"Naluto na, kain na tayo!" Masigla akong tumalon pababa mula sa island counter nang maluto na ang ulam namin. Umatras si Edcharl para bigyan ako ng space at tignan ang niluluto niya. Kanina pa siyang pabalik-balik sa'kin, kapag may sinasahog siya sa nilulutong manok, babalik din sa'kin agad. "Alright, get the plates." "Sure, sir." Kumuha agad ako ng plates at hinanda ang mesa, pang-anim ang mesa kaya medyo malaki at malawak. Nilapag niya sa mesa ang ulam at kanin at kumuha ng drinks sa fridge. We ate merrily while teasing each other. Nagbihis ako ng bikini pagkatapos dahil maliligo talaga ako, isang taon na akong hindi nakaligo sa dagat, e. Pinapanuod niya lang akong excited na nagbibihis, nakangiti siya sa gilid ng kwarto at pinapanuod ako. "Ano pang hinihintay mo? Bihis ka na rin!

