Chapter 2

1303 Words
"GOOD EVENING, Ches -" Tulad ng nakaraang beses ay hindi na naman niya naituloy ang bati nang si Jace ang magbukas ng pinto. "Ikaw na naman? Gwardiya ka dito?" Hindi niya tuloy napigil na ipasaring bago pasadyang binalya ang lalaki sa pagpasok niya . ‘Bam! Ang tigas ng muscles!’ she flinched. Nakalimutan niyang batak nga pala sa trabaho ang kaharap. Para siyang bumangga sa bato. Masakit. "Mukha ba akong gwardiya sa suot ko?" inis din naman na tanong nito na sinundan pa siya hanggang sa tuluyang makarating sa living room ng bahay. Umarte siya na tila hindi intresado bago ito nilingon at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. "Oo, bagay nga sa'yo eh." It was obvious that he just got home from work. Ni hindi pa nga ito nakakapagpalit ng suot; medyo maalikabok ang sapatos nito, may konting dumi rin ang polong tinupi hanggang siko, maong ang pantalon. He looks dirty but not to the stinking level, actually the whole look just made him really ... manly. Jace was not a guard that's one thing for sure, but more of somebody who works on constructions or sort of - katunayan ang puting hard hat na nakasabit sa belt nito. "If you're here for my brother, then let me tell you he's not here. You may go." Napakunot ang noo siya sa walang emosyong boses nito. Sinipat niya ang wall clock na nakasabit sa dingding, alas otso na ng gabi. Dapat nasa bahay na si Chester, nakalabas na ng opisina at kasalukuyang nanonood ng TV. Ganoon niya lagi inaabutan ang lalaki tuwing dadaan siya ng ganoong oras para dalhan ito ng kung ano mang pasalubong na maisipan niya pagkagaling sa Hangers. She started to scan the house's first floor. Wala sa kusina ang hinahanap kung saan magkasabay na naghahapunan ang mga biyenang hilaw, wala rin sa living room kung saan blangko ang sofang lagi nitong inuupuan kapag nanonood ng paborito nitong documentary show. Kinabahan siya bigla. "Nasaan si Chester?" "How am I to know? Mukha ba kaming magkasama sa trabaho?" Nagkibit balikat si Jace bago tinuro ang pintong naghihintay ng kanyang paglabas. As usual, he looks irritated. Wala sa sariling napatingin sa pintuan si Kimberly. All of the sudden, she sensed that something's really wrong with that night. Hindi normal na nahuhuli si Chester ng pag-uwi. She can feel fear slowly creeping in, but she doesn't really understand why. "What's up with your brother Jace?" May pag-aalalang tanong niya nang pilit hinarap ang malamig na tingin ng binata. He didn't answer and just gave her a cold stare before c*****g his head to the door's direction. Tila madaling-madali ito na paalisin siya. "Is there something wrong?" Ayaw niyang kausap ang lalaking ito pero hindi niya mapigil ang pangamba sa dibdib. Things are just not right. She can feel it! Pero ilang minuto na ang lumipas at hindi parin siya sinasagot ng kausap. Hanggang sa mabibigat ang paa nalang siyang humakbang palabas ng bahay na iyon gaya ng nais nitong mangyari. Dämn it, where's Chester?  . . . . "HELP ME,JACE." Mahinang sabi ni Chester kinagabihan ding yon habang nag-iinuman sila sa balkonahe ng kanilang kwarto. He can't point it out but something about his brother's aura was different. Tinungga niya ang hawak na bote. "Anong issue?"  