Umuwi na rin kami dahil tapos na naman ang palabas. Hindi na nakapag-presenta si Archie na ihatid ako tulad ng plano dahil halata namang si Edcharl ang kasama ko. Nang sumunod na araw ay maayos naman, wala na siyang problema kay Archie dahil kusa na 'tong dumistansiya. Ilang araw ring tahimik si Archie at inuobserbahan lang kami tuwing sinusundo ako ni Edcharl. Nang Christmas break madalas kaming magkita at mamasyal. Minsan pumupunta rin kami sa bahay nila, madalas kasama namin sina Jaden. "Wala si ate," nakangising saad ni Edcharl. Kumakain ako ng chocolate cake at nakaupo sa kabisera ng hapag-kainan. Nagtaas ako ng kilay at dinilaan ang chocolate sa likuran ng maliit na kutsara habang nakatingin sa kaniya. He grinned and sashayed towards me from the fridge, he's wearing a plain whi

