Sa dami ng ulam parang tiyan ko na lang ang susuko, sobrang daming niluto ng ate ni Edcharl. On diet ako dahil sa photoshoot sa Wednesday pero mukhang magge-gym ako bukas, ah. "Kain ka pa, Leigh. Naku, niluto ko talaga 'yan para sa'yo. Minsan na lang kasi magdala ng kaibigan dito si Ed kaya na-excite ako." "Ang sarap po." Hindi ko matanggihan, masyadong mabait ang kapatid ni Edcharl. We cater foods for our visitors but she caters too much for me. Naramdaman kong bumaba ang kamay ni Edcharl sa tuhod ko at humaplos 'yon ng mabagal. Palihim ko siyang pinandilatan ng mata, pero nakangiti lang siya. "Ate, baka busog na siya. Saka on diet siya." "Ha? E bakit hindi mo sinabi agad?" Ang kapatid niya at tinignan ako. "Pero hindi naman siguro maapektuhan ang diet mo kung kakain ka ng marami mi

