Chapter 10

2256 Words
"I Wish I Could Give You Pain Just For One Moment. Not To Hurt You, But So You Could Finally Understand How Much You Hurt Me." . . . . ............ ............ ............ ........... . . Malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko ang nagpagulatang sa akin kasabay nuoy ang pagsigaw ng asawa ko. "Lumabas ka dyan dalian mo. At ayaw ko ng pinaghihintay ako." sigaw niya sabay bayo niya sa dahon ng pinto. "Oh! Bakit?" agad na tanong ko. "Sabing lumabas ka d'yang at may pupuntahan tayo. Dalian mo." sigaw niyang utos sa akin. Kaya nagmamadali akung lumabas ng kwarto ko at sumunod sa kanya. "Sakay" sigaw nanaman niya nangmakarating kami sa tabi ng kotse niya. Kaya agad kung binuksang ang pinto at dali-daling pumasok sa kotse niya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko agad pagkaupo ko. "Huwag kang maraming satsat. At huwag na huwag kang magsusumbong ng kahit anung tungkol satin kung hindi papatayin na kita. Huwag ka ring magkakamaling tumakas." Mariin niyang wika sakin kaya nanahimik nalang ako at tumingin sa nadaraanan namin. Para akung batang sabik na sabik sa mga nakikita ko sa daan. Mahigit dalawang taon na yata akung hindi makakalabas ng bahay kaya para sa aking bago lahat ng nakikita ko. Napansin ko rin kabisado ko na ang daang tinatahak namin pero hindi pa rin ako nagsasalita at baka singhalan nanaman ako ng asawa ko. "Baba" sigaw niya sakin ng matapat kami sa gate ng bahay namin pero nagtaka ako bakit may mga sasakyan sa harap ng bahay namin at nakabukas ang gate nito. "Bakit may ano dito? Bakit maraming sasakyan? sunod-sunod na tanong ko. "Wala akung pakialam kung anung meron d'yan. Ang sabi ko bumababa ka na bwesit ka. Inaabala mo na ako. Baba na!." mariing sigaw niya sakin. Pagbaba ko ng sasakyan ni Hammer agad niya yun pinaharurot ng takbo. Habang kinakabahan ako dahil may kakaiba akung nararamdaman. Dahan-dahan akung pumasok sa gate namin pero mas lalo akung kinabahan ng makita kung maliwanag ang loob ng bahay namin. May nakita ring akung bulaklak sa may terrace kaya nagtatakbo na akung papasok sa loob. Nasa may pinto palang ako pero parang gusto ko ng mag-collapse sa nakita ko. "Pappaaaa...Mammmaaa!" halos pangapusan na ako ng hininga sa pagsigaw ng makita ko ang dalawang puting kabaong na may larawan nila sa ibabaw. Nagtatakbo akung humahangulgol papalapit dito. Marami ding mga puting bulaklak na nakapalibut dito. "Anong nangyari sa kanila?" sigaw ko habang umiiyak at niyayakap ko isa-isa ang mga kabaong nila Papa at Mama. Alam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid sa pagwawala ko pero wala akung pakiaalam sa kanila. "Hija naaksedente sila kahapon. Hindi naman kita makontak kaya ako na ang nag-asikaso sa mga labi ng mga magulang mo." paliwanag ni Yaya Sonya sakin. Habang pigil-pigil niya ako. Dahil nahihisterikal na ako sa kaiiyak. Kahapon pa pala nangyari ang aksidente ngayon ko lang nalaman. "Ayun sa report ng mga pulis mabilis daw ang pagpapatakbo ng kotse ng Papa mo at baka hindi daw napansing may paparating na truck hindi na daw nito naiwasan yun at nagsalpukan na daw ang dalawang sasakayan. Umabot pa daw sa hospital ang Mama mo pero binawian din daw agad ng buhay makaraan ang ilang minuto. Kinuha din daw ng hospital ang mga organs ng mga magulang mo dahil yun daw ang nakalagay sa donor card na nakita nila sa wallet ng Papa mo at ng Mama mo. Kaya hindi ko na pinabuksan ang mga kabaong nila dahil may mga benda ang mukha nila pwede mo naman sila makita kung gusto mo." mahabang paliwanag ni Yaya Sonya. Alam kung may donor card sila Papa. Iyak lang ako iyak sa mga narinig ko kay Yaya. Yakap yakap naman niya ako. "Isa pa sabi ng puneraryang nag service hindi daw pwedeng patagalin ang burol dahil wasak daw ang katawan ng mga magulang mo kailangan daw mailibing din agad kaya naka schedule ang libing bukas ng umaga." dagdag pa niya kaya lalo akung mapahagugol ng iyak. Wala akung ginawa kundi ang umiyak ng umiyak dalawang mahal ko sa buhay ang nawala ng sabay paano na ako ngayon. Hindi ko na din nabibigyan pansin ang mga nakikiramay dahil sa kakaiyak ko. Tanging sila yaya at ang dalawa pa naming kasambahay ang nag-aasikaso sa mga nakikiramay. Magdamag akung umiiyak lang, halos hindi rin ako makakain kung hindi pa ako pinilit ni yaya baka hindi rin ako kumain. "Hija maligo kana at baka dumating na ang service." utos ni yaya sakin kaya napilitan akung umakyat patungo sa kwarto ko para gumayak na dahil ilang oras nalang ihahatid na sa huling hantungan sila Papa at Mama. Isang itim na bistedang hanggang tuhod ko ang ipinasuot sa akin ni yaya kabibili lang daw niya nito kahapon. Inayus din niya ang mahaba kung buhok na hindi ko na napagupitan pa simula ng ikasal ako. Pagbaba ko ng hagdanan gumagayak na sila palabas ng bahay kaya hinila ako ni yaya palabas ng bahay. Dahil simula palang kahapong dumating ako dito lutang na lutang na ang isip ko. "Hija halika na, tayo nalang ang nandito." yaya sakin ni Yaya Sonya at hinila na nila ako kaya wala akung nagawa kung hindi ang magpatianud sa kanila. Wala pa rin ako sa sarili ko. Hindi ko parin matanggap ang mga nangyari. Buhat ng ihatid ako ng asawa ko sa labas ng gate ng bahay namin hindi na siya nagpakita.Tanging si yaya Sonya lang ang katabi ko at kadamay ko simula ng dumating ako dito sa burol nila Papa at Mama. Ni anino niya hindi ko nakita ganuon na ba siya kagalit sa akin na maging ang pagkamatay ng mga magulang ko'y hindi niya sinilip. Kahit gatiting na respeto wala siyang ipinakita para sa labi ng mga magulang ko. Kaya mas lalo akung napaiyak sa naiisip. Maging sino man sa pamilya ng Thompson ni isa sa kanila hindi sumilip sa burol nila Mama at Papa maging sila ba namuhi na sakin dahil sa pagpapakasal ko sa panganay na anak nila. Gusto din naman nilang makasal kami dahil malaki ang pakinabang nila samin. Sila ang may malaking pagkakautang samin, sana hindi nalang nila kami inalok ng kasal kung ganito rin naman pala ang mangyayari, sa oras na kami naman ang nangailangan wala sila ni anino nila hindi ko nakita wala din pala silang kwentang tao tulad ng kanilang anak. Ngayon ko sila nakikilala kung anung klase silang tao. Tao lang din ako sana huwag naman dumating ang araw na mapuno ang aking dibdib ng ng sama loob at galit. Dahil makikilala nila kung paano magalit ang isang De Marco. Ilang araw na akung nagkukulong dito sa kwarto ko sa bahay namin. Lagi parin akung umiiyak ni hindi ko man lang nakausap sila Papa at Mama. Hindi ko parin alam kung ano ang buong nangyari sa kanila at naaksidente sila, sino ang may sala. Wala din ako sa tabi nila ng