"I Love You To The Moon
and Back."
.
.
....... ...... ...... ...... ...... .......
.
.
Ilang araw narin kaming ganito para kaming nagpapaten-tenrong dalawa. Tuwing malalapit ako sa kanya sinisigawan at pinaaalis niya ako kaya hindi ko siya makausap. Ayaw na ayaw niyang nalalapit ako sa kanya. Para bang may nakakahawa akung sakit at diring diri siya sa akin.
Kaya sa malayo ko nalang siya pinagmamasdan. Matangkad siya, matangos ang ilong niya, maganda ang kulay abuhin niyang mga mata na pinarisan ng mahaba at malalantik na pilik mata. Namana niya sa Irish niyang Lola ang kulay ng mga mata niya. Half american half Filipino naman ang lolo niya. Kaya tama ang isang salitang gwapo talaga siya at hinahangaan ng maraming ebang tulad ko at nangangarap na pansinin niya. Bata palang kami marami ng nakakagustong babae sa kanya. Isa na ako doon na nagmahal sa kanya na habang tumatagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman kung pagmamahal sa kanya, hanggang ngayon. Pero ni hindi ko siya malapitan hindi ko rin makausap ng matino laging pasigaw kung kausapin niya ako. Pero asawa ko siya at mahal na mahal ko siya. Kaya ako na yata ang pinaka swerteng babae sa mundo dahil asawa ko siya at akin lang siya.
Kumakain akong mag-isa na tanging toyo at mantika lang ang inuulam ko. Asawa ako ng isang CEO na kilalang magaling sa negosyo pero ganito ang buhay ko, kaya naluluha ako dahil kung kailan ako nag-asawa saka ko naranasan ang kumain ng walang ulam. Malaki nga ang bahay na tinitirhan ko wala naman lamang gamit. Kung tutousin kaya kung mabuhay ng maayus hindi ganito pero ayaw niya akung magtrabaho, hindi naman siya nagbibigay man lang ng pambili kahit sardinas o itlog para may ulam naman kami, ako lang pala, ang alam ko sa labas siya kumakain mag-isa dahil lumalabas siya. Sa madaling salita pakitang tao lang na magkasama kami sa iisang bubong para sa ikapapanatag ng kalooban ng mga magulang namin. Lalo na ang kanyang inang may sakit sa puso na hindi pweden ma-stress, hindi rin pwedeng mapagod, maraming bawal sa kanya, kaya ingat na ingat ang asawa ko na huwag makagawa ng ikasasama loob nito.
Titiisin ko lahat ng ito dahil alam kung sa una lang itong lahat. Umaasa akung isang araw magbabago din siya at tatanggapin din niya ako bilang asawa. Ayos lang kahit walang pagmamahal basta irespeto lang niya ako magiging maligaya na ako basta nasa tabi ko lang siya at nakikita sa araw araw, nakakasama sa iisang bubong.
"Hammer pwede ba akung humingi ng pera sayo kahit five hundred lang. Kung gusto mo babayaran ko rin." pakiusap ko sa kanyan. Nagmakita ko siyang nakaupo sa couch dito sa living room namin nasa kandungan niya ang laptop niya. Mukhang busy siya pero kailangan kung bumili ng sanitary napkin ko dahil kanina pa masakit ang aking puson. "Sige na bibili lang ako ng napkin at gamot masakit kasi 'yung puson ko." dagdag ko pa ng hindi siya tumitinag. Kaya naupo pa ako sa tabi niya at nakiramdam. Umaasang pagbibigyan niya ako sa aking hinihiling.
"What napkin? Ano namang pag-aaksayahan mo ng pera. Hindi ba sinabi ko nang kung ano lang meron dito yun lang ang sayo?" sigaw pa niya sakin pero hindi ako natinag dahil masakit talaga ang puson ko at kailangan kung makainum ng gamot.
"May monthly period kasi ako kaya kailangan ko bumili ng gamot sa sakit ng puson ko at sanitary napkin na gagamitin ko. Wala kasi akung stock nakalimutan kung bumili. Sige na kahit two hundred nalang." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Wala akung pakialam sayo kahit mamatay kapa d'yan. At hindi rin kita bibigyan ng pera kahit piso. Kaya lumayas ka na sa tabi ko at nabubuwesit na ako sa kaartehan mo. Inaabala mo lang ako, nakita mong may ginagawa ako. Alis na!" sigaw uli niya. Kaya nangiwi nalang ako dahil sa sakit ng puson ko. Tinutop ko nalang ng dalawang palad ko ang aking puson dahil tumitindi pa ang sakit nito.
"Sabi ng lumayas kana sa tabi ko. Hindi mo ako madadala sa drama. Layas!" sigaw niya sakin at malakas niya akung sinipa saking mga tuhod ng hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Kaya pasaldak akung nahulog sa sahig sa harap niya. "Lumayas ka na sa tabi ko!" mariin niya uling sigaw na ikinataranta ko.
Dahan-dahan akung gumabay sa bangko sa tabi ko para tumayo dahil mas lalo yatang sumakit ang puson ko sa pagkasaldak ko kaya lalo akung nangiwi dahil sa sakit. Nakita ko ring basa na sa pulang likido ang suot kung short na kulay puti na may design na maliliit na kulay dilaw na bulaklak. Kaya nangingibabaw ang basang kulay pula nito at nanlalangkit narin ako.
Tukop-tukop ko ang aking puson habang marahang naglalakad ng nakabaluktot ang katawan paakyat sa hagdanan papunta sa aking silid. Pagpasok ko saking kwarto naghanap nalang ako ng pwede kung gamitin upang hindi naman ako mapuno. Hirap na hirap akung nagpunta papasok sa cr para maglinis ng katawan ko. Hindi naman ako sanay sa ganito pero kailangang kung tiisin may asawa na ako at iba na buhay ko ngayon hindi tulad ng dating nabibili ko lahat ng gusto ko. At dahil mahal na mahal ko siya kahit nagagalit siya sa akin hindi ko paring magawang magalit at sumbatan siya.
Maghapon akung nagkulong saking silid nakahiga lang ako saking kama at tinitiis ang sakit, at paminsan minsan dinidiinan ko ng bahagya ang akin tiyan dahil sa sakit. Dahil hindi ako nakainum man lang ng gamot, kung bakit kasi nakalimutan kung bumili. Lahat ng ito'y kaya kung tiisin dahil mahal ko ang aking asawa baka sa ganitong paraan maawa at matutunan din niya akung mahalin kahit konti lang.
"Malalakas na katok sa pinto ang nagpabalikwas sakin sa pagkakahiga ko sa kama. Kaya may pagmamadali kung tinungo ang pinto para pagbuksan siya.
"You b***h, get out of your room now. Napakatamad mo talaga nakahilata ka lang maghapon, wala ka ng ginawa kung hindi magkulong sa kwarto mo at matulog maghapon. Bumababa kana at magluto may darating akung mga bisita." sigaw niya sakin. Nakaramdam naman ako ng kunting saya dahil ipagluluto ko siya, kakain kaming dalawa.
"Sandali lang mag-aayus lang ako." aniko dahil hindi pa nga ako nakakapagsuklay ng buhok.
"Subukan mong bumalik sa kwarto mo at makakatikim kana sakin. Sino bang gusto mong landiin at kailangan mo pang mag-ayus huh? kahit naman mag-ayus kapa mukha ka paring basahan. Sige na baba na at baka dumating na mga kaibigan ko." aniya at itinulak pa niya ako saking likod na muntik ko nanamang ikasubsub. Buong akala ko pa naman para sa amin ang pinaluluto niya.
Nakita kung marami siyang pinamili may karneng baboy at baka meron ding manok. May mga alak din. Ibig dabihin mag-iinuman sila. Una kung inilagay ang mga alak sa fridge para mamaya malamig na.
"Huwag na huwag mong babawasan ang mga binili ko, at hindi para sayo 'yan." Mariing niyang asik sa may likuran ko na kamuntikan ko pa mabitiwan ang bote na alak na hawak ko.
Sa nalaman kung para sa mga bisita lang niya ang mga binili niyang mga pagkain tinabangan akung magluto na para bang hindi ko alam kung anung uunahin kung gawin. Biglang nagrambol ang utak ko.
"Hammer anong bang luto ang gagawin dito? Hindi naman ako magaling magluto." Pagsisinungaling ko, hindi ko alam kung paniniwalaan ba niya ako. Nakita kung nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay.
"Ano!? Hindi ka marunong magluto nagawa mo nga paikutin ang ulo ni Mommy magluto lang hindi mo alam, pero pag sa kalandian magaling ka." Sigaw na naman niya. Naging ugali na niyang sigaw-sigawan ako. "Iprito mo nalang." angil pa niya sakin at pinagmasdan pa niyang mabuti ang mga pinamili niya. "Bilang ko yan kaya huwag na huwag mong babawasan yan. Kung hindi malilintikan ka sakin." dagdag pa niyang may pagbabanta sakin. Saka niya ako iniwan. Akala ko nakaligtas na ako na huwag silang ipagluto hindi pala pero kung prito lang ayus lang at least hindi ako masyadong mapapagod dahil madali lang mag-prito ang nakakatakot lang ang tilamsik lang ng mainit na mantika.
Gumayak nako para lutuin ang pinamili niya. Pinusod ko muna ang hanggang bewang kung buhok na hindi ko man lang nasuklay. Saka ako nagsuot ng itim na apron. Naka jogging pants lang ako at white t-shirt na pantulog ni hindi pa nga ako nakapaghilamus ng mukha.
Hiniwa ko na ang mga karne sa katamtaman laki. Lalagyan ko nalang ng mga seasoning na binili niya. Pag sa kaibigan niya ayus lang gumastos siya kahit magkano pero pag dito sa bahay bawal lahat. Parusa din sakin ang mga makikita kung nakalatag sa karapan ko dahil kumakalam ang aking sikmura. Ilan araw na ba akung nagtitiis kumakain ng wala lasa. Hindi na ako nakakain ng may sustansya, pakiramdam ko sa sarili ko parang nakapang hihina ang mga kinakain ko.
May mga naprito na akong karne at amoy na amoy ko ang aroma ng ginamit kung ingredients. Gustong gusto ko ng tikman ang naluto ko na pero natatakot akung makita niya. Parusa sakin ang masarap na amoy ng mga karneng hinahango ko sa kawali, gusto kung dumukot kahit isang piraso para may ulam ako mamaya dahil mag-iisang linggo na akung asin at tubig lang ang ulam, kung minsan naman toyo. Kaya lang maya't maya siya pumapasok sa kitchen talagang binabantayan niya ang mga niluluto ko. Tingin ko nga binibilang pa niya dahil tinititigan niya ang mga naluto kung nakalatag sa lamesa.
Pagtunog ng door bell ang mabilis na nagpatayo sa kanya at tinungo niya ang pintuan para pagbuksan kung sino man ang tao duon. Marahil ito na ang mga hinihintay niyang bisita. Kaya sinundan ko nalang siya ng tingin. Kasunod nuoy masayang mga boses ng mga pagbati ng mga lalaki at mga babae ang narinig ko, sigurado akung mga kaibigan na niya ang mga dumating. Muli kung pinasahan ng tingin ang mga lutong pagkain sa harap ko na tanging amoy lang ang magiging kaparte ko na lalong nagpapagutom sa akin.
Narinig ko ring nangingibabaw ang boses niya sa mga nagsasalita nangmakapasok na sila sa living room. Hindi ko lang alam kung ilang ang bisita niya. Dinig ko lang mula dito sa kitchen na may babae din sila kasama. Masaya silang natatawanan na para bang ngayon lang sila nagkita kita ulit.
"Ilabas mo na yung ibang pagkain pagbutihin mo ang pagse-serve. At huwag na huwag kang haharap sa kanila dito ka lang sa kusina. Maliwanag ba?" mahinang singhal niya sakin. Pagpasok niya sa kitchen kaya napatango nalang ako.
Maayus kung inilagay sa isang bandihado ang mga pagkaing nailuto ko upang dahil na sa mga bisita ni Hammer. Maingat kung binuhat, at dahan-dahang naglakad patungo sa living room kung saan sila nagkakasayahan ng mga kaibigan niya.
"Excuse me" hinging paumanhin ko sa lalaking nakatayo sa aking daraanan kaya lumihis naman siya at tinulungan pa ako.
"Hi" bati naman ng isang lalaki sa'kin na medyo moreno. Kaya ngitian ko lang siya. "Matteo" pakilala pa niya at itinaas ang kanyang kamay sa harap ko kaya inabut ko naman 'yun.
"Yeah maid ko yan dito si Inday" sabad naman agad ni Hammer bago ko pa masabi ang pangalan ko. "Sige na asikasuhin mo na yun niluluto mo sa kusina baka masunog pa yun." pagtataboy pa sakin ni Hammer kaya wala akung nagawa kung hindi talikuran sila dahil nakita ko yung mga mata niyang nalilisik.
"Maganda yun maid mo mukhang hindi siya katulong lang. Taga saan siya saan mo siya nakuha." dinig kung tanong ng isang lalaki.
"Dalaga pa ba si Inday?" tanong naman noong Matteo na nagpakikila sakin.
"May asawa't anak na yan hiniwalayan lang ng asawa." dinig kung pang sabi ni Hammer bago pa ako nakapasok sa kitchen. Masakit palang marinig na itatwa ka ng sarili mong asawa at ipakilala sa ibang katauhan. Na isa kalang alila.
Tahimik lang akung nagluluto dito sa kitchen. Sinusunod ko lang ang bawat sabihin niya na hindi daw ako pwedeng lumabas dito hanggat hindi niya ako tinatawag. Ayaw ko din naman gumawa ng eksena kaya nanahimik nalang ako. Gusto ko man kumain ng niluluto ko pero hindi ko magawa baka makita niya ako at saktan nanaman niya ako. Naupo lang ako sa silya at naghihintay maluto pa ang nakasalang na karneng piniprito ko.
Sa anim na araw naming pasasama ilang beses narin niya akung nasaktan na hindi ko dinanas sa mga parents ko. Pero sa asawa ko kahit saan nalang ako tamaan pag umigkas ang mga kamao at paa niya. Titiisin ko parin dahil asawa ko siya at mahal na mahal ko siya.
"Ikaw malandi ka nakakita ka lang ng lalaki nakipag landian ka na agad. Bakit gutom na gutom ka na ba sa lalaki huh?" mariin asik niya sakin. Pagpasok niya dito sa kitchen kaya napatayu ako.
"Wala naman akong ginawang masama sinagot ko lang naman 'yung tinatanong nila." pangangatwiran ko pero isang sampal ang ibinigay niya sakin kaya napayuko nalang ako.
"Ang sabihin mo talagang malandi ka." saad pa niya sakin at marahas pa niya akung itinulak buti nalang may bangko sa likuran ko kaya duon ako napaupo.
"Bakit namumula ang mukha mo? Mukhang pagod kana tulungan na kita. Ako na magdala niyan." ani Matteo sa akin at pilit kinukuha sa akin ang mga plato nilang ginamit.
"Ako nalang kayang-kaya ko naman ito." aniko at tinalikuran ko siya.
"Pre hayaan mo na siya trabaho niya yan." dinig ko pang wika ni Hammer. Alam kung mamaya sasaktan nanaman niya ako dahil sa talim ng mga mata niyang ipinukol sa akin kanina.
"Hindi ba ikinasal ka na daw? Nasaan Misis mo?" dinig kung tanong ng isang babae.
"May nakita kaba?" sagot naman niya sa babae na hindi ko na nagawang lingunin pa.
Ilang beses pa akung nagpabalik-balik sa living room para mag-serve ng mga pagkain at kumuha ng mga basyo ng bote ng beer na napag-inuman na nila. Umiiwas nalang akung makipag-usap kay Matteo dahil tuwing magse-serve ako ng mga pagkain at inumin nila kinakausap niya ako.
Nadinig ko ng nagpapaalam ang mga kaibigan ni Hammer. Dinig ko din hinahanap ako ng iba niyang kaibigan pero ang sagot niya busy ako sa kitchen. Ayaw talaga niya akung ipakausap sa mga bisita niya. Kanina kinukuha din ni Matteo yung telepon number ko pero si Hammer ang sumagot. Ibininta ko raw yung cellphone ko kaya wala daw akung telepono. Pagsisinungaling niya.
Halos naubus din lahat ng pagkain kung iniluto ubus din ang mga alak. Tambak din ang hugasin ko lahat yata ng gamit dito sa kitchen nailabas ko na. Kunti lang naman kasi ang gamit namin dito, para ngang pang-isang tao lang nakatira. Hindi ko naman kasi alam kung saan inilagay ni Hammer lahat ng mga regalo namin noong ikinasal kami. Alam kung marami kaming natanggap na regalo. Wala daw akung karapatang sa mga regalo kaya huwag ko na daw hanapin. Ayus lang sakin kung yung ang gusto niya. Huwag lang siya ang mawala sa tabi ko. Dahil siya lang sapat na sakin kahit nahihirapan ako.
.
.
.
.
.
.
.........................................................
.. please follow my account and
...add my stories in your library.
........."Lady Lhee".........
.....thanksguys.....loveu....lrs...