Nakaramdam pa rin ako ng takot kahit na galit na galit ako kanina. Hinawakan ko ang malaking tiyan at napaayos ng upo, hindi ko alam kung anong oras na pero nawala ang antok ko nang makita ang madilim, galit at seryusong mukha ni Edcharl na kapapasok lang. It seems he opened the door by force, or maybe he realized that he has a spare key anyway. Diritso siyang lumapit sa akin, galit at mabibigat ang hakbang. Nakasunod naman sa kaniya ang paningin ko, sa bawat hakbang at yabag niya na nakakapanghina. His eyebrows are furrowed and his eyes are sharp, his lips forming a grim line. "Why did you lock the door? You know I was outside and I said I will be back. Pero nang bumalik ako naka-lock na at buti na lang hindi ko pa napapasok dito ang gamit ko. Kung sakali ay wala akong spare keys at sa

