TWENTY SEVEN

1725 Words

"s**t!" Mirkov groaned. Nasapo niya ang sumasakit na ulo. Paulit-ulit pa siyang nagmura dahil dinadagdagan ng nag-iingay niyang cellphone ang sakit ng ulo niyang iyon. Inabot niya cellphone na nakapatong lamang malapit sa lampshade. Muntik pa niya iyong mabitawan dahil halos nakasara pa ang kaniyang mga mata. Hindi kasi niya alam kung anong oras siya nakatulog. He is suffering from hangover. Ginawa kasi niyang tubig ang koleksiyon niya nang alak matapos ang pag-aaway nila ni Nairam sa teresa. Ilang taon din niyang inipon ang koleksiyon niyang iyon; mga alak mula sa bawat bansa na kaniyang napupuntahan. Ngunit isang pagsasagutan lamang pala ng babaeng minamahal ang magpapabukas sa kaniya ng mga iyon. At ngayon, heto siya, parang isang criminal na nagtatago mula sa mga pulis. "f**k off."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD