NARRA POV
"Mama! Alis napo kami!.." Sigaw ko habang nakatingin kay Zynarra na inaayos yung brace niya.
"Hindi ba talaga kayo magpapahatid sakin?" Sabi ni mama. Hayyy. Eto nanaman tayo.
"Some other time nalang po mama. I promise!" Sabi ni Zynarra at tinaas pa ang kamay. Mama just sighed, kase alam niyanna wala na siyang magagawa hihi...
"Oh sige, magiingat nalang kayo." Sabi niya at hinalikan na kami sa nuo.
Pagkalabas naman namin ay may jeep agad na dumaan kaya madali lang kaming nakapunta sa UPU.
And by the way, si Mama Nicole Del Fuego ang kumupkop samin ni Arra nung 3 years old palang kami..
Ulila na kase kami.. Hindi namin alam kung sadya ba yun ng mga magulang namin o hindi..
Ang kwento kase samin ni mama Nicole nakita niya kami sa isang kotse at umiiyak.. Kaya ayun kinuha niya na kami at inilayo doon..
At ang paulit ulit daw naming sinasabi ay Umma, Appa at Oppa.. At korean words yun kaya siguro para kaming may lahit koreana.
Nang makababa na kami ay may humarang naman saming 4 na babae.
Kung minamalas nga naman..
"Well.well.well,look who's here.." Sabay sabay nilang sabi. Wews,scripted.
"Low class." sabi naman ni Tracey Lee(Campus Queen) qLittle sister ni Zander Lee 1 year lang ang agwat nila pareho pero parehas silang 4th year highschool.. And hindi ko alam kung bakit.
"Loser. ".And siya naman ay si Tiffany Heart(Campus Queen)
Bigla namang may pumagitna saamin.. Mika and Zia..
"Huh! Look who's talking.." asik naman ni Mika.
"Oh.. so kinakampihan moyang dalawang yan? Yuck! ew! ew! I can't believe it." habang pinapagpag kunwari ang kamay niya.. and siya naman ay si Abby Salvador(Campus Princess) little sister ni Lance Salvador, like Zander and Tracey ganon din sila..
"Hay nako Nerds i pity you.. san niyo ba nakuha yang mukha niyo? Sa aso? Hahahaha"bigla silang nagtawanang apat psh.. mga baliw and siya naman ay si Natasha Vi(Campus Princess)
"You biatch!." Galit na asik ni Zia at akmang susugod na ng..
ARRA POV
"Oh my gosh!"
"Ang Campus Kings and Princes!"
"Ang mga royalties!"
"Ang gwagwapo niyo!!"
"Sakin nalang kayoo!!"
"Mamamatay na akoo!"
Mamatay?! Ang oa naman!
Pero.. Ang gwapo talaga ni Jason..
Papasok na sana sila kaso..
"Lance!/Zander!/Dwayne!/Jason!" Sabay sabay na sigaw ng girl royalties kaya napalingon sila sa gawi namin at biglang lumapit..
"Oh little Sis!" Sabay na sigaw ni Zander at Lance pero hindi sila pinansin nito..
Si Tracey pumulupot sa braso ni Dwayne na naka Poker Face lang. Grabe? Parang higad?
Si Tiffany pumulupot din sa braso ni Jason na naka Poker Face lang din. Kadiri! Pano na ako? Insert crying emoji please.
Si Abby ganon din ang ginawa kay Zander na nakangisi at ganon narin si Natasha at Lance..
"Ts. Malalandi.." Rinig kong bulong ni Zia kaya hihilain na sana kami ni Narra ng biglang magsalita si Lance.
'What's happening here?"tanong ni Lance habang nakatingin sa nakababata niyang kapatid..
"Huwaaaa! Kuyaa! Silang apat! Inaaway kami!" Sumbong na sigaw niya kay Lance.. Kaya pinagtitinginan kami habang bumubulong ng,
"Hala, ang kakapal naman ng mukha nila!"
Like that etc.
"Wow ha! So kami na ngayon!? Kayo nga lapit ng lapit dyan w****s!" Sigaw pabalik ni Mika kay Abby habang tinuturo neto ang mga kasama neto.. Pero agree ako don.
"Kayong tatlo tara na." Marahang sabi ni Narra at hinila na kami isa isa..
NARRA POV
"Good morning class!"sabi ng prof namin sa history si Miss Cruz(Miss Cruz.)i think nasa twentys pa siya...
"Good Morning Miss!" Sabay sabay naming sabi..
" I have a surprise for you class." Sabi niya habang nakangiti ng malapad. Nagsigawan naman sila at sabay sabi ng, 'Yes!'
"We will have a graded recitation. Surprise!" She said at nginisian kaming lahat. What a surprise.
Madaming nag reklamo or halos lahat ata. Well,surprise nga daw e.
"Quiet! Don't worry, madali lang to. " Nakangiting sabi niya. Kung siya nalang kaya sumagot? Madali lang daw e.
"First question, what is the control center of the cell? Miss Salvador? "Gulat namang napatingin si Abby kay miss Cruz.. Then she just shrugged.
"My gosh!? Nung Elementary palang kayo itinuro nayan!" Oh uh.. bad mood na si miss.
"What is the powerhouse of the cell?"
"Mitochondria Miss!"Energetic na sagot ni Zia sabay irap kay Abby. Nalukot naman yung mukha ni Abby dahil sa pagkapahiya.
"Verry good Miss Smith, Next! What part of the cell help to sequester waste products? Miss Vi?"
"I don't know, miss ." Bagot niyang sabi.. Eh!?
"Oh gosh! Maaga akong tatanda sainyo! Miss Takashi!" Turo niya kay Mika mainit na ulo niya.. Obvious naman..
"Vacuole miss!" Confident na sambiy ni Mika, napairap nman si Natasha saka sinamaan ng tingin ni Mika.. Uso naman kase atang magaral.
"Verry good! Miss Takashi! Next Question! What is the gelatinous liquid inside the cell? Miss. Heart?"
"Nucleoplasm Miss!" confident niyang sabi.. Wait.. Nucleoplasm!?
ARRA POV
"Nucleoplasm Miss!" Nucleoplasm? Aral din pag may time. Palihim nalang akong napairap.
"Wrong. Its cytoplasm miss Heart. You're wrong. " Sambit ni maam and tumingin na sa relo niya.
"Okay lets have early dismissal, meron pa kaming meeting later sa faculty. Class! Review okay! We will have a surprise quiz this week. okay good bye." She said at lumabas na. Agad namang tumayo yung mga Girl royalties at lumapit saamin..
"Mga sipsip! If i know nagchecheat lang kayo!" Inis na sambit ni Abby at sinamaan kami ng tingin.
"Agree girl! " Sabi naman ni Tracey habang nakangisi.
"Oh really? Nagtataka nga ako kung paano kayo nakapasok sa section 1." Mika said at parang nagiisip.
"Well, at the second taught, maybe you guys paid or blackmailed the principal to passed and to be a royalty wanna be na ni PMDAS sa math hindi pa alam kung paano masolve!" Sabi ni Mika at isa isa silang inirapan. Natawa naman si Zia.
"No wonder, mukha nangang palaka, utak bagoong pa." Sabi rin ni Zia at hinila na kami. Burn!
"Their face was priceless!" Natatawang sabi ni Narra habang nakahawak pa sa tiyan.
" Ugh! Bitches!"
"May araw rin kayo samin!"
"Bitches we're not done yet!"
"You'll pay for this!"
We just laughed at pumunta na sa cafeteria.
Nandito na kami sa cafeteria as always puro Negative comments yung binabato nila samin..
"Guys me and Mika will order lang ha. Ano ba like niyo? Zia ask at sinabi naman namin kung anong gusto namin at umalis na sila..
"Andyan na ang mga Royalties!" oh no.. Here we go again..
"Ang Campus Royalties!!"
"Bagay sila!!"
"Omo!!"
"Favorite couple!"
Sigawan nila, and what favorite couple? Couple ba sila?
Kala ko panaman ayaw ng Prince and Kings sakanila.. Except kay Lee and Salvador syempre.. brother and sister sila eh..
Nang makaupo na yung Queens and Princesses biglang tumayo sila Jason.. At dito sa dereksyon namin naglakad.. Hala!?
"Omygod! Don't tell me pupunta sila sa mga nerd nayon?"
"Omg! Mamatay nakoo!" Sige mamatay kana.
" What the!" F?
"I need air!" Me too insert crying emoji.
"Uhm .. pwedeng makishare,?" Tanong ni Zanderp sabay kindat. Ang gwapo niya rin kaso mas gwapo si Jason--! Eh!? Erase Erase!..
"H-ha? Hala, may kasama k-kase kam--" sambit ni Narra habang nauutal nang.
"Sure! Of course pwede!" Nagulat naman ako sa biglaang sigaw ni ZIA! Oh my gosh!
At sabay sabay na silang umupo. And, huhu ayoko na! Insert crying emoji please.
Ngayon kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa kami pinaglalamayan.
Ang ganda--este ang p-pangit kase ng seating arrangement e!
Me|Jason|Zia/Lance
Table.......
Narra|Dwayne|Mika|Zander
Hindi ko alam kung nananadya ba sila or what. Basta ang importante katabi o siya!
To be continue.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~••~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
_sandra