmamadali ako kaya sa terrace ako dumaan. Tinalon ko na kasi mala—" "What? Sa terrace!?" Nanlaki ang mga mata ko, inisip ko agad kung magkalapit ba ang terrace namin. Parang hindi naman, at kung sa terrace siya dumaan edi dumaan siya sa kwarto ko. Great, he trespassed! "You're trespassing." "I came into your rescue, tsk. Ngayong wala kang agahan, mago-order ka naman ba ng pagkain?" "Pakialam mo?" Umirap ako ulit, pang-ilang irap ko na ba 'to. Pinunasan ko ang kamay at tinuro ang sala. "Lumabas ka na, h'wag mo na akong pakialaman at baka may klase ka pa po, sir." Suplado rin siyang umirap kaya napatanga ako, matabang akong tumawa at sinundan siya para siguraduhing aalisin talaga siya. Pero nang nasa pinto na ay tumigil siya at tumingin sa'kin. "What now? Go on, leave. Matutulog pa ako." He stared at me for about three minutes, eyes void and face straight. Then, he heaved deeply and smiled. "Why don't you join me in my breakfast instead? I'm preparing for my meal." "Excuse me? And why would I join you?" Mataray kong sagot at namewang. He chuckled and tossed my body a stare, I glared at him and pushed him out. But he caught my wrist and gripped it, slightly tight. Parehong naningkit ang mata namin sa isa't-isa, ako, naiinis ako habang siya natutuwa. "Kaysa naman o-order ka ulit online, hindi ka ba nagsasawang paulit-ulit lang ang pagkain mo?" Hindi ako sumagot kasi sawang-sawa na ako, mabilis akong magsawa. "Bayaran mo na lang, isipin mong sa'kin ka o-order. Tutal ayaw mo ng libre, ayaw mong may utang na loob ka. Edi bayaran mo, Leigh." Lalong naningkit ang mata ko, magandang offer 'yan pero bakit naman ako makikikain sa kaniya? Hello? In my ex's house, kakain ako? No thanks, I'd rather die. "No way, ayoko." "Why?" "Just because, Edcharl. Ayoko, matututo rin ako magluto." "For once, lower your pride, Leigh. Bakit ayaw mo? Galit ka ba sa'kin? May hinanakit?" Ngumisi siya. "O baka naman may nararamdaman ka pa kaya ayaw mo?" "Excuse me?" Binawi ko ang kamay at tinulak siya. "Hindi naman kita minahal, sayang lang ang oras ko kung magagalit ako sa'yo. So why would I?" "Kung gano'n, patunayan mo. Join me in my breakfast and I'll believe you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD