CHAPTER IV

2492 Words
CHAPTER IV Lily’s POV Humakbang ako patalikod sa aking bodyguard at bahagyang lumayo. Umayos ako nang tayo sa kaniyang harapan. Pinamewangan ko siya. “You made me curious. I badly want to see your face….” Tumikhim ako. “…But I don’t want to cross your personal space,” palusot ko. What I said was partially true. Gusto ko naman talagang makita ang kaniyang itsura sa likod ng itim na mask niya, at gusto ko rin siyang respetuhin. Pero bukod doon… natatakot din ako sa bilis nang t***k ng aking puso. Baka kapag mas lumapit pa ako ay marinig niya ang malakas na pagtibok nito. Lumapit lang ako sa kaniya nang kaunti pero kung makipagkarerahan ang aking puso ay wagas. Tinalikuran ko siya. Pahakbang na ako palayo sa kaniya nang bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Tumayo siya para magkatapat kaming dalawa. Iyon nga lang at hindi kinaya ng limang talampakan at pitong pulgada kong taas ang tangkad niya para magkapantay ang aming mga mukha. Matapang niya akong tinitigan sa aking mga mata. “Remove my face, and then let’s see if I can be a talent,” hamon niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Napakalalim ng kaniyang boses na para bang hinugot pa ito sa kalalim-laliman ng lupa. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa pagkahahawak niya pero hindi niya ito pinakawalan. Sa halip na bitawan ang kamay ko ay itinaas niya ito hanggang sa makatapat ng kamay ko ang kaniyang mukha. Napakuyom ako ng aking kamay sa sobrang bilis nang pagdaloy ng aking dugo. Kabado akong napalunok ng laway. No more personal space to be respected then. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng tapang bago ko lalong inilapit ang aking kamay sa kaniyang itim na mask. My hand was so closed to his face when someone shouted from the door. “Lily, oh my god! What did I told you?” sigaw ni Amelie sa galit na boses. Amelie’s voice bombarded in the room which almost made me hide in fear. Mabuti na lamang at sanay na ako sa kaniya kaya hindi na ako natatakot. Nagtataka kong nilingon si Amelie. What did I do? Wala naman akong ginagawang masama, ah. Mabibigat ang hakbang ni Amelie na lumapit sa aming dalawa ng bodyguard ko. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Bumaba ang kaniyang tingin sa kamay kong hawak-hawak ng aking bodyguard. “Bakit kayo nanditong dalawa? At ng kayo lang?” nanggagalaiti na tanong ni Amelie. I rolled my eyes. “Relax, Amelie. Wala kaming ginagawang masama. Kung makapagsalita ka naman para kang si Rochelle,” angal ko. Binawi ko ang kamay kong hawak-hawak ng bodyguard ko at tuluyan ko na siyang tinalikuran. Naglakad ako palayo sa kaniya at pasalampak na umupo sa sofang kinauupuan ko kanina. Sinundan lamang ako ng tingin ni Amelie hanggang sa makaupo ako sa sofa. Wala na siyang nagawa kundi bumuntong hininga na lamang. “Pia!” sigaw niya. Nagmamadaling pumasok ang PA ko na si Pia sa loob ng opisina ni Amelie. Dali-dali siyang dumiretso sa kinatatayuan ni Amelie. “Ano ho ‘yon, Ma’am?” tanong ni Pia kay Amelie. “Kindly escort Cobalt to the exit, and make sure that he won’t be seen by the reporters outside, especially that eagle-eyed Rochelle. Understand?” Oh, yeah. I remember his name now. I knew that I was right. His name really came from an element in the periodic table—the twenty-seventh element with the symbol Co. Sunod-sunod na tumango si Pia kay Amelie. “Yes, Ma’am.” Naglakad palapit si Pia kay Cobalt. “Tara na po.” Pinagmasdan ko ang paggalaw ni Cobalt. Tinanguan niya muna si Pia bago tumayo at lingunin ako. Tinaasan ko siya ng kilay. ‘What?’ I asked him using my eyes. Anong tinitingin-tingin mo diyan? Nag-iwas lamang si Cobalt ng tingin sa akin. Hinarap niya si Amelie. “I’ll go now,” paalam niya. Nilingon niya pa akong muli at yinukuan bago dire-diretso nang lumabas sa opisina ni Amelie. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pintuan. Umaasang muli niya akong lilingunin at ipakita ang kaniyang mukha. Sayang naman at hindi ko nakita ang kabuuan ng kaniyang mukha. Nagkibit balikat ako. Well, better luck next time. Naputol lamang ang pagsunod ko ng tingin kay Cobalt nang tumikhim si Amelie. “Ano iyong inabutan ko kanina, Lily?” seryoso niyang tanong. Tumaas ang kilay ko. “What are you talking about?” maang-maangan ko. Pinamewangan ako ni Amelie. “Anong pinag-uusapan niyo ni Cobalt? At bakit magkalapit kayong dalawa? And he was even holding your wrist,” pang-uusisa niya. Kumunot ang noo ko. “Nothing serious, Amelie. I was just trying to see his face. Ikipinagtataka ko lamang kung bakit hindi mo siya ginagawang isang talent….” “What?” naguguluhan niyang tanong. Nagkibit balikat ako. “I mean, why did you hire him as my bodyguard? I’m sure he can surpass your standard and surpass your other talents,” komento ko. Napailing na lamang si Amelie dahil sa aking sinabi. Umupo siya sa aking harapan at napahilot sa kaniyang sentido. “Enough with that bodyguard, Lily.” She rolled her eyes at me. “If anyone hears you right now, they’ll think you’re crazy,” she stated. Napalabi ako. Was he that bad looking? Bakit parang hindi siya sang-ayon sa opinyon ko? I was just trying to tell her to grab the opportunity in contracting him as a talent. “Anyway….” Tumayo si Amelie at kinuha ang laptop na nakapatong sa kaniyang lamesa. Ipinatong niya ito sa aking harapan at ihinarap sa aking ang monitor nito. Itinuro niya ang kaniyang laptop. “Knowing you, I’m pretty you didn’t read the articles yesterday,” she stated as a matter of fact. I awkwardly smiled at Amelie because she caught me red handed. Sa sobrang tagal niya na akong nakasama ay kabisado niya na ang lahat ng mga kilos ko. “Did you know who wrote it?” tanong niya. Napairap ako. Hearing her name was enough to ruin my mood. “Yeah, it’s Rochelle. I saw her earlier in the lobby.” “What?!” she exclaimed. Halos mapatalon ako sa aking upuan dahil sa biglaang pagsigaw ni Amelie. “She saw you like that?” Amelie eyed me from head to toe. “Oh my god, Lily! Balak mo ba talagang maging dahilan ng pagkalugi ng kompanya ko?” Inirapan ko si Amelie. “Ang OA mo naman. What’s wrong with my clothes? Even though it’s not that presentable, it is comfortable for me,” paliwanag ko. Aba siyempre hindi ako aamin na sa kamamadali ko ay hindi na ako nakapag-ayos. Siguradong pagtatawanan lang ako ni Amelie kapag nalaman niya ang katangahan ko. “Iyon nga ang problema, eh. You’ve always been presentable and always in with fashion. Kung kailan ka pa nagkaroon ng issue ay saka ka pa nagdamit ng ganiyan,” aniya habang tinuturo ang suot ko na parang diring-diri siya. Sinimangutan ko siya. Muli kong tinignan ang aking sarili. Ayos naman ang suot ko. Hindi ba pwedeng magdamit pambahay ang mga taong kagaya ko? We’re also human just like everyone else. We should wear and do anything we want without being judged. Amelie massaged her temples. “You’ll surely be the death of me,” she exclaimed. “…And that Rochelle will be the death of me,” mapait kong sabi. “Hanggang ngayon ata ay hindi pa rin siya nakalilimot sa mga nangyari noon.” Rochelle always, as in always, made my blood boil, but I know that she also felt the same towards me. She had always been angry at me, even before we were still in college. Lalo pa siyang nagalit nang nabalitaang niloko ko si Dean. Aba, malay ko bang numero unong tagapaghanga pala siya ng manlolokong iyon. Kung alam ko lang ay inunahan ko nang magloko si Dean para naman kahit naba-bash ako ay atlis masaya ako dahil sa pagluluksa ni Rochelle. Anyway, even though I knew that, I also knew that I can’t cheat on Dean. Dahil kahit pagbali-baliktarin ko man ang mundo mali pa rin ang manloko. I don’t want to stoop down that man’s level for revenge. At isa pa… I was so in love with him then that I couldn’t even hurt him back, no matter how much he caused me pain. “That was years ago Lily, and that wasn’t even true,” pagpapagaan sa loob ko ni Amelie. Nagkibit balikat ako. “Para sa ating dalawa hindi totoo ‘yon, pero para sa mga taong unang napakinggan ang side ni Dean… I was the one who cheated and not him.” Napairap si Amelie sa ere. “People can really easily judged someone. Ni wala nga silang alam kahit katiting sa nangyayari pero kung makaasta akala mo Diyos.” I smiled at Amelie. Ang weird lang na pinag-uusapan namin ang problema ko pero sa halip na maiyak ay napasasaya niya pa ako. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na mayroon akong kakampi. Na matapos ng lahat nang nangyari at paratang sa akin ng mga tao, mayroon pa ring mga naniniwala sa akin. “So… how are you? Did you hear or read a harsh comment about you?” tanong ni Amelie. Huminga ako ng malalim at nagpanggap na nag-iisip. “Hmm, wala naman,” sabi ko. Ayoko nang sabihin pa sa kaniya na naapektuhan ako sa sinasabi ng ibang tao. I’ve been experiencing this for the past years, and I know that I’m stronger than what I think. Sa tagal at dami ba naman ng mga naririnig ko, parang naging metal na ang aking puso. Pero paminsan-minsan pa rin ay naaapektuhan ako sa sinasabi ng ibang tao… katulad na lamang ng kanina. Umupo sa tabi ko si Amelie. “Just tell me when something is bothering you, okay?” aniya habang hinahagod ang aking likod. Pasimple akong lumayo sa kaniya. I don’t want to trigger my emotions right now. Masiyado pa naman akong malambot at baka dahil sa ginagawa niya ay maiyak ako. I can pretend to be fine as long as I want to. Pero kapag may mga tao nang nagpakita ng pag-aalala at pagmamahal sa akin ay natutunaw ang binalot kong yelo sa aking puso. Nginitian ko si Amelie. Iyong ngiting hindi umaabot sa mga mata ko pero kailangan. “Trust me, Amelie. I’m really fine. Nothing can affect me right now,” biro ko. Tinaasan niya ako ng kilay at pinaningkitan ng mga mata. “Wala? Kahit pa na si Dean?” Kumunot ang noo ko. My day was now ruined. Kanina ay medyo ayos pa ang araw ko dahil sa kaunting pakipag-uusap kay Cobalt. Hindi ko alam na isang pangalan lang pala ang kayang sumira ng araw ko. Idagdag mo na rin ang pangalan ni Rochelle. “Ano na namang ginawa niyang hindi maganda?” naiinis kong tanong. Kahit hindi sabihin ni Amelie ay alam kong hindi ko ikatutuwa ang ginawa ni Dean. Wala naman kasing ginawa ‘yung hinayupak na ‘yon na tama. Sa halip na sagutin ako ni Amelie ay may pinindot siya sa kaniyang laptop para mag-play ang isang video. Napairap na lamang ako nang makita ko ang pagmumukha ni Dean sa screen. I can’t believe myself. Paanong nagkagusto ako sa kaniya noon? He was not even that handsome. I mean he is handsome, but not in my eyes anymore. Mas pogi pa nga iyong mga international artist na nagme-message sa akin. “Are you okay with joining a project again with your ex-fiancée?” “Have you moved on from your past relationship?” “Were you able to forgive her?” Sunod-sunod na tanong ng mga reporter kay Dean. He was all smiles to them as if he was not pissed by the continuous question connected to me. “Isa-isa lang, guys. Don’t worry. I’ll answer all your questions.” “Nakapag-usap na ba ulit kayo ni Lily?” tanong ng isa. Nilingon niya ang nagtanong at nginitian ito. “For now, we haven’t talk yet privately.” “Were you able to meet her after the canceled wedding?” Tumango siya. “We’re living in the same world, so it’s impossible not to meet. We’ve seen each other and always greet each other with no hard feelings.” Napairap ako. Kung siya walang hard feelings puwes ako meron. Kaya ko lang naman siya binabati ay dahil maraming nakatingin. Asa siyang babatiin ko siya kung kaming dalawa lang. “Have you forgiven her?” pang-uusisa ng isang reporter na siya namang namukhaan ko. Grabe, may balat ba ako sa puwet? Bakit kung saan-saan ko na lamang nakikita ang bruhildang Rochelle na ‘to. Ngiting-ngiti si Rochelle nang nilingon siya ni Dean. “I forgave her… and still forgave her even if she didn’t ask for it. I want to move forward with my life, and hatred will only stop me from reaching my goal.” Aba, at ako pa ang pinagmukhang masama. Malamang hindi ako hihingi ng tawad dahil wala naman akong ginawang kasalanan. Ano siya gold? Iba talaga itong lalaking ito. Paanong hindi niya ako mapatatawad kung wala naman akong ginawang masama. If I were the one who got cheated on and asked that question, I’d probably curse in front of the camera. Dean was lucky he could act cool about this issue because he was not the one who got hurt and received hatred. “Are you fine now on working with her on the same project?” “As I said, we are both casual, and if she doesn’t have a problem working with me, then I’m also fine with it,” aniya ng hindi nawawala ang nakaiiritang ngiti sa kaniyang labi. Nang sinenyasan na si Dean ng kaniyang mga kasama na umalis na ay nagpaalam na siya sa mga reporters. Sunod-sunod pa ang mga naging tanong ng mga reporters kay Dean pero wala siyang sinagot sa mga ito. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa kaniyang kotse. Natigil lamang siya dahil sa naging pahabol na sigaw ni Rochelle. “Do you still like to marry her?” tanong ni Rochelle. “I mean… if she didn’t cheated,” dugtong pa nito. “But she did,” sigaw ng isang reporter. Desisyon, ‘yan? Excuse me, I’m not the cheater here but the one who you’re talking to right now. Sumandal ako sa sofa at pumamewang. Nagsama lang naman sa iisang screen ang dalawang taong pinakakinaiinisan ko. Nginitian lang ni Dean ang dalawang reporter at muli nang nagpatuloy sa paglalakad. Napatuwid ako nang upo dahil sa sumunod na tanong na ibinato ni Rochelle kay Dean. “Do you love her?” pang-uusisa muli ni Rochelle. Naikuyom ko ang aking mga kamay habang hinihintay ang kaniyang sagot. Dean looked back at Rochelle and smiled. “I have always been.” “f**k you!” I shouted at the laptop monitor before aggressively shutting it close.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD