Nakangusong umirap si Edcharl nang napilit ko siyang lumabas kami para kumain. Isang babae ang kumatok sa'min at hindi ko pa siya nakita kailanman dito, siguro ay baguhan. Nagulat din siya nang lumabas kami na para bang hindi niya naman inasahan na lalabas nga kami. "Ah, ma'am..." "Thank you," I said softly. Edcharl sighed and his hand immediately rested in my waist. Saglit niya lang sinulyapan ang babae na nakatunganga sa'min. Dahil medyo marami ang workers sa araw na 'yon ay sa labas kumain ang iba at sa loob naman kami ng barn house. Tatlo ang barn house sa buong lupain, para iyon sa mga trabahante para hindi na sila bumalik sa kubo para magpahinga sa tanghali. We had vegetables, fishes, fruits at tuyo. May sabaw rin at maraming kamatis na sawsawan. Naglaway ako nang makita 'yong

