"We do not choose who we Love, but rather our Souls choose for Us." . .......... ........... .......... .......... . . Sa loob ng apat na araw kong pananatili sa hospital ni hindi ko siya nakitang lumabas ng kwartong inaakupa namin. Lagi siya sa tabi ko kahit hindi ko siya pinapansin at kinakausap, maging sa pagtulog sa tabi ko siya nakahiga at kung hindi man nakasubsob siya sa gilid ng aking kamang kinahihigaan. Ang kanyang ina naman matiyagang nakabaloktot na nakahiga sa couch. Alam kung hindi sila sanay sa ganuong styled ng tulog pero wala rin akung magawa sila naman ang may gusto at mukang ayaw na nila akong iwan. Buong pamilya niya ang nagaasikaso sa akin. Kaya napilitan narin umuwi si Yaya Sonya. Maging pagpunta ko ng cr siya ang nakaalalay sa akin. At sa konting p