mangyari ang insedente ni hindi ko sila nakausap bago sila nawala. Gusto ko sanang makilala kung sino ang magiging recipient ng mga organs nila Papa pero hindi ko magawa hindi ko pa kayang makita sila ngayon. Alam kung may record naman yun sa hospital, at darating siguro ang araw na hahanapin din nila ako kung sino man sila para magpasalamat, at kung hindi man, ako ang hahanap sa kanila para makita sila lalo na ang mga mata ni Papa dahil makikita ko sa kanya ang buhay na mga mata nito na tulad ng kulay ng aking mga mata. Ang puso ni Mama na tumitibok pa gamit ng ibang tao sana may madama siya sakin kahit kaunting pagmamahal lang sa pagtibok nito sa katawan ng ibang tao. Pero kailan ba mangyayari lahat ng ninanais ko kung nakakulong lang ako sa aming bahay na bawal lumabas. Bawal makita pag-usap sa kahit kanino. Isang akung bilanggo ng asawa ko sa parisukat naming empeyernong bahay na hindi mo pwedeng tawaging tahanan dahil demonyo ang naghahari. Parang napakawalang kwenta ko naman anak ng dahil sa pag-ibig sa isang walang pusong lalake nakalimutan kung may mga magulang akung nangangailangan ng aking pansin. Ng aking kalinga. Hindi ko sila naalagan kahit saglit. Wala ako sa tabi nila nuong nagksidente sila hindi ko man lang sila napagsilbihan. Nawala sila na hindi ko man lang nasabi kung gaano ko sila kamahal. Ni hindi ko sila nakausap kahit saglit. May asawa nga ako pero nagpapakasaya naman sa kandungan ng iba samantala andito ako at nagluluksa sa pagkawala ng mga magulang ko. Talaga bang wala siyang puso at hindi naawa sa kapwa niya at tanging pansarili lang niya ang inaalala niya. Ang magkamal ng salapi galing sa kaban ng ibang tao. Talaga bang nasilaw siya sa kinang ng salaping hindi kanya. Totoo nga siguro ang sabi-sabing money is the roots of all evils. Dahil 'yun ang nakikita ko sa aking asawa at sa babae niya. Malalakas na busina ng sasakyan ang nadinig ko pero hindi ko 'yun pinapansin sa pagaakalang sa kapitbahay lang namin yun. Kaya nahiga lang ako dito sa malambot kung kama dahil pag balik ko sa bahay namin kalbaryo nanaman ang magiging buhay ko sa piling ng aking pinakamamahal na asawa na may mahal naman iba, na siyang tinuturing na asawa at binibigay lahat ng luho ng katawan. Ako dapat ang nakikinabang pero hindi at mas gusto pa niya akung nakikitang gumagapang sa hirap sa kanyang paanan. "Yaya Sonya bukas po 'yan." sigaw ko ng may marinig akung mahihinang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Nasanay na akung hinahatiran ako ng pagkain ni Yaya dahil hanggang ngayon wala pa akung ganang kumain kahit sarap na sarap ako sa amoy ng luto nila. "Arabella andyan na ang asawa mo sinusundo kana. Dalian mo daw mukhang mainit yata ang ulo hindi na lumabas ng sasakyan niya." litaniya ni Yaya Sonya na mukhang natataranta pa. "Yaya yung mga bilin ko po dito sa bahay. Kayo na po bahala dito hanggang wala ako." Aniko dahil kahapon kinausap ko na sila kung anung dapat gawin. Kaya nagmamadali ko ng kinuha ang aking bag na pinaglagyan ng mga damit at dalawang dosena undergarments ko na pinabili ko pa kapahon kay Yaya. Alam kung hindi naman ako makakabili ng kahit anung gamit ko. Kaya kinuha ko halos lahat ng pambahay kung damit dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay. Kinuha ko ang maliit na mga gamit na pwede kung ilagay sa loob ng kwarto para kahit hindi na ako lumbas ng kwarto may magagamit ako. Paglabas ko ng gate nakita ko si Hammer na salubong ang makakapal na mga kilay matatalim ang mga matang nakatingin sakin na para bang may kremin akung nagawa. alam kung galit na naman siya. Tahimik lang akung pumasok sa kotse niya at umupo sa tabi niya ng hindi siya sinusulyapan. Dahil pag nagsalita ako alam kung masisinghalan nanaman niya ako. "Bakit ang tangal mo hindi ba sinabi ko na sayong ayaw kung pinaghihintay ako huh? At ano nanaman ginawa mong kalandian d'yan? Sino nanaman nilandi mo?" asik agad niya sakin pagsakay ng kotse niya. "Huwag mong ibintang sa akin ang mga ginagawang mong kalaswaan." singhal ko na sa kanya. "Kung wawalanghiyain mo lang ako sana hindi mo lang ako sinundo." dagdag ko pang singhal sa kanya. "Huwag mo akung sagut-sagotin ng pabalang at baka dito palang malintikan ka na sakin. Hindi kita papayagang makaalis sa poder ko hanggat hindi ka namamatay sa parusa ko bilang kabayaran sa pagpapakasal mo sakin. At huwag na huwag kang magsusumbong kahit kangino dahil kaya ko kayung patayin lahat." Mariing wika niya. Kaya kinilabutan ako sa mga marinig buhat sa kanya. Nagiging demonyo na siya simula ng mag-uwi siya ng babae niya. "Demonyo ka walang kang puso, wala kang konsensiya hayop ka." angil ko sa kanya. Darating din ang araw pagsisihan mong lahat ng ginawa mong kawalanghiyan sakin. Piping bulong ko sa isipan ko. "Dahil sa kalandian mo kaya ako nagkaganito. Kaya isasama kita sa imprenong pinaglagyan mo sakin." mala demonyo niyang turan sakin at ngumisi pa siyang parang si satanas na ikinatakot ko. "Napakasama mo talaga balang araw maka-karma ka rin." aniko dahil natatakot na ako sa mga sinasabi niya parang wala na siya sa katinuan ng pag-iisip. Hindi na siya ang Hammer na minahal ko mula pa ng bata kami. Dati tahimik lang siya suplado lang siya pero mabait at malambing siya noon mga bata pa kami. Magkasundo naman kami noon pero mas malapit ako sa nakababata niyang kapatid na si Harold pero buhat ng mabulag sa isang aksedente ito, hindi ko na siya nakikita lagi nalang nagkukulong sa kwarto niya. At sinisisi nila ni Hammer sa pagkabulag nito. Tahimik lang ako sa boong biyahe namin. Walang nagsasalita dahil 'yun ang gusto niya. Ayaw daw niyang marinig ang boses ko. Paminsan-minsan pasimple ko siyang sinusulyapan pero seryoso lang siyang nakatutok ang mga mata sa kalsada. Napaka gwapo pa rin niya. Matangkad at malaki ang katawan niya, lagi siyang naggi-gym kaya maganda ang build ng katawan niya na isa sa gustong gusto ng mga kababaihan bukod pa sa matangos na ilong niya. Maganda rin ang asul na pares ng mga mata niyang binagayan ng mahahaba at malantik na pilik mata. At ang mga braso niyang may mga pinung mga balahibong nakapahiga na parang kay sarap haplusin. "s**t" mura ko sa isip ko dahil pinagpapantasyahan ko pa siya sa kabila ng sitwasyon namin na diring-diri siya sakin. Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko. "Kailan kaya siya magiging akin?" piping tanong ko. . . . . . ......................................................... ...please follow mg account and ...add my stories in your library. .........."Lady Lhee".......... .....thanksguys.....loveu....lrs....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD