Lumabas ako ng kwarto ng hating gabi para tignan ang nangyayari sa labas. Matapos kasi naming maligo ni Edcharl ay nakatulog agad ako. Wala na siya kaya malamang siya na ang humarap sa mga bisita namin kanina. Nadatnan kong nakahilata si Yula sa couch namin at nanunuod ng movie habang kumakain ng biscuit. Napangisi siya nang makita ako at agad siyang umupo. Maliban sa kaniya ay walang ibang tao sa loob ng bahay at nasa labas ang lahat. "Gising ka na pala, ate. Ano? Kamusta pakiramdam mo? Sabi ni Edcharl nakatulog ka raw sa pagod." May nakakaluko siyang ngisi at nakataas pa ang kilay habang ngumunguya. Nagtaas din ako ng kilay at kumuha sa popcorn na nasa center table. "Anong pagod naman kaya? Sobrang napagod ka ba sa kasal niyo at sa pakikiharap sa mga bisita kanina?" Dugtong niya at

