Nakanguso akong umirap sa kapatid ko, lagot 'to sa'kin mamaya. Kinakausap pa ako ng mga lalaking kaibigan ni Edcharl nang hilahin niya ako paakyat. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napatili siya. "Ate naman?" "Ate naman? Masasakal kita mamaya, Yula! Bakit hindi mo sinabing dito pala tayo pupunta?" Ngumuso siya. "Kapag sinabi ko, sasama ka ba?" "Tsk." "Nandito na naman tayo, hayaan na! Halika sa taas!" Pumasok kami sa sala at agad kong napansin ang pagbabago ng mga gamit. Mas gumanda ang sala at bago ang iilang gamit, may design sa dingding at maraming bulaklak sa base. May nagluluto rin sa kusina at naririnig ko ang malakas na tawa ng kapatid ni Edcharl mula roon. "Ate, nandito na po kami." "Oh, Yula? Saan ang..." Nanlaki ang mata ni ate nang makita ako. "Leigh? Omy, bata ka. Na

