THIRTY THREE

2080 Words

Hindi maipaliwanag ang pagkairita na nararamdaman ni Nairam. Nanggagalaiti siya. Kumukulo ang dugo kay Dasano. Sana pala ay totoong binali niya ang kamay nito o hindi naman kaya ay pinagsisipa ang alaga nito hanggang sa hindi na ito makalakad. Ang bastos na lalaking iyon ang dahilan ngayon kung bakit nasira ang araw niya at buong magdamag nang nakakulong sa kuwarto. Kinatok siya ni Miego kanina at dinalhan ng pagkain, ngunit dahil sa inis niya, umabot na ngayon alas tres na ng hapon ay hindi pa rin niya nakakakain ang dapat sana'y tanghalian. Hayun at hindi pa rin nagagalaw sa ibabaw ng trolley. Hindi siya mapakali habang naka-indian seat sa kama. Nakakagat na nga niya ang sariling kuko sa kamay habang nakatitig sa kaniyang cellphone. Nagsimula siyang mag-type roon. Mirkov, hinalikan ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD