"Love Is Not Just A
Feeling, Its
Commitment And
Above All A
Sacrifice."
.
.
.
........... ............ ............ ...........
.
.
"Hoy! saan ka pupunta bakit hindi ka man lang naglinis ng kusina at sinong inaasahan mong maglilinis nito huh?" sigaw niya sakin "Ni hindi ka nagluto ng pananghalian ng ma'am mo tapos ngayon lalayas ka nanaman." Nang gagalaiting sikmat sakin ng asawa ko, at nakapamewang niya akung hinarap.
"Himala maaga ka yatang umuwi ngayon." pang-aasar ko sa kanya. Kaya nakatikim nanaman ako ng sunod-sunod mura. Naging bulaklak na ng bibig niya ang malalasawang salita na ipinupukol sa akin tuwing makikita kami.
"Sabi ko sayo pagsibihan mo ang ma'am Lavena mo ni hindi mo siya pinagsaing." mariing wika niya sabay sakal niya sakin.
"Bakit ano ba siya lumpo wala pa siyang mga buto?" sikmat ko sa kanya. "Mas mabuti pang huwag ko nalang kayo ipag-luto dahil kung ipipilit mo pang ipagluto ko kayo baka lagyan ko ng muriatic acid na panglinis ng toilet blow ang pagkain niyo." aniko sa nahihirapang panghiga dahil sakal-sakal na niya ako, pigil-pigil ko naman siya sa braso. At dahil sa sinabi ko diniinan pa niya ang pagkakasakal sakin. Bago niya ako pabalang na binitiwan na muntikan kung ikasubsod sa sahig.
Maluha-luha ako sa kauubo ng bitiwan niya ang leeg ko. Masakit din ito. Nagdadabog siyang nilisan ako. Himas himas ko naman ang leeg kung sumasakit parin. Kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko pero sa hagdanan palang nasalubong ko na ang bruhang babae, mukhang nakabihis siya kaya sinudan ko siya ng tingin. Tama nga ang hula ko aalis sila malamang sa labas na sila kakain. At ang gagastusin nila ang perang para sa akin. Na ni isang pera hindi ko mahipo. Darating ang araw babawiin ko sa iyo ang lahat. Tingnan ko kung makatikim pa kayo ng karanyaan.
Araw-araw ganito nalang ang buhay namin dati dalawa lang kaming mag-asawa ang nag-aaway ngayon tatlo na kami. Wala yatang araw na hindi ako nakakatikim ng lupit ng kamay ng asawa ko. Masasakit na salita namam ipinipokol sakin ng bruhang babae niya. Maging siya nakikisawsaw sa amin ng asawa ko.
Nagmahal lang naman ako ng totoo at tapat masama ba yun. Minahal ko siya ng buo pero ito ang napala ko trio kami. Ako ang asawa pero iba ang kasalo niya sa kama. Kasal kami pero iba ang ipinakikilala niyang asawa. Ako dapat ang amo pero ako ang ginawang alila. Ako dapat ang sinusuportahan pero ako ang pinagkakaitan ng sarili kung asawa. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya lahat kinakaya ko at tinitiis. Kahit sabihin pa ng ibang taong baliw ako, wala akung pakialam.
Lagi kung nakikitang lumalabas ng bahay ang bruhang babae ng asawa ko at pag-umuwi siya halos gabi na magkasunod lang sila ng asawa ko kung dumarating. At pag-uwi niya madami siyang dalang shopping bags lagi rin bago ang mga damit niya. Maging ang mga bag at sapatos niya branded halos lahat, at pag-umalis parang a-attend lagi ng party sa postura na parang ngayon lang makakita ng mamahaling gamit. At mas lalo pang kumapal ang kulorete sa mukha na kasing kapal din ng mukha niya.
Hindi naman ako naiingit kaya lang malamang pera ng asawa ko ang ginagamit niya na dapat ako ang makikinabang sa pinaghihirapan ng asawa ko pero ang babae niya ang namamasasa ng lahat samantala ako kahit piso wala, kinuha pa niya mga cards ko. Limitado lang ang para sakin. Kahit yung sakin na, hindi ko pa makuha. Wala talaga siyang awa sa kapwa niya kailan kaya siya magigising sa katotohan ng buhay. May asawa siyang tao pero parang nagbibinata parin siya hanggang ngayon. Matured lang siyang tingnan pero parang teenager parin ang ugali at kilos niya. Wala siyang paki-alam sa paligid niya. Hindi rin siya marunong kumilala ng tama sa mali. At kung ano ba ang meron samin.
Hanggang kailan kaya ito dito sa bahay namin. Huwag naman sabihin ng asawa kong habang buhay at hindi na ako makapapayag. May karapatan akung magreklamo pero kalaban ko ang asawa ko. Makakatikim nanaman ako ng matitinding sampal at suntok niya. Hanggang kailang ko kayang pagtiisan ang ganitong buhay na tatlo kami sa iisang bubong. Ito ba ang gustong buhay ng isang Hammer Thompson ang dalawa ang asawa. Anong klaseng tao siya.
Hindi ko nalang sila pinapansin dalawa kahit napakasakit sa aking makita silang naglalandian sa harapan ko, at kung minsan naglalampungan pa sila hindi ko lang alam kung nananadya ba sila o talaga lang pareho silang malibog. Sobrang sakit para saking makikita ang asawa kung may kaharutan ibang babae at dito pa sa sarili namin bahay. Bahay na regalo samin noon kasal namin ang binababoy niya. Hindi siya marunong rumespeto.
"Ano ba kanina ka pa d'yan nakita mo ng nalilinis ako pakalat kalat ka lang d'yan istorbo. Lumayas ka nga sa tabi ko at baka isaboy ko sa mukha mo itong tubig" Angil ko sa kanya kaya nahinto naman siya. At tiningnan niya ako ng masama. Kanina pa siya palad-lakad sa giliran.
"Linisin mo din ang kwarto namin pagkatapos mo dito" aniya sakin kaya napataas ang kilay ko.
"Hindi mo ako tsimay dito kung gusto mo ikaw mag-linis huwag na huwag mo akung inuutosan." angil ko sa kanya.
"Alila ka lang dito pero kung makaasta ka akala mo kung sino ka." Sigaw na niya sakin na ikinainis ko. Kaya hinarap ko na siya ng tuluyan.
"For your information hindi ako alila dito at baka pag nalaman mo kung sino ako dito sa bahay magsisi kalang. Sa totoo lang kayang kaya kita ipakulong gusto mo kayong dalawa pa ni Hammer." pagbabanta ko sa kanya. "Kaya huwag na huwag kang magkakamaling gumawa ng masama, ipakukulong talaga kita, kayung dalawa ni Hammer. At hindi lang ako nanakot, dahil kaya kung gawin lahat ng sinasabi ko, kaya tigilan mo ako ng kaartehan mo at lumayas ka sa harapan ko." Dagdag ko pa. Na ikinalaki ng mga mata niya.
Alam kung makararating nanaman kay Hammer ang mga sinabi ko sa bruha, kaya inihanda ko na ang sarili ko. Alam kung ipagtatanggol ni Hammer ang babae niya dahil pinaniniwalaan niya ang bawat sabihin nito.
Araw ng linggo ngayon kaya kumpleto kaming tatlo. Ayaw ko pa sanang lumabas ng kwarto ko kaya lang tanghali na. Kailangan ko rin diligan ang mga halaman ko na tanging kakampi ko at kadamay sa padadalamhati at kalungkotan ko sa araw-araw. Kung umulan lang kahapon sana nadiligan ang mga halaman, at hindi ko na kailangan lumabas ng kwarto ngayon. Tahimik sana ang buhay ko kahit nakakabagot dito sa loob kwarto ko at least hindi ako makakatikim ng parusa ng asawa ko.
"Ano nanaman ginawa mo kay Lavena huh?" bungad niya sakin na nakapamewang pa ang isa kamay paglabas ko ng kwarto ko. Matatalim ang mga mata niyang nakatitig sakin na para bang gusto na niya akung lapain.
"Bakit ano nanaman sinumbong ng babae mo? Wala naman akung sinagawang masama sa kanya." aniko. Nakita ko naman ang babae niya palabas ng pinto ng kwarto nila, may mala demonyong ngisi sa mga labi.
"Babe sabi niya sakin papatayin daw niya ako." Malandin wika niya. "Ayaw din niya akung sundin sa mga ipinaguutos ko sa kanya. Ako ang inuutusan niyang maglinis ng bahay. Palayasin mo nalang siya Babe pwede naman tayung kumuhan ng iba kahit ilan pa." Dagdag pa ng babae niya.
"Kung meron man dapat lumayas dito ikaw yun at hindi ako. Dahil pag ako ang umalis dito malaki ang mawawala sa kanya. At baka hindi na niya maibigay pa lahat ng luho mo, at baka sa lansangan na kayo matulog lahat." Aniko, sabay turo ko pa sa asawa ko.
"Shup up" Sigaw sakin ng asawa ko. Dahil alam na alam ko na alam niya kung anung mangyayari pag nakalabas ako ng bahay namin. Guguho ang mundo nilang lahat. Mawawala ang lahat ng mayroon sa mga Thompson. Alam kung malaki ang utang na loob ng Thompson sa pamilya ko. Pero heto siya patuloy na inaalipin ako. Wala siyang utang na loob. Mapakasama niya lahat yata ng pahirap kaya niyang gawin sakin.
"Bakit hindi mo sabihin sa babae mo ang katutohanan kung sino ako sa buhay mo." hamon ko pa sa asawa ko. "Baka maglaho sa inyo ang lahat, wala kang utang na loob napakasama mo." Bulyaw ko sa kanya. "Pagsisisihan mong lahat ng mga ginagawa mong ito, at hinding hindi ko na kayo mapapatawad kahit kailan tandaan mo yan Hammer." Dagdag ko pa.
"You idiot. Huwag mo akung subukan at baka kung anung magawa ko sayo." asik niya sakin
"Kung ayaw mo ako magsasabi sa k.." isang sampal sa mukha ko ang pumutol sa sasabihin ko.
"Bakit ayaw mong malaman ng kabit mo ang katotohanan." sigaw ko habang umiiyak. Sampal nanaman ang dumapo sa pisngi ko.
"Pag hindi ka pa tumigil dyan papatayin na kita. Tumigil ka na pumasok ka na sa kwarto mo." Sigaw na niya sa mukha ko nakita ko pang ngumisi ang babae niya.
"Arayy ano ba..?" Tili ko ng hilahin niya ako sa buhok pakaladkad na ipinasok sa kwarto ko.
"Pasok at huwag kang lalabas dyan." Dagdag sigaw pa niya at malakas na kinabig pasara ang pinto.
Wala akung nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Parang pinipiga ang puso ko sa sobra sakit sa mga ginagawa niya, at mga nakikita ko na nakikipagladian niya sa babae niya. Alam kung lahat ng paghihirap ko may hangganan. Pero hanggang kailan. Araw-araw nalang bang ganito ang buhay ko ang masaktan at magdusa dahil lang nagmahal ako ng tapat sa isang taong walang puso at malasakit. Wala siyang alam gawin kung hindi ang saktan ako at pahirapan maging sa harap ng babae niya ginagawa niya ang lahat ng gusto niya sakin.
Habang lumilipas ang mga araw lalong gumugulo ang bahay namin. Maging ang babae niya mas lumala pa natuto narin makipag-away sakin dahil na rin sa kagagawan ni Hammer.
"Indayy! maglaba kana!. Labhan mo lahat yan at plasahin mo narin pagkatapos." Mataray niyang utos sakin. At saka niya pinaghahagis sa harap ko ang mga damit nila may kasama pang mga kumot at bedsheets.
"Huwag mo akung utusan maglaba ng mga damit niyo. Dapat ikaw naglalaba niyan." asik ko sa babae ng asawa ko. "Hindi mo ako alila dito." dagdag ko pa at tinalikuran na siya.
"Kailan kapa matututong sumagot huh? Pagsinabi sayung maglaba, maglaba ka. At huwag kang tatamad tamad." Sigaw ng asawa ko ng marinig niyang sinagot ko ang babae niya.
"Bakit hindi siya ang paglabahin mo, damit naman niyo yan." Singhal ko sa kanya. Isang malakas na sampal na nagpabiling sa'king mukha ng dumapo sa aking pisngi ang malapad niyang palad, muntikan kong ikabuwal saka niya ako tinulak sa bunton ng mga maduduming damit nila. Kaya napasubsob ako.
"Labhan mong lahat yan at huwag kang kakain ng kahit ano hanggat hindi mo natatapos labhan yan." Sigaw niya sa akin. At ilang sipa pa ibinigay niya bago nila ako iniwan. Isang ngising demonyo rin ang ipinukol sakin ng babae niya.
Maghapon akong nagkusot ng mga damit nila dahil wala naman washing machine. Puro sugat na ang mga kamay ko mahapdi na ring ang mga ito pero tinitiis ko lang. Kumakalam narin ang sikmura ko tanging tubig lang dito sa gripo ang iniinum ko. Para maibsan ang gutom ko. Hindi ko rin mapigilan hindi mapaluha dahil sa nangyayari sa buhay ko. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit sinapit ko ang ganito wala naman akung tinapakang tao o inaping tao pero bakit ako pinarurusahan ng ganito. At ano bang kasalan ko wala naman akung ginawang masama sa kanila. Ang tanging kasalanan ko lang ay nagmahal lang ng ako taong walang puso at kaluluwa.
Samantala silang dalawa ng babae niya nagpapakasaya sa loob ng bahay namin. Kumakain ng masasarap ako na asawa niya nagpapakahirap magtrabaho para sa kabit niya. Wala na siyang konsensiya. Hindi na makatao ang trato niya sakin.
Gabi na ng matapos ko ang mga labahin ko. Alam kung umalis ang asawa ko kasama ang kabit niya. Kaya dalidali na akung nagpunta sa kusina para magsaing ng kakainin ko dahil kanina pa ako gutom na gutom tubig lang iniinum ko. Gusto ko man gamutin ang mga sugat ko wala naman akung pang gamot ni wala nga ako ni isang tableta ng pain reliever para sa sakit ng katawan ko. Baka bukas hindi na ako nito makabangon dahil masakit ang buong katawan ko.
Nagmakaluto ako pinilit ko nanaman kumain ng walang ulam nasanay na akung ganito magdadalawang taon na akung ganito. Huling kain ko ng may lasa noon pang dumalaw nila Mama. Malaki na rin ang ihinulog ng katawan ko dahil sa walang sustansyang kinakain ko. Mas mahaba na din ang buhok ko na paboritong hilahin ng asawa ko.
Wala din akung bagong damit kahit isang panty wala ako. Puro mga damit ko pa noong dalaga na dinala ko dito nuon, hanggang ngayon ito pa rin ang gamit ko. Kumupas na din ang kulay ng iba sa kalalaba dahil paulit ulit nalang na ito ang mga sinusuot ko. Samantala ang babae niya araw araw puro bago. Kaya kahit sinong makakakita sakin talagang mapagkakamalang katulong lang ako dito sa bahay namin. Dahil sa suot kung damit at sa hitsura ko. Ni pulbos wala na ako.
.
.
.
.
.
.........................................................
...please follow my account and
.. add my stories in your library.
.........."Lady Lhee"..........
......thanksguys....loveu...lrs..