s**t! Sunud-sunod ang naging pagmura ni Nairam sa kaniyang isip nang makita ang galit na mukha ni Mr. Whale. Sa likod nito ay dalawang matangkad at malaki ang katawa na mga lalaki; ang mga pinagkakatiwalaan kanang kamay ng butanding na ni minsan ay hindi pa niya nalaman ang pangalan sa tinagal-tagal niya sa sirko. "Nairam! Buboy!" Halos dumagundong ang boses nito sa buong kalye, dahilan upang matigilan din ang ilang mamimili at mga turista. Nang tuluyan itong makalapit ay marahas nitong hinatak ang braso niya. Halos mabali ng mataba nitong kamay ang patpatin niyang braso. Magalang na ngumiti ang matabang lalaki sa guwardiya ngunit marahas naman siyang hinatak. This world is really unfair. Nabibigyan ng galang ang mga nakasuot ng uniporme. At ang mga katulad nilang madumi at amoy-isda ang

