"I Hate It When My Mind
Is Telling Me To Stop
Loving Someone,
But My Heart
Can't Let Go.
And I'm Still
Hoping."
.
.
.
............ ............ ............ ............
.
.
Tumuloy ako sa kitchen at kumuha ng tubig upang uminum. Hinagilap ko na ang walis, dustpan at ang timbang lalagyanan ko ng tubig para sa panglampaso ng sahig. Ganito naman ako araw-araw wala ng pagbabago, mas bagiging impeyerno pa ang buhay ko ngayon.
Habang naglalampaso ako sa living room nakarinig ako ng mabibigat na yabag papalapit sa akin. Pero hindi ko pinansin tuloy lang ako sa paglampaso ng nakapaluhod ang mga tuhod.
"Bakit hindi ka naglaba hindi ba sabi ko ikaw ang gagawa lahat ng gawain dito sa bahay ko. Pasalamat ka pa nga at hindi kita ginising." Sikmat agad niya sa akin paglapit niya na may kasabay pang sipa na tinamaan naman ako sa balakang ko kaya napaupo ako sa sahig.
"Bakit hindi yang kabit mo ang paglabahin mo ng mga damit niyo wala naman siyang ginagawa. Bakit ako laging inuutusan mo. Asawa mo ako at hindi alipin ng kabit mo. Nag-uwi kana nga ng babae mo aalipinin mo pa ako napakababoy mo sarili mong pamamahay binababoy mo wala kang respeto sa kapwa mo." Mariin kung sikmat sa kanya. Kaya sunod sunod na sampal na naman ang ibinigay niya sakin na kahit saan nalang ako tamaan ng kamao niya. Tanging mga braso ko lang ang ginagawa kung pangsalag sa mabigat niya mga kamay.
"Hindi kita asawa at kahit kailan hindi ko matatanggang na maging asawa mo. Kahit maghubad ka pa sa harap ko. Wala ka paring kuwentang babae. Malandi!" sigaw na niya sa mukha ko.
"Ganuon ba kaya naman pala sapilitan mo akung ginahasa noon isang linggo. Pwersahan mo akung binaboy. Wala kang puso isa kang kampong ng kadiliman hayop ka. Ikaw ang pinakawalang kwentang lalaking nakilala ko. Isa kang halimaw. May araw ka rin. Pagsisisihan mong lahat ng ginagawa mong ito sa akin, hayop ka." Mariing singhal ko kaya dumapo na naman ang kamao niya sa mukha ko. Putok na naman ang mga labi ko, nalasahan ko pa ang lansa ng pulang likidong mula dito. Pero hindi ko na ininda yun dahil sa araw araw nalang na ginagawa niya nasanay na ang katawan at mukha ko.
Ilang sipa at sampal pa ang natikman ko sa asawa ko bago niya ako iwan. Halos hindi na naman ako makatayo sa sakit dulot ng pangbubugbog niya sakin. Hirap akung lumakad paakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Magkukulong nalang ako para makaiwas sa pananakit ng asawa ko. At baka bumigay na ako at magtagumpay ang kasaman niya.
Pagpasok ko sa kwarto ko agad kung inilock ang pinto at naglakad paika-ika papunta sa kama ko para mahiga at maipahinga ng kaunti ang masakit kung katawan. Baka sakaling mabawasan ang pananakit nito bago ako maligo. Hinilot ko pa ang balakang kung masakit dahil sa lakas ng pagkakasipa niya. Para siyang kabayong laging naninipa.
Naalimpungatan akung ng may marinig na malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko kaya napabangon ako. Para sana buksan ang pinto pero napahiga uli ako dahil sa sakit ng balakang ko. Naalala ko ang nangyari kaninang umaga. Nakatulog pala ako sa kakaiyak dahil sa hirap na tinamo ko na naman sa asawa ko. Kaya hinayaan ko nalang magsawa siya sa kakakatok sa pinto ganuon naman lagi hindi ko siya pinagbubuksan. Tatawagin niya ako para lang pahirapan, masakit pa nga ang katawan ko. Ano bang gusto niya ang malumpo na ako ng tuluyan. Sabagay gusto na nga niya akung mamatay para maging malaya na siya. Maangkin na niyang lahat ng meron ako, pero hindi ako makapapayag na manaig ang kasamaan ng isang halimaw.
"Lalabas ka ba dyan o sisirain ko itong pinto." Dinig kung pagbabanta niya pero hindi pa rin ako tumitinag sa kinahihigaan ko. Bahala na kung sirain niya at mabuksan ang pinto. Kung saktan man niya ako ulit, Diyos na ang bahala sa akin. Alam kung balang araw may kabayaran lahat ng ginagawa niyang kasamaan sa akin. Langit na maninigil sa kanya. May karma naman. Sayang lang at sa ganito humangtong ang lahat. Wala naman ipinakitang masama ang pamilya ko sa kanila kahit ako walang ginawang masama sa kanya pero napaka demonyo niya. Pinipilit niya akung binabaun sa kumunoy ng kasamaan. Sila ng babae niya kailan pa ba siya magigising sa himbing na pagkakatulog sa kasamaan. Ano ba ang nangyari at naging masama siya. Mga katanungan lagi kung tinatanong sa sarili ko. Na hanggang ngayon wala pa rin akung makuhang kasagutan. Dahil mas lumalala pa ang pagiging bayolente niya. Nagiging berdugo na siyang taga parusa.
Wala na yatang pag-asang magbabago pa siya. Hanggang kailang ko kayang pagtiisan ang masamang pag-uugali niya. Baka kung kailang huli na ang lahat. Sana huwag naman dumating ang araw na mapagod na ang puso kung nagmamahal sa kanya bago pa niya ma-realize ang kahalagahan ko sa buhay niya. Ano ba ang dapat kung gawin para kahit kunti magkaroon naman ng pagmamahal sa akin ang asawa ko kung hindi man pagmamahal, ang kaya niyang ibigay sana kahit respeto nalang. Pero mukhang malabo na nga yatang mangyari yon. Paulit-ulit ko nalang tinatanong sa isipan ang mga katagang yun. Alam ko naman may ibang babae na siya at harap-harapan niyang ipinakikita kung gaano niya ito kamahal.
Respeto nalang ang hinihintay ko mula sa kanya hindi bali ng walang pagmamahal na kasama ayus lang huwag lang ganito na sinasaktan niya ako ng walang awa at walang dahilan. Huwag din niya akung ikulong sa loob ng impeyernong bahay namin pwede ding akung magtrabaho kung ayaw niya akung suportahan dahil nakapag tapos naman ako ng kolehiyo na may honor. May experience din ako sa pagpapatakbo ng business. At hinding-hindi aasa sa kanya kahit isang sentimo hindi ako hihingi basta makapagtrabaho lang ako.
Alam kung alam niya ang aking kakayahan dahil pagdating sa negosyo baka nga mas magaling pa ako sa kanya na walang alam gawin kung hindi mag lustay lang ng pera ng may pera, sila ng babae niya. Masyado silang maluho sa buhay na hindi naman magawang magtrabaho para may pangsuporta sa mga luho niya. Ang hirap talaga ng uhaw sa karanyaan kaya kahit makayurak pa ng kapwa gagawin masustentuhan lang ang luho ng katawan at makapagpasikat sa mga tao.
Nagbubuhay hari at reyna sila at ako ang alipin nila. Nasusunod nilang lahat ng hulo ng katawan nila. Nakakain nila lahat ng gusto nila. Sana lang hindi sa kanya tumibok ang puso ko. Hindi ko siguro mararanasan ang hirap ng buhay sa piling niya. Asawa ko siya pero hindi niya ako asawa dahil may kinakasama siyang iba. May mahal siyang iba at sa bahay pa namin nakatira. Sana balang araw mabura lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, para kaya ko na siyang talikoran. Kahit alam kung mahirap dahil hindi rin siya papayag na iwan ko siya ngayon dahil mawawala ang lahat sa kanila.
Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas ng banyo na tanging ulo ko lang ang may nakabalot na tuwalya. Wala naman akung kasama sa kwarto ko kaya hindi ko ininda ang aking kahubdan at tinungo ang aking salaming na may taas na tatlong talampakan at pinagmasdan ang buo kung katawan. Lumayo pa ako ng kaunti para makita ang kabuoan nito. Nag kukulay brown na ang dating kulay ube kung mga pasa. Wala na rin ang sugat ko sa labi. Kaya napabuntong hininga ako ganito nalang ba ako palagi. Malaki na rin ang ibinagsak ng aking katawan para na akung may sakit na nakakahawa, kita na ang mga buto ko. Para akung tisiko. Wala naman kasi akung makakain na may sustansiya, baka nga mgakasakit pa ako nito sa bato dahil puro maaalat lang inuulam ko. Asin, toyo at patis kung may mantikang pinagprituhan ninanakaw ko pa yun sa kawali ng asawa ko at ng babae niya.
Hanggang kailan ko mararanasang ang mga parusa niyang wala naman basihan dahil wala naman akung nagawang kasalan sa kanya o nagawang mali maliban nalang ang mahalin siya. Hindi ko naman kasalang mahalin siya. "Ito kasing lintik na pusong ito." Sisi ko sa puso ko at ilang beses kung binayu ng suntok ang aking dibdib. Kung hindi ako nagmahal ng ganito sa isang Hammer Thompson hindi ko daranasin ito. Sayang lang ang pagmamahal ko sa isang taong walang puso at kaluluwa. Ni walang pakiramdam hindi rin marunong tumanaw ng utang na loob, wala siyang kwentang tao. Mga piping bulong kong naghihimutok dahil sa naging kapalaran kong ako mismo ang gumawa at nagdala dito. Ayus lang sana kung hindi ako sinasaktan at pinakakain ng wasto, ang problema, salat na salat ako sa pagkain, baka nga mas masarap pa kinakain ng mga namamalimus sa kalye kaysa akin.
Inayus ko na ang sarili ko para magawa ko na ang mga gawain bahay. Alam kung ako nalang mag-isa sa bahay dahil kanina ko pa nadinig ang ugong ng sasakyan ng asawa kung umalis at wala na rin sa grahe yun. Huminga ako ng malalim bago pa lumabas ng kwarto ko pababa sa hagdan. Nakakabinging katahimikan na naman ang loob ng bahay namin walang mariring na kahit ano, maliban sa huni ng mga ibon mapinsan minsan at ang kahol ng aso ng kapit bahay.
Dumiretso agad ako sa kitchen para magsalang ng sinaing pero nakita ko ang lababo na puno ng hugasin. Wala akung magawa kundi ang maghugas ng mga ginamit ng mga taong walang konsensiya. Mga batugan at walang alam gawin kung hindi manamantala. Mukhang hindi narin maganda ang amoy na mukhang kahapon pa itinambak dito. Kinuha ko ang apron at isinuot 'yun, naglagay din ako ng panyo sa ilong upang hindi ko maamoy ang masangsang na amoy panis na mga tirang pagkain.
Una kung hinugasan ang nagkalat na mga baso, tasa at plato kasama na ang mga kutsara at tinidor. Usinunod ko ang mga kaserola, kawali at kaldero bago ko pa pinunasan ang mesa at paligid ng kusina. Nagmatapos ko ng lahat kinuha ko na ang kaldero kung maliit at tinakalan ng bigas para makapagsain na ako. Atsaka nagtungo sa sala para maglinis. Kahapon hindi ako nakapaglampaso dahil natanawan ko silang naglalampungan dito sa linving room kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko at nagkulong maghapon hanggang gabi. Mas gugustohin ko pang magmukmok sa kwarto ko kaysa makitang naglalandian at sinasakatan ako.
Matapos kung malinis ang salas bumalik ako sa kwarto ko at kumuha ng isa pack ng pancit canton para gawing ulam ko. Nagkakasya ako sa ganito, mas mabuti na ito kaysa sa asin at tubig at least may lasa ito at madami akung nakakain. Matapos kung maluto ang pancit nagsandok narin ako ng kanin at kumain na. Hinagod hagod ko pa ang aking tiyang nabusog bago pa ako tumayo at naghugas ng pinagkainan. Saka lumabas ng kitchen. Para magtungo sa hardin ng mga halaman ko na tanging nabibigay aliw at kasiyahan sa akin, sila lang pwede kung kausapin.
Laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto bago ko pa mahawakan ang doorknob nito. Halos manigas ako sa takot ng makita siyang matatalim ang mga matang nakatingin sa akin at may ngising mala demonyo.
"Buti naman at lumabas ka din malandi ka. Hindi habang panahon pwede kang magkulog sa kwarto mo at pagtaguan ako." Sikmat agad niya sakin na kinasindakt ko kaya hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot na hindi ko inaasahan makikita siya sa oras ng trabaho niya sa opisina pero nasa harap ko siya ngayon. Para siyang ibang tao sa paningin ko, hindi ko na siya kilala, hindi na siya ang dating kababata ko, para siyang isang bampirang uhaw sa dugo.
"Anong plano mo huh? Sa tingin mo ba may magagawa ka pa huh? Hindi mo ako kayang takasan. At habang panahong iwasan." angil niya kaya naglakad nalang ako para iwan siya pero bigla niyang hinaklit ang braso ko na muntik ko ng ikasubsub sa dibdib niya. Malalakas din ang kabog ng dibdib ko na para akung aatakihin sa puso at magko-collapse ano mang sigundo.
"At saan ka pupunta hayup ka. Hindi pa ako tapos sayo. Marami ka ng atraso sa akin." Mariing turan niya at puwersahang hinila niya ako pakaladkad papasok sa living room.
"Ano ba Hammer nasasaktan ako." Sigaw ko na sa kanya at pilit nagpupumiglas sa mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko.
"Masasaktan ka talagang babae ka. Pagnagmatigas ka pa kahit kailang hindi mo ako sinusunod. Huwag kang mag buhay reyna dito sa pamamahay ko. Tandaan mo alipin ka lang dito." Balik sigaw din niya sakin. Bakit ba niya ako inaaalipin at pilit ginagawan ng kasamaaan.
"Hayop ka bitawan mo ako. Wala kang kasing sama, walang kang utang na loob. Isa kang kampon ni satanas." Sigaw ko uli at pilit kumakawala sa pagkakahawak niya. Pero sinuntok lang niya ako sa sikmura kaya napadaing ako sa sakit. Iwinaksi ko ang braso ko at kinagat ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Pero binigyan naman niya ako ng sunod sunod na suntok at sampal. Na ikinahina na naman ng pagal ko pang katawan. Wala na akung lakas na tulad ng dati, marahil sa pagiging malnourished ko.
"Yang ang bagay sayo demonyita ka. Kailan ka pa natutong lumaban huh? At kahit anong gawin mo basahan ka parin. Alipin parin kita." sigaw niya sa mukha ko. Daig pa niya isang walang pinag-aralan, para siyang hindi CEO na hinahangaan at iginagalang ng ibang tao.
.
.
.
.
.
.........................................................
....please follow my account and
....add my stories in you library.
.........."Lady Lhee"..........
....thanksguys...loveu....lrs...