He got himself ready to listen. He can bet his life that this night is no different from all the other nights they drunk on that same place. Not that there's many and that they're that close pero sa pagkakakilala niya rito, hindi ito ang tipong lasenggero. "Si Kim." Napaderetso siya ng upo na tila nadoble ang intres makinig sa sinasabi ng kausap. Suddenly he felt strange. "O? Anong nangyari?" "I fell in love." Halos ibulong lang ng kanyang kapatid ang sinabi. Kitang-kita ang paghihirap sa mukha nito na pinagtataka niya ng todo. "So sasagutin mo na si Kim? Good." Sinubukan niyang magpakawala ng tawa, pero kahit sa sariling tainga niya ay pagak ang tunog n'on kaya tinikom na lang niya ang bibig. He chose to ignore the sudden rush of blood on his fist and opted to pick up another bottle of cold beer. Just like the first bottle, he drunk it straight until it's half empty before looking back to his brother. " So... kailan kasal?" Marahas na bumuntong-hininga si Chester, payamot na sinuklay ang sariling buhok gamit ang mga daliri at tumingin sa kanya na para bang IQ na niya ang pinakamababang naitala sa World Records. "You're not getting it." "Anong di ko ma-gets? Simple lang yon. One plus one lang yan." Tumawa siya ulit. Pagak na naman, kaya tinungga nalang niya ang hawak hanggang ma-bottoms up yon. He forced a smile to hide the turmoil starting inside him. "Akala ko walang himala - mero pa pala. Sigurado ko tu-tumbling sa tuwa yon." "Stop concluding Jace." Ito naman ang tumungga sa hawak na bote na tila ba naasar pa ito sa kanyang sinabi. Binalewala nito ang pagkunot ng kanyang noo bago napapailing na binaba ang hawak na bote. "I fell in love with someone else. I'm in love with my officemate Jackie. Not with Kimberly." Tumingin ito sa kanya. "Jackie swept me away." Naestatwa ang pag-angat ng boteng dapat ay iinumin niya muli. Hindi niya alam kung totoo ba ang narinig o guniguni lang. May gumuhit na mainit na bagay sa kanyang dibdib. "Sigurado ka?" Tumango si Chester. "Paano si Kim?" It's weird. Hindi niya maintindihan kung bakit kaysa matuwa ay nakuha niya pang mag-alala. Ayaw niya na sagutin ni Chester si Kim - that would be worse than a having a nightmare while walking in broad day light and yet he can't stop his heart from breaking for her - silently at least. "Nasabi mo na ba?" Seriously, Kimberly was a beauty. No man with a fully functioning d**k would have the strength to turn her down - and he is not an exemption. Ilan beses na nga ba naging bida sa mga pantasya niya ito? Isa? Dalawa? Ang totoo, sa sobrang dami hindi na niya kayang bilangin. "Hindi pa 'tol. I don't want to hurt her, I don't have the courage to tell her neither. She have been expecting for the longest time." Nanlulumo ang boses ng kuya niya. Pasandal na binagsak nito ang sarili sa sandalan ng inuupuang silya at napatunganga. " I can't give her what she wants." "So ganoon na lang yon?" "Bakit ka ba nagagalit?" Nakasimangot na wika ng kanyang kuya. "Kung gusto mo si Kimberly, edi sayo na!" Jace's jaw automatically clenched. The disclosure sounded perfect but at the same time wrong. Napahilamos siya ng mukha gamit ang sariling palad. "You can't just turn her down like that? Anong tingin mo kay Kim? Laruan?" "Kapatid." Putol nito sa mga sinasabi niya. Lumamlam ang mga mata nito na tila may kung anong nagpasintabi roon bago nagsalita. "I love her, I do. But not the way she wants me to. She's like a sister to me." "No way." "Jace, please naman." "I-I mean... No way. No." Sunod-sunod siyang napailing . "Chester, you grab a hammer and knock it on your head. " "Ayaw mo sa kanya diba?" May pagtatakang tumuon ang mga mata nito sa sa kapatid. "Anong pinagsasabi mo ngayon?" Jace was caught like a deer hit by a headlight. He wasn't really sure where the urge to hurl the bottle he was holding against his brother's face came from but what he said was maddening him. Ma-imagine pa lang niyang umiiyak si Kimberly, gusto na agad niyang gumanti, but at the same time, he can't deny how breathing went a lot easier after that awful statement from Chester. He inhaled deep and filled his lungs to the brink. Wala sa loob na napahilamos siya ng palad sa mukha bago nahahapong minasahe ang sariling batok. Damn you for still driving me crazy, Kimberly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD