"Thank you," nakangiti kong pasalamat sa waitress. Saglit pa 'tong tumingin sa'kin bago sinipat si Edcharl saka umalis. Kinagat ko ang labi at tumikhim, kanina pa kaming nagtititigan at hindi na ako mapakali. Natatawa na talaga ako. Kanina pa siyang nakanguso lang at nakatingin sa'kin, namumungay ang mata niya pero matalim pa ring tignan at sobrang tahimik niya. Kanina pa talaga siyang ganiyan. "Come on, let's eat!" I said excitedly. Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa kaniyang labi at umayos siya ng upo. Kumuha ako ng sea food at kinain 'yon habang nakangising nakatingin sa kaniya. His lips pursed and his eyes traveled from my foods to me. He chuckled softly then. "Masarap?" "Hmm, it's yummy, Edcharl." Kumuha rin siya ng sea food at tinikman, nakatingin siya sa'kin habang kalm

